KABANATA II

11 0 0
                                    

THE ONLY thing I like this pandemic? The re-birth of mother nature. Who would've thought that after all these years, Manila can be a breath of fresh air?

The pandemic is an open book that taught us to value our loved ones and our health. A magnifying glass that showed us the value of little things around us that we barely noticed before. What a disastrous way to wake us up.

Six months ago, I literally had a mental breakdown. I fought with depression, anxiety, and death. I befriended alcohol and darkness. I overworked to forget the sudden death of our mother. Samahan mo pa na bitter gourd pa rin ako sa aking failed love life. 

Asymptomatic si Mamang kaya wala talaga kaming ka-ide-idea. Sa bahay lang naman siya kasama ang mga pamangkin ko. She was the only one who tested positive—bagay na kahit papaano'y ipinagpasalamat pa rin namin dahil wala sa dalawang pamangkin ko na mga anak ni ate Gigi ang nag-positive.

Tinakbo namin siya sa mga hospital sa Antipolo pero punuan na talaga. Umabot ako sa ilang kalapit-probinsya pero full capacity din sila. My sister even had to used her connections because of desperation, mabigyan lang namin ng pwesto si Mamang. Sa awa ng Diyos, doon sa ospital nila na-admit si Mamang. Sa labas nga lang, sa loob ng tent pero okay na.

Our mom was already on her 60's. Napaka-delikado para sa edad niya and right after she was admitted, she's on a vegetative state instantly. And what hurts the most was that, we can't visit her nor we can't look after her. She suffered alone. She died without even seeing the sunrise and the sunsets for two weeks. Namatay siya ng umaga tapos ni-cremate agad kinahapunan. It's so frustrating that we can't even held a funeral for her. Parang hayop na nilibing kaagad.

"Traffic, welcome back to the Philippines again. It was not nice to meet you again," reklamo ko sabay tutok ng mini-fan sa aking leeg dahil hindi pa ako nakakarating ng trabaho e maasim na ako.

Bumalik na ang traffic sa Maynila, siyang pagpasok ng new fashion na pinipilahan at maba-bash ka pa sa social media kung hindi ka nakiuso. Isang kang alamat, face shield!

"Loko 'yon pre ah? Pakalakas ng loob," chika ng isa pang driver sa driver ng jeep na sinasakyan ko nang magkatapat sila.

"Ano bang nangyayari sa unahan?"

"May siraulo daw na nangangabayo! Lakas ng tama. Ginawa ba namang rancho ang kalsada.

"Siguro'y hacienderong nabaliw!"

Nagtawanan sila pati na iyong mga pasaherong nakarinig. Sinubukan ko pang sumilip sa unahan pero hindi rin nakatulong sa dami ng sasakyan. May isang oras din ang itinagal ko sa kalsada. Sirena ng mga ambulansya ang dumadagdag sa ingay pati na ang mga pulis patrol na humahabol sa lalaking sanhi ng traffic.

"Kumare, bilisan mo!"

"Si Sir?" hingal na hingal kong tanong kaagad. Lia's updating me even when I'm on the road because we have a situation here in our office.

Hinawakan ni Lia ang pulsuhan ko at kinaladkad sa isang sulok. Nagulat ako ng bigla na lang siyang lumuhod sa harap ng pader na parang nagro-rosaryo.

"Tumayo ka nga dyan!" mariin at maingat kong saway.

"I'm praying for your salvation. Hindi ka pwedeng mawalan ng trabaho dahil babayaran mo pa ako," she cried and continue her ritual.

"Bahala ka nga dyan."

Iniwan ko na ang kaibigan at dumiretso sa pinto ni Sir Peng. Nagulantang ako sa lakas ng boses niya na umabot na nga dito sa labas at ang biglaang pagbukas ng pinto.

"Jo? Tony? Late din ba kayo?"

Tumango lang ang dalawa na animo'y dead end na nila. Para kaming mga estudyanteng pinatawag ng guidance counselor.

Once Upon A Time In The Philippines (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon