CHAPTER 17

476 64 22
                                    

***

Namamaga ang aking mata ng lumabas ako sa kwarto ko, hinihintay ko si Vhon na umakyat, umupo ako sa sofa sa baba. Ang sakit lang isipin na yung taong akala mo ay totoo sa'yo niluluko ka lang pala.

Ang tanga tanga ko eh, ganon ba talaga? Bakit una pa lang hindi ko na yun napansin, ang tanga tanga ko talaga.

"Ate?"napa punas ako sa mukha ko ng tawagin ako ni Vher. Nilingon ko sya, hindi nya nahalata na umiiyak ako dahil sa kuya nya, wala naman syang alam eh, siguro ang iniisip nya na parents nya ang iniiyakan ko."Matutulog po muna ako."paalam nya. Niyakap ko muna sya at dumeretso na sya sa kwarto nya sa taas.

Aakyat na sana ako sa taas pero nakita kong pumasok si Vhon sa mansion, derederetso lang sya ng lakad at hindi manlang ako pinansin.

"Vhon!"galit kong tawag, huminto sya pero hindi ako hinaharap."Humarap ka."utos ko.Tumutulo na ang luha ko nung unti unti syang humarap.

Pag harap nya isang malakas na sampal ang sumalubong sa pag mumukha nya. I slap him very hard.

"Fuck, what's that for?"mura nya at napa hawak sa pisnge nyang namumula.

"Masaya kaba?"umiiyak kong tanong."Masaya ka bang pag laruan ako?"hindi sya sumagot."Putangina Vhonever, nag tiwala ako sa'yo, akala ko totoo lahat ng mga pinapakita mo, putangina, laruan ba ako?"I cried very hard."May damdamin din ako, hindi ako manhid."usal ko pa.

"Let me explain-"

"Explain mo mukha mo!"sigaw ko.Diko napansin na marami na palang nanunuod samin, kasama na don yung mga tropa nya."KAYO!! MASAYA BA KAYO SA GINAWA NYO? PUTANGINA NYONG LAHAT!!"sigaw ko."Ang saya ko pag laruan noh? Ang tanga ko kase  nagpa luko ako."iyak lang ako ng iyak samantalang sila naka yuko lang at di ako matingnan ng deretso.

"Stella..."tawag ni Angel, lumapit sya sakin kasama si Caleb at Kent."Tama na..."

"Ito ang tandaan nyo, may karmang babalik sainyong lahat!"galit kong saad at mabilis na umakyat sa kwarto ko.

Nakasalubong ko si Vher sa hagdan pero nilampasan ko lang sya, umiiyak na sya at hindi ko alam kung ano ang sasabihinko, pumasok ako sa kwarto ko at nag imapake ng gamit.

Kung kelan namatay sina Tito at Tita ganito pa mangyayari, kailangan ko silang iwan, ayaw ko man pero kailangan.

"Anong ginagawa mo?"tanong ni Angel ng pumasok sila sa kwarto ko.

"Kung ako sa inyo tinulungan nyo na lang ako, kesa mag tanong."inis kong saad, tinulungan naman nila akong mag imapake.

Lahat ng importanteng mga gamit dinala ko, maliban na lang yung ibang hindi kailangan.

"Angel...don na muna ako sa condo mo pwede?"tanong ko.

"Oo naman, welcome ka don."napangiti na lang ako don.

Bumaba ako dala ang gamit ko, pagbaba ko sa hagdan biglang napatayo si Vher sa kinauupuan nya sa sofa.

"Ate..."mangiyak ngiyak nyang tawag sakin."San ka pupunta? Bakit dala mo ang mga maleta mo?" Lumuluha stang lumapit sakin.

"Aalis na ako,"panumula ko, mas lalo naman syang naiyak."Aalis ako para sa sarili ko."usal ko.

"Iiwan mo kami? Akala ko ba hindi mo kami iiwan? Akala ko kasama kita sa lahat? Bakit?? Bakit moko iiwan?" Umiiyak nyang tanong.

"S-sorry." Niyakap ko sya ng mahigpit, dinala na ni Caleb yung maleta ko sa kotse nya.

"Pwede po bang pagka libing na lang nila mommy and daddy ikaw umalis?"

"Di pwede eh."lumuluha kong sagot.

"Pero diba babalik kapa? Diba Ate??"

"Hindi ko alam."tanging sagot ko, hindi ko naman talaga alam eh, ayaw ko syang paasahin, ayaw ko na syang masaktan pa, kaya hindi ko alam.

"Ate..."hinahabol nya ako pag labas ko ng mansion sakay ng kotse, hikbi-hikbi naman ako habang palayo ng palayo ang kotse sa mansion.

Pagkadating naminsa condo ni Angel, agad akong pumasok sa kwartong binigay nya sakin at umiyak ng umiyak, hindi ata maubos ang luha ko kaiiyak, makitang tumatakbo si Vher masundan lang ako, ang sakit sa pakiramdam.

Lahat ng ito, sinisisi ko kay Vhon, kung hindi dahil sa kanya, ede sana masaya lang kami, pero ano? Ano ang ginawa nya? Sinaktan nya lang ako, anong tingin nya sakin? Hayup na hindi nasasaktan? Putangina nya.

Ilang araw na simula ng umalis ako sa mansion, pumasok pa naman ako sa school, nag apply din ako sa isang supermarket bilang cashier pag gabi.

Ayaw pumayag ni Angel na mag trabaho ako, pero mas lalong ayaw kong maging pabigat sakanya, nakaipon naman ako kahit papaano gamit yung cash na binibigay ina Tita.

Yung card na binigay nila iniwan ko sa kwarto ko don sa Mansion, ayaw ko yung pakialaman para wala ng masabi pa si Vhon, gusto ko na lang syang kalimutan, kapag nakikita ko sya sa school, lumilihis ako ng daan wag lang syang makasalubong.

"200 pesos po Sir-"napahinto ako sa pag bibilang nung mamukhaan ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon, tropa ni Vhon.

"Here, keep the change."usal ni Liam, kilala ko na sya, dahil sya lagi yung kasama ni Vhon pati si Tris.

"Thank you."tipid akong ngumiti. Nag hahalo ang puot at galit kapag nakikita ko sila, sino ba naman ang hindi magagalit na isa sila sa mga nanluko sakin.

"Can we talk?"

"I'm busy right now, please come back tomorrow or next day, next week, next month, next year or maybe wag ka nang bumalik."inis kong saad.

"Please."

"No."lumabas ng supermarket ng bigo, anong akala nya? Ganon ganon na lang yun? Putcha ang sakit kaya.

Itinaguyod ko ang sarili ko, pagtatapusin ko ang sarili ko, kahit walang ibang sumusuporta sakin, basta nandyan si Angel, ligtas ako, kase nga Angel sya.

Nag bibigay ako sa kanya ng pera pambayad sa mga gastusin, nung una ayaw nya pang tanggapin pero pinipilit ko sya, kahit na mayaman sya, diko sya pwede abusuhin dahil tao din sya, okay na ako basta may matirhan lang.

Ang laking pasasalamat ko dahil kahit na anong mangyari nandyan lang lagi sila sakin para gumabay.

Hindi ko na alam kung paano ko sila magagantihan, sa kabila ng kabaitan nila sakin.

_________________________________________

You Belong To My Heart ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon