Chapter 14 - Bloody night

24 1 0
                                    

[Zhannie's POV]


Kasalukuyan kong binabasa ang weekly report na sinubmit ni Sienna saakin kaninang madaling araw dito sa opisina ng lalaking demonyo. 


Unti-unti nang kumakalat ang pagiging 'de Vill' ko dahil sa napaka unexpected na dalaw nung demonyo sa lobby ng kumpanya ko nung nakaraan. Daig pa ang artista, eh yung mukha naman parang walang ka emo-emosyon. 


I can't say na I'm not okay with it dahil, unti-unti ring bumabalik yung mga nagpull-out ng shares nila at may mga dumagdag pang mga investors. Akala siguro nila dahil kasal na ako, mapeperahan nila si Quir. Tsk, sorry nalang sila.


Nakapagtataka nga kasi parang tahimik lang sina Dad and Tita Morgana. Siguro naman at sinabihan na sila ng kapatid kong monggoloid. And talks like this one spread like wildfire, even faster than light nga pero walang ni isang text o tawag ang natanggap ko mula sa kanila. Hmmm...


Kinuha ko ang kapeng bigay ng sekretarya ni Quir at ininom. Hindi narin ako nag pa order ng makakain dahil ilang araw na 'ko walang gana kumain. Kung kayo kaya makipag-usap 'dun sa kalbong matandang mukhang pera, tignan ko lang kung hindi kayo mawawalan ng gana. 


I just really had the urge to visit her grave matapos kong makausap yung matandang panot na kalbo nung nakaraang araw. It brought me back the memories of guilt and sorrow na pilit kong ibinaon noon.  


What happened way back has left me a scar that reminds me of how weak and useless I was, and how wrecked I was after that happened. It reminded me of the utterly horrifying memories that put me in an unstable state for a long time.


*Sighhhh* I took a deep breath and calm my nerves. I need to move forward.


Napatingin ako sa glass window nitong opisina. Ang dilim na sa labas pero ang ganda parin tingnan ng mga ilaw sa iba't-ibang lugar sa syudad. I remembered my office, ganito rin 'yung tanawin, pero dahil yung mayamang topak na demonyo ay ginawa talagang glass ang lahat ng sulok ng opisina niya, mas malawak ang tanawin kung tingnan.


Speaking of demonyo, sabi niya tatlong araw lang siya mawawala. Ba't ngayon, ni anino niya hindi ko mahagilap? At wala rin akong natanggap na text o tawag mula sa kanya simula nung gulatin niya ako sa kabayong sasakyan niya nung isang araw. Don't tell me, nawawala't kailangan niya ng mapa para lang makabalik? Tsk.


Napaangat ako ng tingin nang may narinig ako sa labas sa pinto. Tsk, if I know yung turotot na naman 'yon. Siya lang naman kasi ang daig pa ang aso kung maka sunod.


Napairap na lang ako. Pag katok lang 'di magawa? Anong ginagawa niya sa may pinto? Nagtatae? Hampasin ko kaya siya?


Alam ko namang nasa tabi-tabi lang 'yon matapos yung nangyari nung isang araw. Ang sakit kaya 'nun sa likod! Tanginang turotot, 'di talaga marunong kumatok, daig rin ata ang bagyo sa kahanginan!


Ibinaba ko ang mga papel na hawak ko at naglakad papuntang pinto. Trip ata nitong siraulong turotot ang mag praktis kumatok, dinig na dinig ko pa naman ang... teka... 

The Mafia Boss' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon