F.B.I-8

4K 154 32
                                        

"How was your parents, Zein? I really miss shopping with your mom." Ani ni Tita Cecil pagkatapos naming kumain.





I sipped on the glass of orange juice that I was holding before I answered. "They're both busy managing our resorts, so... I haven't talked to them that much po,"





I turned my face at Gellian when I felt him holding my hand under the table. Abala siya sa kanyang pagkain at hindi pinansin ang aking pagsulyap. Napaayos ako ng aking upo nung magsalita si Tito Allen.





"I heard that you won the district's science quiz bee, Zein? You really resemble your dad when he's still studying. He was such a bright kid back then."





"Yes po, tito. I want to become successful like my dad in the future, which is why I'm studying so hard to not let him down."





Tita Allen chuckled sarcastically. "Successful? Well, I guess he was before but not–"





Hindi natapos ni Tito Allen ang nais niyang sabihin nung magsalita si Tita Cecil. "Honey, let's just drop the topic. We should focus on the kids since they are here."





Bumaling ang tingin ni Tito Allen kay Gellian."Son, what are your plans for college? You will graduate in a year, so you should know what you want to pursue."





"Si Zein po. Kung nasaan si Zein, doon din po ako." He proudly remarked.





Bakas sa mukha ni Tito Allen ang pagkadismaya. "What?! Anak, matuto kang mag-desisyon para sa sarili mo dahil hindi habambuhay ay magkasama kayo ni Zein."





I gently hit the arm of Gellian to stop him from spouting nonsense. "H-he's just joking, Tito. Your hardworking son right here has a lot of dreams, and... I can assure you that he can achieve those even without me on his side."





Masakit para sa aking sabihin iyon pero alam kong ito ang nais marinig ni Tito Allen. Bata palang kami ni Gellian ay ramdam ko ng hindi niya gustong mapalapit ako sa anak niya. Madalas siyang nasa ibang bansa at madalang lang umuwi sa Pilipinas. Hindi ko masisi si Gellian kung bakit malayo ang loob niya sa kanyang sariling ama dahil kagaya ni dad, ay abala rin ito sa kanyang trabaho.






"Zein!" Mabilis tumakbo sila Kyle, Ezra at Levi nung makita akong bumaba ng van pagkapasok sa school.






I gave them a warm hug. "Na-miss ko kayong tatlo!"





Levi tapped my shoulder to get my attention. "Kumusta naman yung bakasyon mo sa U.S? Ang dami mong pictures sa IG, nakakainggit!"
He crossed his arms over his chest while pouting.






"Okay naman. May pasalubong pala ako sa inyo," ani ko bago bumalik sa van para kunin ang mga souvenirs na nabili ko sa America.






Napakabilis lumipas ng mga buwan at di ko namalayan na Sophomore na kami nila Kyle at Ezra habang si Levi naman ay Junior High School na.
Nagbakasyon kami nila Mom sa America dahil na rin sa business trip ni Dad. Madalas naman akong tawagan ng buong squad noong bakasyon kagaya ni Gellian at Aaron kaya hindi ako nabagot kahit lagi akong iniiwan nila Mom sa hotel.






Speaking of Aaron, he's now in Senior High School like Gellian, and I'm aware that they're both running for valedictorian here at Ravenwood University. I couldn't help but feel proud of both of them since they are close to my heart. I know they have a bright future ahead.






Flickered By Innocence (Crossing The Line Series 4) ✅Where stories live. Discover now