Chapter 2

17 2 0
                                    

"Hoy Arvie"



"Arvie"



"HOY!"




Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig kong may tumatawag sa'kin. Nilingon ko 'to at sinamaan ng tingin.




"Ano ba Yanna?" inirapan ko siya. Ang lapit lapit lang naninigaw pa.




"Tignan mo 'to galit pa." She rolled her eyes. "Kanina ka pa namin tinatawag, ano na naman bang iniisip mo?"





I sighed.  "Wala. Tara na may klase na" sabi ko at nauna ng lumakad.





"Hilig mo mang iwan Arv ah, kaya wala ka nagiging boyfriend eh" rinig kong sabi ni Zei.




Hindi ko nalang 'yon pinansin at patuloy lang lumakad papuntang classroom.





"Arvie napaka bilis mo lumakad peste ka!" hingal na hingal na sabi ni Hera. Sinimangutan ko siya at hindi rin pinansin.



Wala ako sa mood.


Leche sila.


May iniisip ako kanina tapos aabalahin ako.



Nakakasama ng loob.




"Arvie may assignment ka sa science?"



Napatingin ako sa nagsalita. Classmate ko pala.



Ngumiti ako sa kanya ng pilit. "Yeah" tipid kong sagot.




"Ah-pwede ba pakopya? Hehe" tumaas ang isang kulay ko dahil sa tanong niya.



Gusto ko sana tanungin ng 'close ba tayo para kumopya ka saken?' kaso baka isipin ang rude ko.


Matipid akong ngumiti at inabot ang notebook ko. "Yeah sure"



"Thanks" aniya.



Bumuntong hininga at tumingin sa bintana. Muli ko nanaman naisip ang mga bagay na nakapagpabigat ng loob ko kanina.



Isang pangyayare sa buhay ko na hindi ko kailanman makakalimutan.




Napapikit ako ng mariin at kinuha ang cellphone at earphone ko. Binuksan ko ang spotify at piniling makinig nalang ng kanta habang wala pa ang teacher namin upang kumalma ako.




You are my bestfriend.....
You are my partner in crime...
You are my one call away....
And you are....




"Arv"



"Huy teh"



"Vie"






Naramdaman ko nalang na may yumuyugyog sa balikat ko. Dinilat ko ang aking mga mata at mga mukha nila Yanna ang bumungad sakin.





"What?" I asked.





"What what ka dyan teh. Nandyan na si ma'am" Yanna said at inirapan ako.





Kitamo 'to.



Nang-iirap agad, nagtatanong lang ako eh.




"Sungit mo Yanna meron ka ba?" I joked.





Bigla siyang humarap sakin. "Tanginamo Arvie" natatawang sagot niya.





"Kitamo. Tumatawa naman ngayon samantalang kanina halos kainin na ang mga tao sa kasungitan" biglang sabi ni Hera.




Music of the Heart ( On going---4D Series #2)Where stories live. Discover now