A-N
Reminder lang po, slow update :)
"Excuse me!! Kaya naman pala hindi mo sinasagot ang mga tawag ko!" Andito kami ngayon ng kaibigan kong si alexa sa mall show ng Boy Aces, actually ako lang naman ang nagpunta dito pero nasundan pa din ako ng bestfriend ko dito.
"Go Kyle!!!"
" I love you Kyle!"
" Ang gwapo mo talaga Kyle!!!"
Sigaw ng mga babae sa paligid namin. At sa pagtatapos ng huling lines sa kanta ng Boy Aces ay ang nakakabinging hiyawan ng mga tao sa paligid namin, lalo na ang mga babae. Nakatulala ako sa pagkakatingin sa matagal ko ng crush na si kyle smith , napaka gwapo niya kaya hindi malabo na maraming nagkakagusto sa kanya at isa na nga ako doon , ako na ata ang number one fan na maituturing dahil halos lahat ay alam ko tungkol sa kanya.
" Tara na nga ! Mamaya baka matunaw pa yan sa ka titingin mo . " sabay hila sa akin ng kaibigan ko .
" eh ! Alexa saglit lang !!!" halos magkatisod-tisod na ako sa paghila sa akin ng bestfriend ko .
"Anong problema ? bakit parang mainit yung ulo mo ? may problema ka ba ?" tanong ko sa kanya, halata kasi na kakaiba yung mood niya ngayon alam kong may kakaiba kaya hinawakan ko siya sa kamay at hinila-hila ko ito para sagutin niya ako .
" nakipag hiwalay sakin si Vince ! "
" ha ? Hindi ba ang saya-saya niyo pa kahapon, bakit siya nakipaghiwalay ? "
" hindi ko alam ! Ang gusto ko lang magliwaliw iyong malimutan ko lahat- lahat ng sakit . " Hinila nya ako ng mabilis papunta sa isang kilalang boutique sa mall na ito .
" alam niyang pagod ako tapos sasabayan yung galit ko ! Bakit siya kapag naman pagod siya at sinabi niya na hindi muna siya makapag text o hindi muna sya makaka tawag dahil magpapahinga siya ok lang sa akin ! Napaka unfair niya! Nung isang araw sinabi ko sunduin niya ako pero ginawa niya natulog, nagpahinga , ok ! andoon ako pagod siya galing sa shooting pero come on ! hindi ba ako mahalaga sa kanya ? " napa buntong hininga na lang ako dito sa loob ng fitting room at tiningnan ang sinukat kong damit .
" di ba sinabi ko naman sayo na mahirap maging boyfriend ang isang artista , alam mo naman yan noong una palang pero sumige ka kaya magtiis ka ! "
Biglang nagbukas ng pinto ng fitting room ko , hindi ko pala na sarado buti nalang si alexa lang pala kung nagkataon na ibang tao siguro magpapalamon na ako sa lupa ." asia ! bakit ba hindi mo nalang ako suportahan , bakit ikaw diba yung crush mo isa din namang artista ah ! Halos lahat nga ng ginagawa mo ay related sa kanya hindi ba ? " nakasimangot sa akin si alexa . Sinarhan ko ang pintuan at dali dali kong pinalitan ang damit ko kasabay noon ay ang paglabas ko at umupo sa upuan na nandon sa tabi.
"Ah!!!!!!" totoo ba to?? Nag text sa akin ang pinsan ko nagtatrabaho sa Go Screen Entertainment, naghahanap daw ng PA ang crush ko na si kylie smith ! This is it pancit! ito na ang pagkakataon ko para mapalapit sa kanya .
"sigurado ba iyan ? baka naman niloloko ka lang pinsan mo . Pero sure ka ? magpi-PA ka talaga?" bahala na, pag-iisipan ko nalang din wala namang mawawala sa akin lalo pa at sabi ng pinsan ko totoo naman daw sinasabi niya .
" ma ! pa ! andito na po ako. " dire- diretso ako sa kusina namin at umupo sa hapag-kainan , sakto kasi na naghahain na si mama para sa dinner namin .
Kinakabahan ako kasi parang masama ang mood ni mama pero kailangan kong sabihin na susubukan ko yung pagiging PA na sinasabi ng pinsan ko . matagal ko ng pangarap na mapalapit kay Kyle ngayon pa ba ako susuko at palamlampasin ang pagkakataon na ito? Ito na yung first-step ko para sa ultimate crush ko kaya hinding-hindi ko ito palalampasin .
BINABASA MO ANG
Till We Met Again
FanfictionOn-going: November 17, 2021 Sa mapaglarong mundo ng showbiz kilala ang grupong Boy Aces, ang grupong nangunguna sa lahat . Halos lahat ng mga babaeng fans sinusundan sila sa lahat ng puntahan nila , ma pa concert , mall show , o kahit sa simpleng ba...