Chapter 5: The Announcement

2 1 0
                                    


Sa Heavenous Paradise>>>
Cloud Skywalker POV

Ako  si Cloud Skywalker-21 susunod na hari ng Infinite City diko na kailangang isekreto pa sa inyo sapagkat malalaman at malalaman nyo rin naman. Dahil isa sa kakayahan ng ng aming Teritoryo na magkakatotoo ang aming mga panaginip kasama na dun ang pagpapakita sa akin ng mga diyos na namumuhay sa  Spiritual God Temple na aking ikinagulat dahil ang alam ko ay wala na silang pakialam sa aming mababa sa kanila.

Batid na namin  ang pagdating ng kapatid ni Ama na si Gen. Dos  dahil sa isang bagay na kinaiingatan ng aming teritoryo na walang nakakaalam na kahit sino maliban sa mga council ng aming teritoryo at ako. Alam kung batid na rin ni Gen. Dos na nakahanda na kami sa pagbaba sa lupa. Iniintay na lang namin ang kanyang dala-dalang imbitasyon para makapasok kami sa Frozen Ice Academy.

Lima lang ang aking kasama sa pagbaba sa lupa dahil batid na rin naman ang kalalabasan ng paligsahan sapagkat ilang taon din kaming sinanay para sa ganitong pangyayari. Kasama ko ang aking kababata na pinsan ko din na si Ate Heaven (Poisonous Butterfly) Himpapawid, isa sya sa mga kilala sa buong Infinite City dahil sa aking nitong kagandahan at katalinuhan.  Bukod sa kanya ay may tatlo pa kaming kasamang kawal na ipinadala para sa proteksyon daw naming na di na naman naming kailangan.

Ilang sandali lamang ay dumating na rin si Gen.Dos dala ang imbitasyon na kailangan namin.  Ilang saglit lang ay nagpaalam na kami dahil malayo pa ang aming liliparin at baka harangan pa kami ng mga ligaw na pirata sa  Lost Mountain. Ang Lost Mountain ay isang bundok na lumutang sa kalangitan nung mahabang panahon, ditto rin matatagpuan ang mga gintong hindi mo inaasahan kaya maraming pirata ang pumupunta dito.  
Sa gitna nga ng amng paglalakbay ay may nakasalubong kaming mga pirata bago pa kami makarating sa Lost Mountain Sakay sila ng barkong panghimpapawid.
“Kapag siniswerte ka nga naman isang napakagandang dilag naman ang ating magiging pananghalian” sabi ng isang pirata kay ate Heaven.
“Talaga bang napakaganda ko sa inyong mga paningin” pangaakit  ni ate heaven sa kanila “pwes, matitikman nyo lang ako kung matatalo nyo ako sa isang duelo, kaung lahat laban sa akin mag-isa” paghahamon ni ate heaven dito.
Alam ko naman na kaya na ni ate Heaven iyon, kaya di na ako nagaksaya pa ng oras para tulungan siya.
“Ikaw na mismo ang nagsabi na matitikman ka namin pag natalo ka namin kaya siguraduhin mol ang na susunod ka sa kasunduan” sagot naman ng parang leader nila.
“Di nyo pa ba sisimulan sumugod, may importante pa kaming pupuntahan kaya bilisan nyo” singit ko naman.
Agad naman sumugod ang pirate ngunit napatigil sila sa Killer Moves ni ate Heaven ang Flower Dance nito na aakit sa lahat ng makakakita rito kaya tumalikod ang mga kasama kung kawal para di sila tablan nito. Di ako tinatablan ng flower dance ni ate Heaven kasi mas malakas ako sa kanya. Ang Flower Dance ni ate heaven ay kayang pahintuin ang pagiisip ng mga nakakapanood dito, pati na rin ang kanilang paggalaw dahil pumapasok na sa kanilang mga utak ang lason na lumalabas sa kamay ni ate Heaven na kanyang kakayahan na kuntrulin ang mga lason sa hangin. Pagkatapos ng sayaw ni Ate heaven ay bumagsak lahat ng mga pirata. Iniwan naming na ka tali ang mga pirata sa kanilang barko at pinaglayag sa kuta ng mga pirata.
Nagpatuloy na rin ang aming paglalakbay at wala ng ibang nakasalubong pang mga pirata.

Third Person POV
(Frozen Ice Academy)
Agad naming dumating si Gen. Uno sa Frozen Ice Academy dala ang balitang magkakaroon ng pagligsahan sa pagiging hari at pagiging magiting na mandirigma sa kasalukuyan.
Sakto lang din ang dating ni Gen Uno sa silid pulungan nga mga matataas na guro ng academy. “Ano ang sadya ng magiting na mandirigma ng Infinite City sa aming Academy” magalang na sabi ni headmaster.
“ Narito ako para apabatid sa inyo na may gaganaping paligsahan para sa sunod na hari ng Infinite City at pagkilala sa mga bagong magigiting na mandirigma sa kasalukuyan.” Saad ni Gen. Uno.
“Isang malaking paligsahan nga yan, kung ganon ay kailangan kung ihanda ang mga estudyante at mga handang kawal sa paligsahang ito. Kung ganon ay sasabihan ko na sila.” Saad ni headmaster.
“Sige headmaster at ako na ang bahalang libutin ang academy para masiguradong walng ibang taga Dark City na makakapasok dito bukas.” Saad ni Gen Uno.
Agad din naman na naglaho si Gen Uno at headmaster.
>>>>>>>>
“Magandang Araw aking mga Mahal na Mag-aaral ng Frozen Ice Academy, gusto ko lang ipabatid sa inyo na magkakaroon tayo ng isang malaking paligsahan bukas dito sa ating paaralan para malaman kung sino ang susunod na magmamana ng trono ng hari.  At gusto ko rin ipabatid sa inyo  na magkakaroon din ng pagpipili sa mga magigiting na mandirigma sa kasalukuyan. Katulad sa lumipas na panahon ipinadala sila sa mga mahihirap na misyon at upang makilala at mahasa pa ang kanilang kakayahan. Kaya inaasaahn ko rin ang inyong pagsali. Alam kung handa na kau sa ganitong pangyayari kaya Malaki ang aking  tiwala na isa o higit pa sa inyo ang makasali sa magigiting na mandirigma ng kasalukuyan. Ngaun ay naghanda na kay dahil bukas na bukas ay sisimulan kaagad ang paligsahan.” Isang anunsyo mula sa mga nagkalat na speaker sa buong paligid ng academy.

LIAM’s POV
Ikinatuwa ko ang anunsyo hindi dahil magkakaroon na ng bagong hari o magiting na mandirigma ng kasalukuyan kung hindi dahil, hindi ko na kailangan pumunta sa Volcanic Village para makausap si Ginoong Frederick at mabigyan na ng solusyon ang kalagayan ng aking kapatid.
Agad kung ibinalita sa aking kapatid ang mangyayari bukas.
“Beelie, sisiguraduhin kung pagkagising mo hindi mona kailangang maghirap  pa sa iyong sakit dahil bukas na bukas ay kakausapin ko si Ginoong Frederick para malunasan ka.” Saad ko sa kapatid kung mahimbing na natutulog ngaun sa kanyang kama dito sa Pill Pavilion.
Parang normal lang ang kanyang pagtulog na parang hindi nanggaling sa isang madugong pangyayari. Napansin ko din na normal na ang pintig ng kanyang pulso kaya sigurado akong magigising  na din sya paglipas ng ilang araw.
KINABUKASAN>>>>
Kahit malayo ang Pill Pavilion sa Training Field ay dinig na dinig dito ang lakas ng mga hiyawan at mga bandang tumutugtog para sa gaganaping paligsahan.
Naghanda na ako ng susuotin para makapunta sa field at alam kung magsisimula na ito sa ilan pang sandali.
Third Person’s POV
Nagdadatingan na nga ang mga kalahok ng paligsahan galling sa iba’t-ibang teritoryo.
Biglang may mga bulaklak na nagkalat sa gitna ng field at hudyat na dumating na ang tagapangalaga at mga council ng Forestia Valley kasama ang mga estudyante ng Emerald Acdemy na kasali sa paligsahan.
Makalipas din ang ilang sandali ay may malaking bula na nabuo sa gitna ng field at nung ito’y   dumikit sa lupa ay biglang lumitaw ang mga taga Aquaria Riverfall kasama ang tagapangalaga , mga council at ang ibnag mga estudyante din ng Pearl Academy.
Di rin nagpahuli ang pagdating ng mga taga Volcanic Village na isang nagliliyab na pambungad ang kanilang ginawa, kahit umaga ay makikita mo ang mga makukulay na fireworks at kasaby nito ang pagdating ng tagapangalaga  dito kasam ang kanyang mga asawa, andun din ang ibang council at mga estudyante ng Ruby Academy.
Di rin magpapahuli ang pagkalat ng mga putting balahibo na kasama ang malakas na hangin at ang pagsulpot ng limang tao na ikinataka ng lahat dahil hindi  kasama dito ang tagapangalga ng Heavenous Paradise at mga Council.
“Magandang Araw sa inyong lahat, magsisimula ang ating paligsahan pagdating ng ating Mahal na Hari at Reyna ng Infinite City kasama ang kanilang minamahal na prinsesa.” Sabi ng isa sa mga guro na nagaannounce.
Maya-maya ay may mga gintong liwanag na namuo sa gitna ng Field at Isang Kalesa ang lumabas dito sakay ang hari, reyna, at prinsesa ng Infinite City. Agad na nagbigay  galang ang lahat sa pagdating ng mga kamahalan.
Pagkatapos magbigay galang ay sya naming pagtugtogbuit ng banda para simulant na ang paligsahan.
“Inaanyayahan ang mahal na Hari para pasimulan ang paligsahan. Para sa kanyang panimulang pandangal at basbas sa mga lalahok” saaad ng announcer.
Agad naman tumayo ang mahal na Hari na may malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost Spirit of Elemental PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon