Kala ko ang lapis at papel ang laging magkasama,
Kala ko sila lagi ang magkatugma
Kala ko pagnagkamali ka sa pagkakasulat at wala kang pangbura ay maaari mo na lamang ito punitin
Punitin ng parang walang nangyari at muli mo na lamang uulitinPero mali pala ang lahat ng aking akala,
Akala ko tayo na ang magkatugma nung kita'y makilala,
Akala ko tayo ang magkakasama hanggang sa huli,
Pero nagkamali na naman ako, dahil yun pala iiwanan mo rin akong muliKala ko ganun lang kadali yun na pagnakamali ka ay madali mo itong maiitapon na parang isang pirasong papel sa basurahan
Pero bakit nung ikaw na ang nagkamali ay pilit mo paring itinatanggi na mali,
Mali yung iniisip ko, mali ang mga nakita ko pero hindi eh nakita ko ng harap-harapan
Harap-harapan mo kong niloko at harap-harapan mo kong pinagtaksilanKala ko madali kong maiitapon ang mga masasakit na alaala ng nakaraan
Pero ito'y kay hirap ng kalimutan bagkus ito'y nakatatak na sa puso't isipan
Kahit anong pilit na pawiin ang mga bakas at marka ng iniwang pighati
Mga pighating di na mapapawi dahil sa sobrang diin ng iyong ginawang kasalanan na kahit saang linya o sulok ay hinding hindi na mapapawi kahit anong pilit.
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryRandom poetry. This Spoken Poetries are based on true to life story or true to life feeling. I don't have any intention to hurt you or what. Hope you enjoy reading and I hope you like it. God bless.