CHAPTER I

3 0 0
                                    

Maganda ako period! Eh ano naman kung hindi ako gusto ng crush ko kasi wala ako boobs? Sus crush lang yung maganda ako. Pasalamat nga siya crush siya ng isang Zillah Eunice Javierto.

Patuloy kong pinagmamasdan ang mukha ko sa salamin ng bigla na lang bumukas ang pinto na marahas at lumagapak sa likod ko.

"Aray ko naman yan! Ano ba yan nag papa music na nga ako sa phone ko para marinig na may tao sa loob hala sige parin sa pag pilit na buksan!?" kunot noo kong saad habang nakatingin sa hudyong kuya ko sa may salamin.

"Mag hunos dili ka nga diyan Zil ano ba yang pinagagawa mo sa salamin? Narcissist ka na ba ngayon? Maganda ka nga kasi kapatid kaya kita, gwapo ako kaya dapat lang na maganda ka." Pang-aasar niya pa habang tumatawa ng malakas.

"Nye! nye! Ikaw ang manyak mo. Palagi mo na lang binubuksan yung CR pag nandito ako sa loob."

"Eh kasalanan ko bang di mo alam ang salitang lock? Ilang beses ko nang sinabi sayo na palagian kang mag lock ng kawarto mo saka pag mag c-cr ka ang tigas ng ulo mo."

Napahinga ako ng malalim naasar na ako.

"Naka lock yan! Sa lakas mo ba naman kasing mang asar at pilit na pag bukas ng cr di nasira tuloy ang lock tignan mo!" saad ko habang naka turo sa lock na sira na.

Ininspeksyon naman niya iyon. "Tsk, sabi ko na nga ba fake to eh! Yaan mo gawan ko ng lock tong CR yung matibay para di mabuksan ng kung sino. Marami pa namang gago rito. Lika na nga kain na tayo nakapag luto na ako Zil yung paborito mo." Saad niya sabay hila papasok sa bahay nasa labas kasi yung CR namin, ganito talaga halos mga CR ng mga bahay dito sa probinsya.

Tahimik kaming kumakain ng biglang mag salita si kuya.

"Naka pag impake ka na ba? Bukas ng madaling araw e babyahe na tayo pa terminal. Kailangan na rin nating bumalik, tatlong araw na lang pasukan na."

"Natapos ko ng mag impake kanina kuya. Saka ng pala kuya naka pag online enrollment na ho ako para sa second semester tapos yung bayad po sa textbooks isusunod ko na lang raw pag balik natin ng Cagayan de Oro." Textbooks lang naman talaga yung babayaran namin although private school, mayroon kasing program yung gobyerno kung saan malilibre ang mga estudyanteng galing sa public schools kapag nag enroll sila for senior high sa private schools. Kaya nga grab the opportunity na ako na maka apak sa private school for once in a lifetime to no.

"Sige. Nako Zila pagbutihan mo sa pag-aaral ha."

"Kailan ba naman kasi ako nag bulakbol kuya ha? Maka asta ka-"

"Oh ano? Ano?" nanghahamon niyang saad habang pinipingot ang ilong ko.

"Kuya! Masakit nga! Parang bata eh!" inalis ko ang kamay niya sa may ilong ko.

"Ses kulit mo!" sabay gulo ng buhok ko at halik sa may pisngi. "Ikaw mag hu-hugas ng pinggan ha." Napa irap na lamang ako.

"Ayaw ko nga!" sigaw ko habang pa labas na siya sa kusina.

"Sige wag kang mag hugas diyan sasabihin ko ka Indoy na crush mo na wala kang alam sa gawaing bahay para mas ma turn off siya sayo." Wika niya sabay halakhak ng malakas

"Aba't gago ka kamo!" banas na sabi ko na lamang. Hindi ko na nga kasi crush yung Indoy na yun jeje days pa kasi ako nung nagka crush ako sa kaniya malay ko ba namang sobrang hambog niya at nong mga huklobang barkada niya na kahit anong sabi kong move on na ako sa kaniya ay hindi pa rin na niniwala at pinag kalat pa talaga ang feeler lang ni kuyang Indoy.




Published: June 8,2022 (Not Proofread)

She gets the FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon