Three days had passed and much to my dismay classes resumed promptly. Kapagod bakit mas marami pa yung mga araw ng may klase kaysa sa mga araw ng bakasyon. Ano ba naman yan DepEd di ko na feel ang semestral break hays hirap maging mahirap. Naubos ko ata ang isang linggo ng semestral break sa probinsiya na naiingit sa mga mayayamang ka school mate ko na walang habas na nag post na kanilang mga get away during the break. I was just lazily walking in the hall way papuntang classroom ko para sa first subject which is ang nakaka frustrate lang na man na Basic Calculus. Basic daw pero dumudugo utak ko dun. Ang dahilan lang talaga kung bakit ako patuloy na pumapasok sa course na yun ay dahil wala akong choice STEM pa nga gaga kasi. Porket naka 90 lang sa Mathematics noong grade 10 ang lakas na ng loob na mag STEM ngayon ano napala mo? Patuloy ko pa ring inaaway ang sarili ko habang pa upo na sa designated seat ko.
Nakapanglumbaba na lang ako habang naka tingin sa may pinto ng biglang nabuhay ang buong pagkatao ko dahil sa isang Adonis na nakasuot ng glasses na pumasok sa room. Amp, isang rason pa bakit patuloy pa rin akong nag su-survive sa STEM life dahil kaklase ko si Alejandro Leonel. Di ko napigilan na mapangiti at mapa ayos ng upo, lumibot ang mga mata niya sa loob ng room at nang mag tagpo ang aming mga mata tila may sariling utak ang mga kamay ko na inipit ang buhok sa may tenga, ang pabebe ko. Binigyan ko siya ng makatindig balahibong ngiti yung labas ngalangala. And of course, he wasn't move by it, banas na lamang akong napa sandig sa aking upuan.
"Huy Eunice ang love of your life mo oh! Di mo ba na miss? Yakapin mo na isang linggo rin kayong di nag kita niyan!" Agad na asar ni Tricia na sinundan naman ng mga hiyawan. Napakamot na lamang ako sa aking ilong dahil sa kahihiyan. Nang tignan ko siya ay balewala lang siyang nag s-scroll sa cellphone. Psh, ang cold talaga may pa please think about it think about it pa siyang nalalaman. Kaasar manigas ka diyang matalinong gwapo ka.
Minutes had passed at pumasok ang prof para sa subject na iyon. He introduced himself and even the subject, I was just mindlessly watching Alejandro Leonel as he listens carefully to what the professor said. Grabi yung adams apple niya ang hot tignan sa tuwing lumulunok siya and not to mention whenever he clenched his jaw shems ang manly lang. Then he also has this hobby na inaangat yung glasses niya using his middle finger ang talinong tignan well matalino naman talaga siya magiging highest honor ba naman yan ng whole campus if hindi.
My breath hitched when suddenly he glanced in my way, tinignan niya ako ng matiim at naka kunot ang noo. Wait, I look around me and found out that hindi lang pala siya ang naka tingin sa akin lahat na pala. Ahm, what did I do? I look back at him and he was nudging his head in front, so in instinct I also look in front only to find out that the professor was also looking at me with question in his eyes.
"Y-yes sir?" napipiyok kong saad, I heard the stifled laugh of my classmates. Napa irap na lang ako ang bu-bully talaga nila. "I asked you miss what have you learned so far during the first semester." He said patiently. At nakahinga naman ako ng malalim dahil doon.
I confidently smile and stood up "That mitochondria sir is the power house of the cell." And then the loud laugh of the crowd followed. Pag tingin ko kay sir ay hindi ko ma explain yung expression niya para siyang na offend na gustong matawa. "Your correct miss, if yung subject na tinuturo ko is General Biology but just to inform you miss this subject you are in is Basic Calculus so I expected an answer that should be connected to it." He said at napailing na lamang. "Anyways who else can volunteer to answer yung connected na sana sa subject natin. You may sit down miss." He continued still smiling and wala akong nagawa kundi umopo na lang na pulang pula. When I look at Alejandro Leonel ay umiiling na siya disappointment and amusement was written on his face.
He raised his hands to volunteer and when he was called lahat ay na-amaze na lamang sa answer niya. Sinong hindi e summarized na ata ng lessons namin sa Pre-Calculus yung nerecite niya. What else do you expect sa highest honor ng campus na president ng student council. Isa lang masasabi ko, 'mine lalaking magaling sa math!'.
Published: June 8,2022 (Not proof read. )

BINABASA MO ANG
She gets the Flowers
General FictionI have always been confident of who I am, never have I tried to compare nor compete with someone else. Maybe because I have flourished this confidece by knowing that although I am far from those pampered, godessly beautiful girls, the fact that I a...