Chapter 9 - Start of something?

30 3 0
                                    

[Zhannie Myr's POV]

"Na-miss mo siguro asawa mo 'no't may pa sundo-sundo ka pang nalalaman?" Lukaret 'tong isang 'to, parang kabuteng biglang sumusulpot.


"tsk." See? Nice talking talaga ako palagi dito sa lalaking 'to. Kinulang 'ata sa mga salita eh, nahiya naman ang titulo niyang youngest billionaire. Pano kaya niya nagawa 'yon? Sign language ang peg?


"Libre namang magsalita, mangmang talaga." Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa daan habang nagdadrive siya.


Sinumpong na naman kasi. May pa-we need to go home, we need to go home pang nalalaman, eh hindi naman ako pinapansin. Tsk tsk.  Sarap sapakin eh! Kinuha ko nalang ang phone ko and scrolled through my emails


"I'll be out of the country for a business trip in 3 days." Napatingin ako nang magsalita ito pero ang tingin niya ay nanatiling nasa harap lang. If tanga lang talaga ako, iisipin kong kausap niya ang windshield. Napairap tuloy ako. 


"Okay, take care dear husband." I said mocking him with the same serious tone he always use to talk to me as if kausap niya ang sekretarya niya. 


Natawa ako nang kumunot na naman ang noo niya at sandaling tumingin saakin ng matalim. "Quit laughing, woman!" Pikon talaga 'tong lalaking 'to.


"Okay, dear. Take care" Ulit ko habang natatawa dahil 'di maipinta ang mukha niya when I said it in an affectionate way, sinamaan niya 'ko ng tingin pero tinawanan ko lang with matching flying kiss pa. Hahahahha pikon talaga. Ayaw niya 'nun? May lumilipad pa siyang halik galing sa magandang walang kasingtulad?


Umiling ito habang lukot ang mukha which I am sure na nainis ko na naman hahahaha.


Hindi nagtagal at natahimik naman ang byahe namin patungo raw sa bahay niya-NAMIN daw.


"Kelan pala balik mo?" Tanong ko, breaking the silence. Tinignan ko siya pero parang wala na naman 'tong balak sagutin ako ng seryoso, hay da best talaga 'tong asawa 'kong--


"'Di pa nga ako umalis, miss mo na agad?" Agad akong napatingin sa kanya nang magsalita siya. Hindi ko inaasang sasagutin niya 'ko and mas hindi ko inasahan ang sagot niya, and ang pinaka hindi ko inaasahan ay ang kaniyang pag-ngisi sandali bago ito binawi.


Ngumisi talaga eh, hindi talaga ako namamalikmata. I swear to God, ngumisi siya. Pero teka nga, medjo mahangin eh. Ang kapal, amputa!


"Wooooh!" Umakto akong naiinitan at pinaypayan ang sarili para matago ang 'di maipagkakailang kaba na nararamdaman ko. "Ang hangin, giniginaw ako eh." Pasimple ko siyang tinignan na ngayon ay seryoso na naman. Tangina!


May kung ano siyang hinablot sa backseat. Hindi ko nalang tiningnan kung ano dahil naiilang ako. Ito kasing lalaking 'to, minsan na nga lang magsalita, may extra pang pangpakaba, amputa!


"Wear it, woman." Naramdaman kong may kung anong damit na nakalagay sa kandungan ko. It's a coat. 

The Mafia Boss' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon