Chapter 1
HALOS MAWALA NA sa sariling katinuan si Vincent dahil sa labis na galit. Wala siyang pakialam kung ilang bote ng alak na ang naubos niya. Mas gugustuhin pa niyang mamatay na lang kaysa makasal sa babaeng kinamumuhian niya.
Patanaw-tanaw naman si Viatrice kay Vincent mula sa malayo. Binabantayan ng mga mata niya ang bawat kilos ng lasing na lasing na si Vincent. Bagamat masaya ang kanyang puso sa nalalapit na kasal nila ni Vincent, ngunit hindi niya maiwasan maging malungkot sa katotohanang hindi kailan man masusuklian ni Vincent ang pagmamahal niya para dito.
Napatayo siya sa upuan nang makitang tumayo si Vincent sa kinauupuan nito. Nakita niyang pumasok si Vincent sa loob ng bahay nila.
Ang bahay na ito ay regalo sa kanya ng kanyang ina. At dito sa bahay na ito, kailangan nilang magsama ni Vincent hanggang sa maikasal na sila. Ginawa ang ganitong kasunduan upang mas makilala nila ang isa't-isa.
Ngunit sa dalawang linggo nilang pagsasama ay mas lalong hindi naging maganda ang naging pakikitungo sa kanya ni Vincent. Iniisip nitong tini-take for granted siya ng dalaga.
Kailangan ng pera ng kanyang pamilya dahil nalulugi na ang kompanya na pinapalakad ng kanyang ama. Kung hindi niya gagawin ang pagpapakasal kay Viatrice, ay tuluyan na nga silang pupulutin sa kangkungan kung sakali.
Nagmadaling humakbang si Viatrice upang masundan niya kaagad si Vincent. Inangat niya ng maayos ang laylayan ng kanyang white long gown upang hindi maabala ang kanyang mabilis na hakbang.
Lumalagutok ang takong ng kanyang puting stilleto, habang nananakbo sa coridor ng kanilang bahay. Nang malapit na siya kay Vincent ay kaagad niya itong inagapan sa kamay, "Vincent! Sandali lang," sabi niya.
Kaagad naman na tumigil sa paglalakad si Vincent at tinapunan nang masamang tingin si Viatrice.
Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ng binata. Bumagsak ang tingin nito sa mga kamay nila ni Viatrice, na ngayon ay magkadaupang-palad na.
Sandali niya itong tinitigan 'tsaka marahas na binawi ang kamay sa dalaga.
Napasinghap naman si Viatrice. "V-Vincent-"
"Ano na naman?" Matiim siyang tinitigan sa mata ni Vincent. "Hindi mo ba talaga ako lulubayan ha?" galit niyang sabi.
Kumurap-kurap si Viatrice. "Gusto lang sana kitang makausap eh," sabi niya, habang inaayos ang makapal na itim na salamin sa kanyang malalabong mga mata.
Umiling si Vincent at napahawak sa door knob ng pinto ng kwarto. "Wala na tayong dapat na pag-usapan, Viatrice. Malinaw naman siguro sa'yo na kasunduan lang ang lahat ng 'to, 'di ba?" Pinihit niya ang door knob at humakbang papasok sa loob. "Kung iniisip mong mamahalin kita dahil ikakasal na tayo nagkakamali ka! Hindi ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay," Natigilan siya bigla nang maramdamang tila umiikot ang paligid. Naparami kasi siya nang nainom na alak kanina.
Ngunit nagmatigas si Viatrice. Parang wala siyang narinig sa sinabi ni Vincent. Nilapitan niya pa rin ito, at saka ini-akbay ang kamay ni Vincent, sa kanyang balikat upang maalalayan niya ito papasok sa kwarto.
Gustuhin man siyang itulak ni Vincent palayo ay hindi nito magawa sapagkat nangingibabaw ang kalasingan ng binata.
Pagpasok nila sa loob ng kwsrto, ay kaagad niyang inupo si Vincent sa kama. "Ayos ka lang?" Mahinahon niyang tanong.
Tinapunan siya nang masamang tingin ni Vincent. "Sa tingin mo ba magiging okay ako? No Viatrice! Not anymore! Simula nang dumating ka sa buhay ko, hindi na kailanman naging masaya ang mundo ko!" Tinulak siya nito palayo sa pag-aakalang yayakapin niya ito. "What do you want frlm me, huh?" tanong nito, habang nakakunot ang noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/299455579-288-k15165.jpg)
BINABASA MO ANG
Back Into My arms Again (COMPLETED)
RomanceAno nga ba ang pakiramdam ng minamahal ka pabalik ng taong mahal mo? Iyan ang tanong ni Viatrice Isavielo, na siyang nagmamahal nang totoo kay Vincent Lee. Dahil matalik na magkaibigan ang kanilang mga mga magulang, kinailangan nilang magpakasal da...