Chapter 5

11 1 0
                                    

Hingal na hingal akong nagising at tila parang nabuhusan ako ng malamig na tubig.

What the hell.


I closed my eyes at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Bakit kailangan ko nanaman maalala ang mga 'yon? Ang tagal na simula nung mangyare yon pero kapag naalala ko parang kahapon lang nangyare.




I bit my lower lip. Bakit kailangan na ipaalala pa sakin ng tadhana ang mga pangyayare na matagal ko na kinalimutan.




I took a deep breath at pumasok nalang sa cr. I took a shower para kahit konti ay umayos ang pakiramdam ko.



Ayokong umiyak dahil sa ala-alang 'yon.

Nonsense memories.


Nang matapos ako ay agad din ako bumaba para kumain.



"Yes darling" rinig kong sabi ni mommy nang makarating ako sa dining room.


She saw me and smiled. "Nak you're here."




I nodded. "Aalis kana agad ma?" tinignan ko ang orasan. "7 am palang ma."



"May kailangan ayusin anak" she walked towards me." Alis na ko, hinihintay ako ng daddy mo sa office" she smiled at me and leave the house.




I sighed.



"Lika na nak, samahan kitang kumain" sabi ni nanay Lyn at naghanda na ng makakain.



I nodded and smile. "Sige nay tara po"



Nagsimula kaming kumain. Tahimik at walang balak magsalita. Simula noong bata pa ko ganito na ang set-up kaya nasanay na din ako. Palaging wala si mom and dad sa bahay, palagi silang focus sa trabaho nila, sa business namin. Minsan nga kapag may family day sa school walang pumupunta sakin kaya hindi na ko umaattend ng mga ganong ganap. Maiinggit lang ako sa mga classmate kong kasama yung family nila.




Kumpleto nga ang pamilya ko, pero parang hindi. Palagi silang busy at walang time para sa sarili nilang anak.



They didn't know what's happening in my life. Basta nagtatrabaho lang sila without asking if I'm okay everyday.



Is that what we called family?



"Kung ano man ang iniisip mo nak, ihinto mo yan" I looked at nanay Lyn. She stared at me and smiled. "Alam mo ang dahilan kung bakit sila ganon"



I smiled. "Wala po akong iniisip Nay" I lied.




"Simula noong bata ka pa, ako na nag-aalaga sayo. Magsinungaling ka na sa iba, wag lang sa akin. Kabisado na kita" she said and smiled. "Nandito lang palagi si Nanay Lyn. Kapag gusto mo ng kausap, tawagin mo lang ako"



I nodded. I bit my lower lip para pigilan ang luhang gustong kumala sa aking mga mata.



Nanay Lyn loves me so much ever since. Hindi niya ko iniiwan kahit anong mangyare.




Hindi na ko nagsalita pa at tinapos ko na ang kinakain ko.  Nagpaalam na ko na aakyat muna sa kwarto ko. I want to be alone. I want some space. My mind is full of thoughts. So occupied, I don't know what to do.



Naupo ako sa kama at kinuha ang phone ko. I decided to open my twitter just to lift up my mood. Napangiti ako nang makita kong may tweet nanaman ang mga idols ko.  At some point, naisip ko, mas nahahanap ko pa ang kasiyahan ko sa ibang tao kaysa sa mismong pamilya ko.



Music of the Heart ( On going---4D Series #2)Where stories live. Discover now