Kabanata Dalawa

16 0 0
                                    

Ang pagiging isang lihim na taga-hanga ay parang isang laro, ikaw ang gagawa ng paraan para manalo pero sa laro namin Kyle manalo kaya ako????



Kinausap ko sina Mama at Papa at talagang gusto ko itong gagawin ko kaya walang nagawa kahit si Mama pero yun nga lang alam kong galit siya sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang pagiging PA ng isang Kyle Smith ay mabilis itong kumalat sa social media pero hindi dahil sa sikat ako kundi sa hindi sila makapaniwala na isang panget lamang ang magiging PA nito, grabe naman sila paano pa pag naging bf ko si Kyle????

Kring...kring.....

"Hello!!!! Eisha!!!! Sikat ka na trending ngayon ang mukha mo!!!!" Grabe naman makasigaw ito, alam ko na yan kanina pa pag-gising ko, nagdeactivate nga muna ako.

"Oo alam ko, ang bilis naman kumalat eh noong isang linggo ko lang tinanggap ito, tsaka paano kaya yan lumabas, apaka naman!!! Big deal ba sa kanila ang pagiging PA ko, dapat ba maganda ang maging PA niya???"  Tsaka di naman ako panget ah!!!!

"Hayaan mo na ang mahalaga alam na ng buong mundo na ikaw ang pinakamalapit na babae ngayon kay Kyle Smith." Sabagay, magdusa sila inggit, sila hanngang tingin na lang ako makakasama ko siya ng madalas o ara-araw.

"Sige na Alexa, may pupuntahan pa ako, mamaya na lang!"

"Mag-ingat ka, kalat ang mukha mo, baka mamaya may biglang sumabunot sayo sa daan ha!!!"





Kumatok ako sa Room 307, handa na akong magpakilala sa kanila specifically kay Kyle pero sabi kasi ng Manager nila sa iisang condo lang daw sila nakatira dahil sa para madali silang hagilapin kapag may mga ganap, kanina lang din ako nasabihan na kinansel nila ang Room 308 dahil sabi daw ni Kyle ay mahihirapan pa siya kung doon ako titira sa kabilang kwarto. Kaya meaning dito ako titira kasama sila. Kaya agad-agad kong tinawagan si Papa kanina para ipaalam ito.

Pagpasok ko ay nakita ko sila sa salas na naglalaro ng Playstation at noong naramdaman nilang nandito na ako tsaka tumigil sa paglalaro maliban kina Uno at Kyle. Tiningnan ako ni Jigs mula ulo hanggang paa, nakapantalon pink na checkered na polo at pantalon na butas butas kaya medyo nailang ako kaya nahawakan ko ang malaking salamin ko at itinaas ito para pumantay sa mata ko, nadulas kasi ito sa ilong ko siguro dahil sa nagmamantika kong mukha.

Maayos akong tinanggap ni Jigs at Zugi, kinamayan pa nga nila ako at puro sila ngti at pagbibiro, pinakilala ako ng Manager nila sa apat pero ni hindi ako tinapunan kahit ng sulyap ng dalawa kaya sinabi na lang Manager nila kay Jigs na ituro sa akin ang magiging kwarto ko.

Pagbukas namin ng pinto ay bumungad sa akin ang animo'y nagkalat na dugo dahil sa putok na putok na kulay pula ang makikita mo sa lahat ng gamit sa kwarto, lampshade, bedsheet, pillow cases, upuan, cabinet at kurtina.

"Nagustuhan mo ba? Sabi kasi nila ang gusto ng mga babae ay pink kaso masyado ng normal ang kulay na yon kaya yan ang naisip namin." Ano pa bang magagawa ko, alangan naman itapon ko ng lahat ng ito kaya napilitan na alang akong ngumiti at tumango.

"Buti naman nagustuhan mo, magpahinga ka na muna, siyanga pala basahin mo ito, pinapabigay sayo ni Kyle." Iniabot niya ang isang makapal na libro at wow!! Do's and Dont ng isang Kyle Smith.

Nilibot ko ang mata sa kwarto ko at napabuntonghininga ako, sa totoo ok naman ang kwarto ko kaso nga lang parang lahat ng gamit dito ay malayo sa personalidad ko, pero ok na din kasi kung iisipin hindi naman ang mga gamit na ito ang pinunta ko dito kundi ang mapalapit lang naman sa matagal ko ng gusto.

Kamusta na kaya sina Mama? Galit pa kaya siya sa akin? Bakit hindi ako maintindihan ni Mama na kahit naman sinunod ko ang kursong gusto niya ay hindi naman talaga iyon ang gusto ko, pero darating naman ang araw na susundin ko siya pero sa ngayon habang ang oportunidad ang lumapit sa akin ay uunahin ko muna ito, mahirap ng palampasin at baka pag-sisihan ko pag di ko sinunod ang binubulong ng utak at puso ko.

Till We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon