INTRODUKSYON

15 2 0
                                    


Luntiang tanawin ang naparam sa tinaguriang nalipol na bayan ng Cavite sa parehong araw na natapos ang ugnayang Espanya-Pilipinas. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na mahigit tatlong siglong sumailalim ang ating mga ninuno sa noo'y naghaharing bansang Espanya. Datapuwat malaya na, panibagong kalbaryo na naman ang sinapit ng taumbayan sa kamay ng mga puti na biniling parang laruan sa halagang 20 milyong dolyar ang ating Inang Bayan.

Sa pagtatapos ng rehimeng Espanya, may isang bayang nilimot at binura ng dumanak na dugo sa kanilang lupang tinubuan. Walang naghanap, walang nakakaalala at hindi naitala sa kasaysayan ang masalimoot na pangyayari gabi ng Marso 31, 1898 o ang tinawag na "The Silent Massacre".  Ang sabwatan sa pagitan ng mga kapwa Pilipinong ganid sa kapangyarihan at mga opisyales ng Espanya sa pamumuno ng prayleng si Padre Tavera na noo'y naupong bagong kura-paroko ng Hermosa o ang Lost Town of Cavite. Kabilang sa napaslang ang mga pinakamayayamang angkan ng nasabing bayan.

Batid ng ilang nakasaksi ng panahong iyon at ilang historyador na makalimutan man ng lahat ang kasaysayan, hindi mamamatay ang mga alaala at mananatiling piping-sigaw ng mga kaluluwang nasawi ang hustisya.

Once Upon A Time In The Philippines (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon