Chapter 4: The Sons of Councils

18 3 3
                                    

FORESTIA Valley

Sa Bungad ng Teritoryo ng Forestia Valley dumating si General Singko. Makikita ang isang malaking Arko na Gawa sa pinagsama-samang bagin, mga bulaklak at malaki't maliit na mga dahon. Binabantayan ng dalawang higanteng bato na may buhay.

Agad naman Umalis ang dalawang higanteng Taong Bato sa Bukana na Arko at pinadaan si General Singko.At isang kabayo naman ang nakahandang sakyan nya papasok sa Tanggapan ng mga Council sa Forestia Valley.

Agad naman nakarating si General Singko sa tanggapan ng mga Council. Itoy isang malaking bahay na gawa sa matitibay na kahoy at Pinapatibay lalo ng mga bagin.

Hindi na nagatubiling pumasok si General Singko sa loob. Isang napakagandang tanggapan ito dahil sa disenyo nitong makaluma.Lahat ay gawa sa kahoy mapa lamesa, bangko,dingding at iba pang kasangkapan.

Green is the color Simbolize the Forestia Valley kaya halos lahat ng nilalang dito ay may berdeng kasuotan.Ang lahat ng tahanan dito ay gawa sa bato, dahon, bagin at kahoy.At nahahati sa dalawang klase. Tree House makikita ang mga tahanan ay nasa matataas na puno na tanging mga bagin lamang ang paraan para iyong maakyat at sila ung mga nilalang sa Forestia Valley na maiilap o mahiyain. Stone House lugar na halos gawa sa nilulumot na mga bato ang labas na bahagi kaya napakaganda rin tingnan at moderno ang mga desinyo sa loob sila ung mga Edukadong tao. Dito sa Forestia Valley ay may iba't-ibang tribong tinatawag at dinudugtungan ng Tribe sa Huling Salita.Ang mga nilalang na naninirahan sa Forestia Valley ay mas pinipiling manggamot na lamang kaysa makipagdigma kahit pa na malakas ang kanilang Kakayahan.Sila ay kilala bilang maamo at mapagkakatiwalaan kasapi ng Elemental World. Sa Forestia Valley din nagsisimula ang mga gamot at posion na sila mismo ang may kakayahang gumawa sila ay naninirahan sa Alchemist Tribe. Alchemist Tribe ang eksperto sa paggawa ng gamot at posion ng Tinatawag nilang Pill.Isa rin sa ginagawa nila ang mga pill na nakakatulong sa pagpaangat ng iyong Level.

"Anong maipaglilingkod namin sa isa sa Five Greatest General of Fourth Generation"  saad ng isang lalaki na may mahabang kayumangging buhok at Berdeng Kasuotan kasama ang dalawang babae at dalawang lalaki rin na pare-parehong may berdeng Kasuotan.

"Narito ako para iuulat sa inyo na may gaganaping paligsahan Bukas sa Frozen Ice Academy para sa mga magigiting na mandirigma sa kasalukuyan  para ipadala sa iba't - ibang misyon at inaasahan ng hari na dumalo ang iyong anak" si general singko

"Bakit kasama ang aking anak?" tanong ni Wendell Allamanda Tagapangalaga ng Forestia Valley

"Dahil isa sa kanila ang pipiliin bilang susunod na hari ng Infinite City dahil nagpakita na ang simbolo ng pagiging reyna sa isa sa mga anak ni King Arthur." paliwanag ni general singko

"Kung ganon ay hindi lang pala dapat ang anak ko ang isasabak sa labanan pati narin ang iba ko pang nasasakupan lalo na ang  Emerald Campus. Pero ang iba sa kanila ay gusto lamang manggamot at ayaw nilang gamitin ang kanilang Elemento sa pakikipaglaban" saad ni Wendell Allamanda.

"Akin lang ikinalulungkot dahil ang aking anak ay hindi pa sanay sa pakikipaglaban sa armas dahil mas pinagtutuunan nya ng pansin ay ang pagtugtog ng kanyang Plawta"dugtong pa ni Wendell Allamanda.

"Hindi naman sapilitan ang hinihiling ng hari dahil lahat ng Teretoryo ay kaniyang iniimbita." saad ni General Singko.

"hayaan mo at aking pipilitin ang aking mga nasasakupan na lumahok sa gaganaping paligsahan at asahan nyo rin na susuportahan ng Emerald Academy ang desisyon ng hari." si Wendell Allamanda.

"Ama" singit ng isang binatang may bitbit na plawta

"Anak, andyan ka na pala halika at ipapakilala kita sa isa Five General of Fourth Generation na galing dito sa Forestia Valley" si Wendell Allamanda.

" Siya si Bamboo Allamanda ang nagiisang anak ko" si wendell ulit.

Bamboo Allamanda  22 years old susunod na taga-pangalaga ng Forestia Valley

"Isang kagalakan ang makita ko ang isang magiting na mandirigma nang Fourth Generation" si Bamboo at inilahad ang kamay sa kaharap na heneral at inabot din naman nya ito.

"Hindi na po ako magtatagal dahil pansamantala lamang ang oras na ibinigay ng hari."si General Singko

"Kung ganon ay hindi ka na  namin gagambalain pa maari ka nang umalis" si wendell

At umalis na nga ang heneral

"Ano ang pakay dito ng Heneral Ama?"tanong ni Bamboo sa Ama

"Inaanyayahan ka ng hari na sumali sa paligsahan na gaganapin sa Frozen Ice Academy" sagot ni Wendell sa anak.

"Para saan ang paligsahan ama"si Bamboo

"pipiliin ang mga magigiting na mandirigma sa kasalukuyan at ipapadala sa isang misyon kung saan pipili ang hari ng papalit sa kanya." mahabang paliwanag ni Wendell sa anak

"kung ganon ama sasali ako hindi man ako ang mapili na papalit sa hari ehh papatunayan ko na pwede akong maging isang magiting na mandirigma sa kasalukuyan, huwag kayong magalala dahil hindi lang pagtugtog ang kaya kung gawin dahil nahasa ko na po ang naiibang kakayahan ko." si Wendell

"Kung ganon anak ay simulan mo ng magsanay dahil bukas gaganapin ang paligsahan." si wendell.

******************
Rain's POV

Ako si Rain Waterfall 22 years old ang susunod na tagapangalaga sa teritoryo ng Aquaria Riverfall at narito ako sa lagusan ng aming Teritoryo kasama ang dalawang kawal dahil may nakapagsabi sa amin na galing sa Infinite City na may darating ng heneral at kaylangan namin sunduin sa Labas ng lagusan. Kailangan magbigay ng sulat sa council kung lalabas ka naman ng Aquaria at Sulat galing sa Infinite City naman kung papasok ka sa teritoryo namin.  Nasa ilalim kase ng dagat ang Teritoryo namin. Kaya kunti lang ang makakapasok dito ang mga may kayang gumamit ng mermaid form lang ang pedeng pumasok sa teritoryo namin dahil hindi pinapahintulutan ang ibang nilalang na hindi galing sa lahi ng mga taong tubig dahil nakakaapekto ito sa aming tirahan kapag hindi ka galing sa lahi namin.

At dumating na nga ang isa sa Five Greatest General of fourth Generation si General Quatro dating kalahi namin na naglilingkod na ngayon sa Infinite City.

"Maligayang Pagbisita General Quatro" saad ko kay heneral

"Salamat susunod na tagapangalaga" saad ni General Quatro

" Kilala nyo po ako?" tanong ko kay heneral

"sinong hindi makakakilala sa mga susunod ng tagapangalaga kung kayo ang laging pinag-uusapan ng mga kababaihan sa buong Elemental World." paliwanag ni
general quatro.

"ahh ganon po ba" sabi ko habang hinihimas sa aking ulo.

"kung ganon po ay tayo na" sabi ko

"Mermaid Form" sigaw ko at nagbago ang aking anyo  na nung una ay nakasuot ng isang magarang damit tapos napalitan ng asul na buntot at walang pangitaas.At tumalon sa isang malaking balon.Ito ang lagusan sa aming teritoryo.

Ganon din ang ginawa nung dalawang kawal na kasama kaso ang buntot nila ay parehong kulay abo.

"I the Fourth Warrior of Greatest General of Fourth Generation calling for my Mermaid Form "Aquamarine"" saad ni general Quatro na aming ikinamangha dahil ang kulay ng kanyang buntot pagkatapos nyang magliwanag at  Pinagsamang Asul at Berde  na hinaluan pa ng kunting ginto. Tumalon na rin sa balon.

"Nakakamangha ang inyong anyo heneral" saad nung isang kawal na kasama ko.

"Lahat tayo ay magbabago ang anyo at lalakas pa lalo sa pagdating natin sa Warrior III" saad ni general quatro

Ang ibig sabihin may ilalakas pa lahat ng kalahi ko kung magsusumikap lamang silang makarating sa Warrior II.

Agad kaming sumisid sa Ilalim ng Balon at May Nilabasang Isang Malaking Butas Patungo sa Teritoryo namin ang Teritoryo namin ay nasa Pagitan ng Dalawang Mundo ang Elemental World at Mortal World. Kung saan maraming lumulubog ng mga Barko at nagsilbing Tahanan ng mga Serenong katulad namin. Isa sa Inaalagaan namin sa mga Mortal ay ang Kopya ng Pinakamalaking Barko na kanilang ginawa ang Titanic at dinagdagan pa namin ng mga palamuting makikita sa Kailaliman ng dagat. Dito ako nakatira kasama ang iba pang konseho at kamag-anak.
Ang ibang sereno ay sa iba pang barko na lumibog sa kalapit na lokasyon at dinala dito sa aming Teritoryo.

Sobrang Bilis ni Heneral sa pagsisid wari ko'y nadagdagan ang kanyang bilis dahil sa kanyang lakas.

"nandito na tayo heneral" saad ko ng bumungad sa amin ang napakalaking barko na Puno ng ilaw sa Kailalalim ng Dagat at napapalibutan ng mas maliit pang mga barko na puro palamuti rin.

"matagal ko ng hindi nasilayan ang aking pinagmulan"saad ni general quatro.

"Kung ganon ay bilisan na natin ang ating paglangoy" saad ko.

Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin na mabilis na lumangoy si General Quatro at malapit na Sa Barko na sa aming tinitirahan. Kaya mabilis din kaming lumangoy at ng makarating kami sa Arko ng aming Teritoryo ay mnagiintay si General Quatro.At sumabay na pumasok sa amin sa loob ng barko.

"Maligayang Pagdating sa ating Teritoryo kapatid" saad ni ama kay general quatro. Hindi po sila magkapatid matalik na magkaibigan lamang sila.

"Nagagalak akong makita kang muli aking Kaibigan"si general quatro

"anong magandang balita ang iyong hatid at naisipan ng hari na ikay bumalik dito" si ama

Siya ay si Henry Waterfall ang aking ama. Kasalukuyang Tagapangalaga sa Aquaria Riverfall.

"gustong iparating ng hari na may isang paligsahang gaganapin bukas sa Frozen Ice Academy at inaanyayahan ang iyong mga nasasakupan na dumalo at makilahok lalong lalo na ang iyong anak sapagkat isa sa kanila ang susunod na mamumuno sa Kaharian ng Infinite City bago un ay dadaan muna sila sa isang Misyon" saad ni General Quatro.

" Kung ganon ay si Prinsesa Flower ang susunod na Reyna?" tanong ni ama.

"maaari , pero hindi ako  sigurado sapagkat ang sabi lamang ng mahal na hari na isa sa kanyang mga anak ay nakita nila ang Simbolo ng pagiging reyna." saad ni General Quatro.

"maaring si prinsesa flower nga sapagkat hindi pa naman natatagpuan ang nawawalang prinsipe" saad ko.

" kung ganon ay sasabihan ko ang aking mga kalahing sereno at sa Pearl Campus na rin para makasali rin ang iba pang estudyante doon." saad ni ama

"asahan nyo ang pagdating ko sa paligsahan" saad ko.

*********************

Sa Teritoryo ng Volcanic Village

Fred's POV

Ako si Frederick Magnimous ang kasalukuyang nangangalaga sa Teritoryo ng Volcanic Village at naghihintay sa pagbalik ng aming General Tres siya nagmula dito sa aming lahi.

Sa hindi naman katagalan ay agad na lumitaw sa tarangkahan ng aming teretoryo si General Tres kaya agad naman ako bumaba sa itaas ng tarangkahan para siya'y salubungin.

Si General Tres ay anak ng isa sa maharlikang pamilya sa Infinite City  at sa magiting na mandirigma ng Volcanic Villages at dito narin lumaki hanggang maglingkod sa Palasyo.

"Maligayang Pagbabalik General Tres."saad ko

"Magalak akong makita kang muli Ginoong Frederick." saad naman ni general tres at yumuko pa sa akin bilang paggalang.

"Halika sa aming  Kastilyo para mapag-usapan natin ang iyong pakay" saad ko alam kung panandalian lamang ang kanyang pagparito sapagkat kailangan sila sa palasyo para sa kaligtasan ng mga Royal Family.

Agad kaming nag teleport papunta sa Kastilyo namin at nag deretso sa silid pulungan para maumpisahan na ang pagapupulong.

Andito na rin lahat ng mga kasaping council na naglilingkod sa Volcanic Village sila ung pumipili sa susunod na tagapangalaga pagkaanak pa lamang nito. Dahil sa lahi namin hindi normal sa mga lalaki ang iisa ang asawa. Pero ang naging asawa ko lamang ay Lima. Dalawa ang galing sa Forestia Valley, Isa sa Heavenous Paradise,At dalawa naman sa Infinite City. Lahat sila ay Arrange Marriage sa akin maliban sa isa na minahal kung tunay si Melissa Flawless galing sa Forestia Valley. Ikinalulungkot ko lang dahil namayapa na siya.

Andito na rin ang aking Apat na asawa  at dalawa kung anak. Pati na rin ang Headmaster ng Ruby Academy dito sa Volcanic Village.

"Maligayang Pagbabalik General" saad ng mga Council.

"Magalak at nakita ko kayong muli" saad naman ni General Tres na may paggalang.

"Sila nga pala ang aking mga Anak sina Flame Magnimous At Ash Magnimous." pagpapakilala ko sa mga anak ko at itinuro ko pa sila.

Isa sa hindi ko nagustuhan sa ugali ng panganay kung anak ay siya'y suplado katulad ng aking ama na dating tagapangalaga rin nitong teritoryong ito. Si Flame Magnimous ang aking panganay at anak ko kay Melissa.

"Nagagalak akong makilala ang susunod na tagapangalaga ng Volcanic Village" saad ni general tres ngunit hindi sya pinansin ng anak ko na nakasanayan ko na.

Maupo na tayo para masimulan na ang iyong pakay rito.

"Gustong ipaalam ng hari na may gaganaping paligsahan sa mga susunod na magigiting na mandirigma at gustong ipahatid ng hari sa inyong mga anak na inaasahan nila kayo dahil malapit ng dumating ang pagpili sa susunod na magiging hari sapagkat nagpakita na ang liwanag sa susunod na magiging reyna." saad naman ni general Tres na ikinatuwa ng mga council lalo na ako dahil alam kung magiging parte ang anak ko sa mga magigiting na mandirigma dahil simula bata pa lamang sya ay hasa na siya sa pakikipaglaban. Kahit ako ay kaya na nyang pantayan ngaun.

"Alam kung hindi papayag ang anak kung si Flame dahil alam ko na ang ugali nya kahit nga maging tagapangalaga ng Volcanic Village ayaw nyang tanggapin pagiging Hari pa kaya."pagpaparinig ko kay flame para mapilit ko syang makisalamuha sa ibang tao at makakilala ng mga gusto nyang pakasalan.

"pero hindi rin ako papayag na hindi sya makasali sa paligsahan dahil inaasahan sya ng hari." dugtong ko pa

"ama kahit ano pang gawin mo ay hinding-hindi ako pupunta sa paligsahan na un"  galit na saad nya

"kung ayaw mo mapipilitan akong ipakasal ka sa isang taga Forestia Valley." galit na sabi ko ay hinapas ang lamesa na ikinagulat ng lahat.

"alam mo naman na hindi pa ako handang magpakasal diba kaya kung gusto nyong sumali ako dun wag na kayong maghangad na ipapanalo ko ang laban." saad nya at umalis na sa silid.

"Kahit Kailan talaga yang anak mo Frederick walang ginagalang."masungit na saad ng isa sa mga asawa ko

"Hayaan mo na lamang sya alam kung magbabago rin ang kanyang ugali sa tamang oras.

The Lost Spirit of Elemental PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon