Tatlong salita na may labing isang letra
Talong salita ngunit sandamakmak na mensahe ang nakatala
Tatlong salita na madalas mong naririnig o di kaya nama'y natatanggap at madalas ay hindi ka makapagsalita
Pero kamusta ka na nga ba? Ok ka nga lang ba? Baka naman nagpapanggap ka na?Kamusta ka na?
Kasarap makarinig at makabasa ng mga ganitong salita
Lalo na kung ikaw ay may pinagdadadaang poblema
Kay sarap marinig o di kaya nama'y makabasa ng mga ganitong salita
Pero madalas hindi mo masuklian ng sagot ang kanilang itinala.Madalas ka bang nakakarinig o nakakatanggap ng mga salitang ito?
Kung oo,
Hula ko, madalas puro ngiti lang ang sinasagot mo
Sapagkat mismo ikaw sa sarili mo ay hindi alam ang isasagot dito.Sa tuwing nakakarinig o nakakatanggap ka ng mga salitang ito
Pati ikaw sa sarili mo napapatanong ka ng ganito
"Kamusta nga ba ko?" "Ok nga lang ba ko?" "Baka nagpapangap na naman ako na ok lang ako?"
Kaya puro ngiti na lang ang ibinabalik mo sa mga taong nagtatanong sayo.Kamusta ka na?
Ok ka pa ba o baka naman di ka na masaya?
Kamusta ka na?
Ok ka pa ba o baka nanghihina ka na?Kamusta ka na?
Ok ka lang ba?
Hula ko, may dinaramdam o may pinagdadaan ka
Kasi, hindi ko na makita yung mga ngiti sa iyong mga mata.Pero teka,
Bakit nagmumukmok ka?
Hindi ba dapat, maging masaya ka?
Kasi may panibago kang pagsubok na nadarama.Bakit kinikimkim mo ang mga poblema?
Di ba dapat, sinasabi mo yan sa taong lubos mong pinakakatiwalaan?
Di ba dapat sinasabi mo yan sa Kaniya?
Di ba dapat walang lihiman?Dahil dyan, may tanong ako sayo
Gusto mo na bang makawala jan sa sitwasyon o sa pinagdadaanan mo?
Kung oo,
Ito ang masasabi ko sayo.Alam mo, hindi sulusyon ang pagmumukmok sa kwarto
Alam mo, hindi sulusyon ang pag-iisip ng mga negatibo
Hindi rin sulusyon ang pagtalikod sa mga pagsubok na kinakaharap mo
At higit sa lahat, hindi rin sulusyon ang pagkitil sa buhay mo.Alam mo kung ano yung sulusyon jan sa poblema o sitwasyon mo?
I-surrender mo sa Lord lahat ng bigat na nararamdaman mo
Sabihin mo sa Kaniya lahat ng pinagdadaan mo
Humingi ka ng tulong sa Kaniya para malagpasan mo ang lahat ng pagsubok na kinakaharap mo.Alam mo, hindi masama ang umiyak
Basta wag mong gagawing hobby ang pag-iyak
Hindi naman ito masama
Basta pagkatapos mong umiyak, hindi mo na ito muling babalikan pa.Kaya kung ako sayo, lumapit ka na agad sa Kaniya
Sabihin mo na lahat ng iyong naradama
I-surrender mo na sa Kaniya yan at wag kang magtitira kahit isa
Pag na surrender mo na lahat, wag mo ng babawiin at babalikan pa.At dahil jan, SMILE ka na😊
Wag ka ng malungkot pa
Andyan ang Lord para i-comfort ka
Andyan lagi ang Lord para sayo, kaya wag kang mahiyang lumapit sa Kaniya.Tama na pagmumukmok mo
Tama na ang pag-iisip mo ng mga negatibo
At wag na wag kang susuko
Laban lang kasi sa tulong Niya, malalagpasan mo din yang pagsubok o poblema na kinakaharap mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/144807732-288-k431543.jpg)
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoesiaRandom poetry. This Spoken Poetries are based on true to life story or true to life feeling. I don't have any intention to hurt you or what. Hope you enjoy reading and I hope you like it. God bless.