KAIBIGAN

10 0 0
                                    

Kaibigan, ang salitang ating pinanghahawakan
Ang lagi nating nasasandalan at maasahan
Ang laging kasama pagdating sa tawanan at kwentuhan
Laging kasama pagdating sa mga kalokohan
Dahil ikaw ang aking naging sandalan ng mga panahong ako'y nangangailangan.

Nakilala kita bilang masiyahing tao at handang tumuong sa kapwa
Tanging ikaw lamang ang nakakaalam kung pano ako mapapatawa
Sayo nakita ang matagal ng hinahanap na pagtitiwala
Tiwalang, mahirap ibigay sa ibang tao na hindi mo lubusang kilala
Pero iba ka, dahil ikaw lamang ang nakakuha ng tiwala na kailan ma'y hindi ko naibgay sa iba.

Pero isang araw, naglaho ang lahat
Nawala ang lahat ng nakita ko sayo noong una tayong nagkakilala
Nawala ng parang bula ang lahat ng saya at tawanan na ating pinagsaluhan
Nawala na ang kaibigan kong dating nakilala
Kaibigan kong makakasama sa araw-araw  pero ito ay isa na lamang na malaking akala.

Ang aking puso't isipan ay labis na nasasaktan
Nasasaktan dahil sa unti-unti mong paglisan
Nasan na ang aking kaibigan na nangakong hindi mang-iiwan
Tayo'y laging nagkakasalubong pero ikaw ay lumilihis ng dinaraanan.

O kaya naman sa tuwing tayo'y magkakasalubong ay para na lamang hangin
Hangin na hindi mo na napapasin
Hangin na iyong nararamdaman ngunit kailan ma'y hindi nakikita
Maaari ngang ako'y iyong nakikita, ngunit ako'y ipinagsawalang bahala mo na.

Nasaan na ang dati kong kaibigan
Nasan na ang kaibigan ko na lagi kong nakakapitan
Hindi ko man masabi ang mga katagang ito ng harapan
Ngunit, miss na miss na kita aking kaibigan.

Walang makakapantay sa ating pinagsamahan
Ako ma'y tuluyan mong iniwan
Ito'y lagi mong pakakatandaan
Andito lamang ako palagi at handa kang tulungan at damayan.

Ang ating mga ala-ala ay nakatatak na sa puso't isipan
Nakailan ma'y hindi ko makakalimutan
Hindi man na tayo maiituring na mag-kaibigan
Ngunit para sa akin, ikaw parin ang aking tunay na KAIBIGAN.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now