Liam's POV
Isang Linggo ng inobserbahan si Beelie at hindi pa rin sya nagigising.Dinadalaw ko sya rito sa Pill Pavillion pagkatapos ng aking klase. Isang beses pa lang ulit akong
umuuwi sa aming tahanan kac mas pinili kung bantayn ang aking kapatid dito sa Pavillion.
Sabi rin naman ng mga Alchemist na may Posibilidad na Ilang araw, linggo, buwan, o taon ang iintayin bago sya magising.
Bukas na ang kanyang ika-18 walong kaarawan nguit hindi pa rin sya nagigising.
************
Makalipas ang Anim na Oras simula alas sais ng hapon. Isang Liwanag na Ginto ang Lumulutang sa silid kung saan naroroon si Beelie.
At agad na pumasok sa kanyang katawan na ikinamulat nito ng mata at Umilaw ng Ginto na hindi namamalayan ng sinuman maliban lamang sa mga namumuno sa Supreme God Temple.
*************
Princess Flower's POV
Kinabukasan na Ika- Labing Walong Kaarawan ng Aking Kapatid na si Ace Winter Infinity sya ang Tagapagmana na kaharian namin pero hindi parin sya nagigising simula nung sya ay ipinanganak Apat na taon ako nung Ipinanganak ni ina Si Ace kapanahunang wala pa akong kaalam-alam pero nung nagkamuwang na ako tanging sa kapatid ko lamang ako laging nagbabantay.Isa sa mga sekreto namin Royal Family ang pagtatago namin sa katawan ng kapatid ko sa akin at Kay ama at Ina Ay May lima pang nakakaalam.
Bago ang lahat Ako si Princess Flower Infinity may kulay gintong buhok at mata na pang karaniwan lamang sa aming royal family Matangkad ang lahi namin pero si Ace lamang ang hindi siguro dahil hindi na-develop ng husto ang kanyang katawan dahil sa tanang buhay nya ay tulog lamang. Maputi Ako pati na rin si Ace na aking kapatid pero mas lamang nga lang si Ace sa kin dahil ni minsan di manlang naarawan ang kanyang balat.Ang kulay ng kanyang Buhok at mata ay ginto.
Sinabi sa akin ni ama kung bakit walang malay ang aking kapatid dahil raw nawawala ang kanyang spirit, nung una hindi ako naniniwala dahil na rin sa aking napagaralan na sa oras na mawala ang spirit ng isang nilalang ay magiging abo na sya pero nung nalaman ko na kapag isinumpa ang isang nilalng na tanggalan ng spirit ay hindi sya magiging abo dahil buhay pa ang kaniyang spirit at gumagala lamng sa ibang lugar.
"Anak, bakit hindi ka pa lumalabas dito sa silid baka may makahalata na may itinatago tayo sa kanila?" pagbasag ni amang Hari(King Arthur) sa Katahimikan sa Buong Silid.
"Lalabas na po ako ama dahil gusto kung handaan ang aking kapatid bukas sa kanyang kaarawan kahit wala siyang malay" sagot ko kay ama at yumakap sa kanya dahil ramdam ko rin ang kalungkutan nadarama nya katulad ko
"Nasaan po si Ina(Queen Elizabeth) "ako habang nakayakap kay ama habang sinusulyapan ang aking Kapatid.
"Sa hardin lamang naman sya namamalagi baka andun sya" saad nya habang nakangiti.
Kaya Kumalas na ako sa Pagkakayakap kay ama At nagteleport papuntang hardin ni Ina. Kaya naming Royal Family At Royal Council pati na rin ang kanilang mga anak na magteleport bilang dagdag na kapangyarihan namin.
Pagkarating ko sa hardin ay agad ko ring nakita si Ina Habang Kinakausap ang mga Halaman Isa kaya nyang gawin dahil galing sya sa lahi ng Forestia Valley kung saan kayang kontrolin ang lupa at kalikasan o Nature
Manipulation.
"Ina" sigaw ko at humarap naman sya sa akin at bigla na lamang Lumiwag ang kanyang mga mata.
"Ina" Ulit kung tawag sa kanya at unti-unting nawawala ang liwanag sa kangyang mga mata at ngumiti sa akin
"malapit na nating makasama ang iyong kapatid dahil lalabas na ang kanyang spirit sa isang nilalang pero hindi nito ipinakita ng wangis kanyang tagapagdala" si ina habang tuwang-tuwa sa kanyang nakita
Si Ina ay Kayang makita ang Past at Future pero sa hindi inaasahang pangyayari lamang katulad ngayon na hindi nya inaasahang makita ang paglabas ng spirit ng aking kapatid.
"Alam kung gusto mong gumawa ng maliit na pagsasalo para sa iyong kapatid dahil nakita ko rin ito sa aking pangitain at sa araw rin un lalabas ang kanyang spirit sa ibang lugar at ibang nilalang" kaya dapat nga tayong magdiwang ng kanyang kaarawan kahit tayo lamang.
Ang Alam ng Elemental World ay nawawala ang Aking Kapatid dahil sa paglusob ng Dark City sa aming kaharian dahil un ang ipinalabas namin sa bawat isa na hanggang ngayon ay hinahanap parin namin pero ang di nila alam ay tanging spirit lamang ng prinsipe ang nawawala.
Ngayon nga binabantayan ko ang kapatid kahit Maghahatinggabi na Ilang minuto na lamang at Saktong Alas Dose na ng gabi.
Maya-maya pa'y biglang tumunog ang malaking orasan na dinig sa buong Kaharian namin hudyat na Hating-Gabi na.
"Maligayang Kaarawan sa Iyo Aking Mahal na Kapatid" saad ko sabay noon ay may liwanag na lumabas sa kanyang braso na aking ikinagulat.
Agad akong nagteleleport sa silid ng aking mga magulang para sabihin ang aking nakita na kanila ring ikinagulat kaya agad kaming bumalik sa silid ng aking kapatid.
"Tama nga ang aking nakita ngayon nga araw na lalabas na ang spirit ni Ace "Si Ina habang nagtataka na parang may iba pa syang alam sa liwanag na ito ganon din kay ama nung tumingin ako sa kanya na nagtataka rin.
"Bakit May simbolo sya ng liwanag Mahal ko?"si ama na nagtataka parin hanggang ngayon.
Ngayon ko lang napansin ang simbolo ng Liwanag sa kanyang braso na ang ibig sabihin ay..... naputol ang aking pagiisip ng nagsalita si Ina.
"Simbolo ng pagiging reyna" si Ina Sabay Tingin kay Ama na parang hindi makapaniwala sa nakikita
"Mabuti pa siguro'y magpahinga na muna tayo dahil malapit mag umaga ay wala pa tayong pahinga" saad ni ama na amin ding pinaboran .
*************
Liam's POV
Naabutan ko si Beelie na nakatulala na ikinaagaw pansin ko habang nakaupo sa kanyang pinaghigaan kaya agad akong lumapit at tinawag ang kanyang pangalan para siya'y matauhan
"Beelie"tawag ko sa kanya pero hindi nya patin ako napapansin. Nakailang tawag na rin ako sa pangalan nya pero hindi parin siya natatauhan kaya naisipan ko nang tumawag ng Alchemist.
Pagkarating ng Alchemist agad fin nilang napansin na gising na si Beelie pero tulala kaya chineck-up agad nila ito.
"Curse of Frozen Heart " bulong na sabi ng Alchemist na dinig ko rin naman
"bakit anong problema?" tanong ko
"Ang Frozen Heart, kung saan unti-unting nagiging yelo ang kanyang puso" sagot mg alchemist ma ikinagulat ko
"may solusyon ba para mapigilan ang pagyelo ng kanyang puso"naiiyak kung sambit.
"meron" agad din naman nyang saad
"sabihin nyo ng makuha ko kaagad" sambit ko
"hindi ikaw ang makakahanap sa kanya tanging si Beelie ang hahanap dito"sagot nya na hindi ko maintindihan. Kahit si Author hindi rin maintindihan.
"May Isang taon pa bago tuluyan maging yelo ang puso ni Beelie, kaya may oras pa sya para mahanap ang taong magpapainit sa kanyang puso" sabi ng Alchemist
"ang ibig mong sabihin ung magiging kabiyak nya"saad ko na agad din nya ikinatango.
"tama ka, dapat isang taga Volcanic Village ang maging kabiyak niya dahil sila ang may pinaka mataas na posibilidad na makapagpainit sa puso ni Beelie sapagkat kaya nilang kuntrolin ang init sa kahit anong parte ng katawan mo." mahabang paliwanag ng Alchemist
"kung ganon mas mahihirapan pa pala sya dahil isa sa ipinagbabawal sa teritoryo ng Volcanic Village na umibig na hindi ni inaarrge marriage." saad ko dapat kasi kung taga Volcanic Village ka may arrange marriage na nangyari bago ka umibig dahil pili lamang ang pede mong pakasalan bukod dun ang mga lalaki ay kahit tatlong beses sila pede magpakasal. At kung babae ka naman ay isang beses lamang.Kahit ikaw ay lalaki at ang turing sayo ay isang babae ng magpapakasal sayo ay wala kanang karapatan umibig sa iba. Bukod dun kailangan magbigay ng mga handog sa pamilya ng gusto mong pakasalan.
"Sa ikatlong pagkakataon kung nakasaksi sa ganitong pangyayari ay isa lamang ang tumagal ang unang asawa nang Tagapangalaga ng Volcanic Village si Melissa Flawless Magnimous galing din sa Forestia Valley katulad ni Beelie isang ordinaryong Earth User." mahabang paliwanag ng Alchemist
"Pero ang alam ko namatay si Gng. Melissa sa panganganak sa panganay nya." ayon sa pagkakaalala ko.
"Isa rin sa dahilan nito ay ang pagyeyelo ng kanyang puso tanging nakakaalam lang nito ay ang pamilya ni Gng. Melissa at ang Asawa nya na si Ginoong Frederick Magnimous kaya isa sya sa nakakaalam kung paano mas masosolusyunan ang kalagayan ni Beelie." suhistyon nya
"kung ganon ay kakausapin ko ang Tagapangalaga ng Volcanic Village para makahingi ng solusyon sa kalagayan ni Beelie" saad ko.
"papasamahan na lang kita sa pamangkin ko paglalapit kayo kay Frederick" saad ng Alchemist.
"Maraming Salamat po ano nga po pala ang iyong pangalan?" tanong ko
" Ako si Alchemist Francisco 'tatang kiko' na lang para dika na mahirapan at ung sinasabi ko sayong pamangkin ko ay Pamangkin din ni Frederick si Joseph isa rin sya sa mga master dito ewan ko lang kung kilala mo sya." saad nya may ikinagulat akong pangalan Joseph daw sana hindi ung joseph na kilala ko.
"Joseph Firestarter po ba?" tanong ko kay tatang kiko para makasigurado na hindi sya.
"oo sya nga, kilala mo pala sya, saglit lang at tatawagin ko." takang sagot nya at akin sanang pipigilan pero nakapag- laho na sya.
Hindi pa ako handang makita syang muli. Ayaw kung balikan ang masasakit na araw na ginawa nya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Lost Spirit of Elemental Prince
Viễn tưởngWag ka maniwala sa iyong nakikita, matuto kang makiramdam