Mahal anong nangyare sa ating dalawa
Na saan na ang mga pangako mo para sa ating dalawa?
Tila ba'y unti-unti ng nabubura sa iyong isipan ang mga letra at mga salita
Mga salitang binitawan mo hindi lamang sa harap ko kundi pati sa mga magulang ko.Mahal, walang iwananWalang sukuan
Pero bakit ganun mahal, ang dami kong nakukuhang ipormasyon
Mga impormasyon na tila ba'y ikaw ay may iba ng tinitignan.Sakabila ng mga narinig ko patungkol sayo heto parin ako,
Naniniwala sa mga pangako mo
Pangako mo na tayong dalawa hanggang dulo
Yung tipong hanggang sa pagtanda'y ikaw parin at ako.Pero bakit ganun mahal, habang tumatugal ika'y nanlalamig na
Tila ba'y kahit anong gawin ko'y parang wala na lang sayo
Lahat ng effort para muling maibalik ang dating tayo'y ginawa ko na
Kulang na nga lang magmakaawa na ko sayo para lamang mapansin mo ulit ako.Ang tanga ko, kasi hindi ako naniwala sa mga sinasabi nh magulang ko patungkol sayo
Na ikaw na nga'y iba ng kinakatagpo
Kinakatagpo ng palihim kapag tayo magkalayo
Ang tanga-tanga ko, kasi hindi ko nakita ang lahat ng ito.Ako'y napapaisip kung san ako nagkulang?
Saan ako nagkamali?
Masyado ba kong naging mahigpit?
Para ito'y iyong gawin sa katulad kong naging tapat sayo.Pero mahal,
Kung ito ang iyong nais para maging masaya ka,
Pinapalaya na kita
Pinapaubaya na kita sa kaniya kahit na ang puso ko'y labis na nasasaktan sa sapagkat sa aking tabi'y ikaw ay mawawalay na.Mahal, tandaan mo na ako'y laging narito para sayo
Sana maging masaya ka sa piling ng bago mo
Sana mahalin ka rin niya gaya at higit pa sa pagmamahal ko sayo
At higit sa lahat mahal, lagi mong tatandaan na minahal kita ng tapat at totoo.Kaya naman mahal, malayang malaya ka na
Malaya ka ng mahalin siya ng hindi na kailangan magtago
Malaya ka na sa mga bisig ko
Mahal, mahal na mahal kita hanggang dulo.
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryRandom poetry. This Spoken Poetries are based on true to life story or true to life feeling. I don't have any intention to hurt you or what. Hope you enjoy reading and I hope you like it. God bless.