CHAPTER 15

503 77 8
                                    

***


Ilang araw na simula nung maka balik kami, kapag walang pasok ay nag de date kami ni Vhon, minsan naman kasama namin ai Angel at Caleb, double date ganon.

Basta yung araw na yun, hinding hindi ko yun makakalimutan, ilang beses ko ng nirecord sa cellphone ko yung mga bagay na hindi ko dapat makalimutan kapag kasama ko sya, hinding hindi ko yun kakalimutan.

"Angel, sa tingin mo ba perfect girlfriend na ako para kay Vhon?"tanong ko habang kumakain, lunch break na kase.

"Para sakin, ayus na sya, okay na."sagot naman ni Kent.

"Ikaw ba tinatanong ko?"mataray kong tanong.

"Sya na nga kase si Angel."singit naman ni Caleb.

"Tse."panggagaya sakin ni Kent.

"Umayos ka, sasapakin kita."banta ko dito.

"Grabe ka naman."reklamo nya.

"Ahm...para sakin, kulang pa, bigyan mo sya nung simple pero di nya makakalimutang ala-ala."sabi ni Angel.

"Ala-ala?"takang tanong ko.

"Oo, kagaya nung ginawa sakin ni Angel, hindi ko alam na kaya nyang gawin yun, kase di naman sya ganong babae eh."si Caleb.

"Ano ngang klase?"

"Surprise mo sya."Si Kent.

"Di nya naman birthday eh."usal ko.

"I mean, diba kapag nag de date laging lalaki ang nag seset, ikaw naman mag set tapos e surprised mo sya, promise di nya yun makakalimutan."dagdag nya pa.

May pumasok naman agad sa isip ko.Kailangan ko ang tulong ng tatlo na ito.

"Kailangan ko ang tulong nyo, bukas ng hapon, yung surprise ko sa kanya isasabay ko sa welcome party ng school bukas."masaya kong banggit.

"Anong plano mo?"takang tanong nila.

"Ganito, bukas sasali ako sa singing contest ako pambato ng section natin."

"Singing contest?"sabay nilang tanong.

"Oo."

"Marunong kang umawit?"tanong ni Kent.

"Hindi, pero sasali ako."matapang kong sabi.

"Susupurtahan ka namin."si Angel.

"Bakit nga pala wala dito yung jowa mo?"tanong ni Kent.

"Ahm...may Kailangan daw syang asikasuhin, and nag text na din sya sakin kanina."sagot ko.

Pagtapos kumain ay sabay na kaming pumunta ni Kent ng room namin, tanong pa sya ng tanong kung sigurado daw ba ako na sasali talaga ako, may plano na ako kaya hindi na ako pwedeng umatras.

Gusto kong patunayan kay Vhon na mahal ko talaga sya.Na excite ako bigla.

Nung hapon na ay inasikaso namin ang magaganap bukas, para na din to sa First monthsary namin, akalain mo yun, aabot kami ng isang buwan, alam kong mas hahaba pa ang pag sasama namin kaya mas gaganda ang college life ko, kapag nandyan sya.

"Are you ready?"tanong ni Angel.Inaayusan nya ako dito sa dressing room.

Naka set up na ang gagamitin namin, yung gitara na gagamitin ko pang perform at si Caleb at Kent naman ang bahala kay Vhon.

"Now please welcome, Miss Stella Lavega."Nagpalakpakan naman sila ng nakangiti akong lumabas ng backstage, nag lakad ako papunta sa gitna dala dala ang gitarang gagamitin ko, natanaw ko sa harapan si Vhon na nag tataka ang mukha, nag thumbs up si Caleb at Kent sakin.

You Belong To My Heart ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon