Chapter 3: The Mirror of Truth and Book of Prophecy

17 2 0
                                    

Liam's POV

Pupunta ako sa Silid Aklatan para makahanap ng Solusyon sa pagyeyelo ng puso ni Beelie ng may biglang tumawag sa pangalan ko na pamilyar na pamilyar sa akin.

"Master Liam" sabi ng isang lalaking may maputi't makinis na mukha.Paglingon ko sa kanya.

Agad naman akong nagmadali sa pagpunta sa Library at hindi sya pinansin


"Sandali, Iniwasan mo ba ako?" tanong nung lalaki at hinawakan ung kamay ko.

"Bakit naman kita Iiwasan aber, At bitawan mo nga ako Joseph"masungit na sabi ko.

Sya lang naman ang taong dumurog sa marupok kung puso noon at ginawang bato ngayon.

"So bakit di mo ako pinansin nung tinawag kita" si joseph na parang nang-iinis pa.

"Pake mo ba, nagmamadali ako may pupuntahan pa ako kailangan ako ng anak ko" pagsisinungaling ko na kanyang ikinagulat

"may anak ka na?" tanong nito

"oo, bakit anong akala mo aasa pa ako sa isang tao jan na babalik para lamang pasayahin ako"sabi ko para patamaan sya.

" bumalik naman ako diba" sagot naman niya

"bumalik ka nga pero hindi naman talaga ako ung sadya mo diba" sabi ko naman

"nagkakamali ka hayaan......" hindi natapos ang sasabihin nya dahil pinuto ko na ito,alam kung magpapalusot lang sya.

"wala ka nang dapat ipaliwanag dahil hindi na natin maibabalik ang dati." sabi ko na nagtulak sa mga luha ko na lumabas kaya pinilit kung tanggalin ang pagkakahawak nya at mabilis na tumakbo sa Palikuran ng library.

Hindi na rin ako tumuloy sa paghahanap ng libro na makakatulong sa kalagayan ni Beelie mas pipiliin ko na lang lumapit kay Ginoong Frederick para mas malinaw sa akin.Ako lang mag-isa hindi ko naman kailangan magpasama sa Pamangkin ni Tatang Kiko kasi mabait naman si Ginoong Frederick sa mga mamamayan nya.


*****************

Sa Kaharian ng Infinite City

"Mga Kamahalan  Lumiliwanag ang Mirror of Truth Pati na rin po ang Book of Prophecy" isang kawal ang lumapit sa hapagkainan ng Royal Family kung saan ginaganap ang kanilang maliit na pagsasalo para sa kaarawan ng kanilang prinsipe hindi na rin nagbigay galang ang tagapagsilbi sapagkat isa rin ito sa kaibigan ng mga kamahalan.

"isang magandang balita yan halika't puntahan natin" sabi ni King Arthur

" kung ganon sasama kami ng anak mo dahil baka tungkol ito sa prinsipe"si Queen Elizabeth

"mabuti pa " si King Arthur na agad naglaho kasunod ang Reyna at Prinsesa.


Princess Flower

Nang Makarating kami sa Silid Museo ng Kaharian ay nadatnan namin ang pagliwanag ng Libro at Salamin ng nakadikit sa Pader.

"Ako ang Hari ng Infinite City ay tatanggapin ang gustong iparating ng Mirror of Truth at Book of Prophecy para sa ikakabuti nang lahat" saad ni ama habang nakataas ang kanyang kanang braso na parang nangangako.

At unang nawala ang liwanag sa Book of Prophecy at may mga Letrang Lumabas at naging isang Mahabang Sulatin.

"Isang Dugong Bughaw na mahimbing na natutulog ang babangon ngunit ang kanyang espiritu ay nawawala parin.Espiritu ng Dugong Bughaw ay hawak ng Diyos at Ibibigay sa kanya sa takdang panahon.Mananatiling siyang normal sa kanyang pagbangon. Simbolo ng mga Elemento
ang Susi sa Pansamantalang Kapangyarihan nya sa Nagbabadyang Kadiliman.Apat o Higit pang Tagapangalaga ang magtutulong-tulong para hanapin ang mga simbolo at ang Diyos.Isang Inosenteng Diyos ang muling nabuhay dala ang Espiritu ng Dugong Bughaw at ibibigay sa kanya sa takdang panahon"


Mga Katagang lumabas sa Book of Prophecy at sumunod naman Umilaw ang Mirror of Truth at may lumabas na Mga Letra at Bumuo ng Pangungusap.

"Pansamatalang Kapangyarihan sa Itinakda habang wala ang kanyang espiritu"

At may mga Papel na Lumabas na isang papel ung parang sa printer palapag sa lamesa. At binasa ni Ina

"White Feather from the Golden Eagle"

"Red Tooth of the Golden Baby Dragon".

"Blue Pearl from the tears of the Golden Carp" 

"Snowflake From the Crown of Ice Queen"

"Fairy Dust from the  Golden Hourglass"

"The Electric Bee from the lost Spirit"

"Golden Blood and Green Leaf from hand of the Lost Spirit"

"Black Root from the Portal Of Hell"

"Kung ganon sabihin sa Frozen Ice Academy na may gaganaping paligsahan para malaman kung sino ang sinasabing pinakamalalakas na makakatulong sa aking anak." Utos ni Ama sa kanyang kawal.

"masusunod po kamahalan, ngayon din po ay magpapadala ako ng ulat sa paaralan" sabi ng kawal at tumalikod na at umalis

"naalala ko mahal isa sa lunas ay ang Fairy Dust from the Golden Hourglass na itinatago mo sa ating silid" si ina  na may halong tuwa sa kanyang pagkakasabi.

"tama ka mahal sandali lang at kukunin ko ito sa ating silid magkita na lamang tayo sa silid ng prinsipe" si ama na agad din naglaho papunta sa kanyang silid

Pagka-alis ni ama ay itinanong namin sa Mirror of Truth kung paano gagamitin ang Fairy Dust  sa prinsipe.

"Ako ang Reyna ng Infinite City nagtatanong kung pano gamitin ang mga lunas sa nahihimbing na prinsipe." si Ina

"Magagamit lamang ang mga Lunas na inyong nakuha sa Oras na ang Bawat Kaharian ay Nanganganib" sabi ng mirror of truth na nakakapagsalita naman pala ehh pinagbasa pa kami ng napaka haba.

Kung ganon wala parin palang silbi ang Fairy Dust Of Golden Hourglass.

"Salamat sa iyong sinabi kung ganon ay bukas na bukas ay sisimulan na namin ang paligsahan" sambit ni Ina sa harap ng Salamin.

"Tayo na anak sa Silid ng iyong Kapatid at masabi narin sa iyong ama ang inulat ng salamin." sabi ni ina Sa akin.

Agad naman kami nagteleport sa silid ni Winter at naabutan namin si ama doon na may hawak na Isang Kumikinang na Hourglass.

"Sandali, hindi gagana sa anak natin"Pigil ni Ina kay Ama na bubuksan sana ang hawak nyang Hourglass.

"Ano?" gulat na tanong ni Ama

"Ayon sa Mirror of Truth ay gagamitin lamang ito sa Oras na Nangngnib ang Bawat Kaharian." sabi ni Ina


"Ang isa ay Pinapangalagaan ng Frozen Ice Academy ang Korona ng Dyosa ng Yelo ang nagsisilbing pananggalang ng Academy laban sa Dark User." mahabang sagot ni ama

"kung ganon ay bukas kailangan nang simulan ang paligsahan sa Academy at mahanap ang iba pang Lunas." pahabol ni ama.

"Kawal sabihin sa Academy na bukas na bukas gaganapin ang paligsahan Ibalita mo na rin sa mga pinuno ng bawat Teritoryo ang gaganapin na paligsahan sabihin nyo rin sa kanila na maaring isa sa kanilang tagapagmana ang susunod na Hari ng Infinite City sapagkat nagpakita na ang  simbolo sa susunod ng reyna nang Infinite City." mahabang Utos ni ama sa Limang kawal.

"General Uno ikaw ang maghatid ng balita sa Frozen Ice Academy " sabi ni ama sa isang kawal na may limang gintong medalyon na nakasabit sa kanyang damit🎖️🎖️🏅🏅🥇

"General Dos sa Heavenous Paradise ka magtungo" sabi ni ama sa kawal na may Apat na medalyong ginto at isang pilak.🎖️🏅🥇🥇🥈

"General Tres sa Volcanic Village ka naman" sabi ni ama sa  kawal na may 🎖️🏅🥇🥈🥈

"General Quatro sa mga kalahi mo namang mga sirena ka magtungo sa Aquaria Riverfall" sabi ni ama sa kawal na may 🏅🥇🥈🥈🥉

"General Singko naman sa teretoryo ng Forestia Valley" sabi ni ama sa kawal na may 🥇🥈🥈🥈🥉

Lahat sila ay mga magigiting na mandirigma nung kapanahunan ni na ama. Galing sila sa iba't -ibang teritoryo maliban kay general Uno na anak na dating Punong general ng Infinite City.

"Binabasbasan ko kayong Lima na makarating sa pamamgitan ng Teleportation Magic sa labas ng Bawat Teretoryong inyong pupuntahan at pabalik dito sa ating kaharian"si ama

Pagkasabi ni ama nun ay isa- isang naglaho ang  ang mga kawal. Kaya din nilang magteleport kac sa kapag umaabit ka Warrior II ay maaring ka nang makagamit ng Teleportation. Pero hindi pedeng magteleport papasok sa loob ng kaharian maliban na lang kung isa kang Royal Blood at magagamit mo lang ang teleport magic sa oras na utusan at basbasan ka ng hari , iba pang Royal Family, at Council ng ibang Teritoryo


>>>>>

3 Classification of Teleportation Magic

•Point to Point Teleportation- dalawang lugar lamang ang pedeng puntahan. Isa hanggang dalawang nilalang lamang ang pedeng isama.
Ex: Bahay to Around Academy tulad ng ginagamit ni Liam Stonebreaker History Master of Frozen Ice Academy

•Blessed Teleportation- dalawang beses lamang pedeng gamitin at dapat binasbasan ng isang Royal Blood or Council. Hindi pedeng magsama ng ibang nilalang.
Ex: Binasbasan ni King Arthur ang kanyang mga General papunta sa ibang teritoryo at pabalik sa kaharian ng Infinite City na gumamit ng teleportation sa dalwang lugar lamang.

•Natural Teleportation - ginagamit ng Royal Family at Council. Pero sa Royal family ay Lima lamang ang pedeng isama at talo naman sa Council kahit saang lugar.

• Forbidden Teleportation- Dyos o Dyosa lamang nakakagawa dahil sila lamang ang may taglay ng Mythical God I-V. Kaya nitong isama ang lahat nang gugustuhin nya depende sa lakas at enerhiyang dumadaloy sa spirit nang gumagawa.

Bago mo magamit ang Teleportation dapat naabot muna ang Warrior II kung hindi ka isang Royal Blood at Isang anak ng Council.

The Lost Spirit of Elemental PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon