Naisipan ko magpunta sa supermarket para bumili ng mga gagamitin kagaya ng toothbrush, tsinelas, shampoo at iba't iba pa na kakailanganin ko, nakakahiya naman na patira na nga ako at pasahod pero pati yung mga pangunahin kong kailangan ay sa kanila pa din kukunin, pero nakita ko naman na kumpleto yung mga gamit nila, hindi ko alam pero may hiya akong nararamdaman kaya bumili na ako ng sarili ko.
Saktong kakabayad ko lang ng tumawag si Ate Jessa na iniwan niya daw sa condo ang padala ni Papa na niluto nyang adobo, galit pa din sa akin si Mama, kung nagkataon na yung gusto ni Mama ang ginawa ko, hindi lang adobo ang matitikman ko, siguradong mapupuno ang ref sa condo ng mga luto at pagkain na padala niya.
Medyo sumakit ang kamay ko pagkarating ko sa condo, kaya dali-dali kong binaba ang mga dala ko sa nakita kong lamesa sa kusina, nilibot ko ang mata ako at nagtataka akong wala sila, kaya kinuha ko ang adobo sa ref at agad kong sinalang para mapainit ito. Ang bango talaga ng adobo pag si Papa ang nagluto, marunong din naman ako magluto pero hindi ganito kabango at kasarap, kaya noong highschool ako ingit na ingit ang mga kaklase ko sa akin dahil laging may baon ako na luto ng mga magulang ko.
Nakapikit pa ako habang inaamoy ang usok na nanggagaling sa kaldero ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Anong ginagawa mo?" Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Kyle sa likod ko kaya halos masagi ko na ang kaldero sa likod ko.
"Tinitingnan ko lang kung ok na yung ulam."
Umupo sya sa mesa na nasa harapan ko at kinalikot ang vase na andon, kaya ako naman ay kumuha nga plato at kutsara para makakain na kami.
" Ang bango, ano yon?" Naghihikab pa na komento ni Jigs, napatingin ako sa kanya at kasunod nya na din yung iba na kanya kanyang umupo sa silya na nandon kasama si Kyle.
"Saglit lang ikukuha ko kayo ng kanin, kumain kayo habang mainit pa ang ulam, luto ito ni Papa, pinadala kay Ate Jessa."
"Akala ko pa naman luto mo Asia hahahaha" Nakakalokong biro ni Zugi. Namula naman ako lalo na ng makita ko si Kyle na nakasmirk sa sinabi ni Zugi, parang sinasabi nya na ano bang alam ng panget na yan.
Kumuha ng juice si Uno at isa-isang nilagyan ang baso nila, sabay kuha na din ng kanin at ulam na kalalagay ko lang sa gitna. Pinagmamasdan ko lang sila at kita ko naman na halos di na sila ngumunguya para lang wag maubusan ng ulam dahil halos maya't maya ay may kumukuha sa gitna, si Papa ang nagturo sa akin magluto ng adobo, pero laging di nilalagyan ni Papa ng dahon ng laurel dahil alam nyang ayaw ko nito.
"Bakit hindi ka pa kumakain? Busog ka na ba sa kakatingin sa amin?"
"Ha, hindi kumain kasi ako kanina sa labas Kyle nung may binili ako, sige na ubusin niyo lang yan."
Kumuha ng isang mangkok si Kyle at kumuha ng ulam sa kaldero at tinakpan ito.
"Kainin mo yun mamaya pag nagutom ka, Tirhan niyo si Asia ng kanin, wag yung para kayong mga patay gutom."
Nagtawanan naman ang mga ito maliban kay Uno na laging seryoso. Kahit naman pala suplado si Kyle ay may tinatago ding kabaitan, yan ang idol ko, hindi niyo makikitang tumatawa sa TV, eh kahit naman nga pala sa personal, pero hindi ako nagkamali na maging idolo siya, habang tumatagal ako dito kasama sila ay nakikita ko na may mabuti din naman siyang puso.
Sa kawalan ko sa wisyo ay bigla kong natabig ang baso na nandon at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung anong baso ang nadali ko. Ang paboritong baso ni Kyle.
Yung kaninang sunod-sunod na subo nina Zugi ay natigil lalo na ng nagsalita si Kyle.
"Wala ka ba talagang matinong gagawin? Hindi ka ba tumitingin bago ka kumilos, alam mo ba kung gaano kamahal itong baso ko???"
BINABASA MO ANG
Till We Met Again
FanfictionOn-going: November 17, 2021 Sa mapaglarong mundo ng showbiz kilala ang grupong Boy Aces, ang grupong nangunguna sa lahat . Halos lahat ng mga babaeng fans sinusundan sila sa lahat ng puntahan nila , ma pa concert , mall show , o kahit sa simpleng ba...