Prologue

31.9K 822 539
                                    

"O bakit mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa, Loraine Francesca Tan?" It's Iryn.

Napabuntong hininga lang ako ulit na hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko na ginawa ngayong araw. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang pinag-usapan namin ni dad kagabi.

He is forcing me to date this person today just to strengthen our company. I know hindi maganda ang standing ng Tan Group of Companies ngayon pero hindi naman acceptable na parang ako ang ginagawa niyang paraan para maisalba ang family business namin. He also said that I just have to date this person at hindi niya naman ako ipapa-arrange marriage but I highly doubt it.

"Ano ngang problema mo, girl? Kasi kahit ako parang nararamdaman ko na rin 'yang bigat na dinadala mo e." Usisa na naman ni Iryn. Alam kong hindi talaga siya titigil dahil bukod sa madaldal ay isa rin 'tong tsismosa.

Dumating si Mandy na may dalang box ng pizza at inilapag ang dala sa glass table. Nandito kami sa penthouse niya kasama si Ava na may sariling mundo as usual. Si Chantel lang ang wala dahil may aasikasuhin raw siya ngayon.

"Anong problema, Loraine? You know we're always here and we will do anything we can just to help you." Sabi naman ni Mandy pagkatapos umupo sa tabi ko.

"Ugh! Si dad naman kasi!" Sa huli ay hindi ko na rin napigilang sabihin.

Nakita kong binaba ni Ava ang binabasa niyang libro saka tumingin sa 'kin. Alam ko namang kanina pa siya nakikinig kahit wala sa amin ang atensyon niya. Gano'n ang ugali ng isang 'to. She's a keen observant pero hindi mo mapapansin dahil usually ay mukhang wala siyang pakialam sa lahat. Oh well, not until she met Tamara.

"He wants me to date this someone just to save our company." I continued.

"Date lang naman pala e!" Komento agad nang madaldal na si Iryn.

Umirap ako. "But I know he'll force me to get married after that date."

"Ayan problema sa'yo, masyado kang advance mag-isip. Why not try to date that person. Date lang naman ata sinabi ni Tito Lawrence e." It's Iryn again.

Actually, dad assured me na kailangan ko lang talagang makipagdate. Sabi pa nga niya it's only a friendly date pero kailangan ko namang gawin for a week. Ano kaya 'yon?

"Yeah. Pitong araw na date." Sabi ko naman saka muling bumuntong hininga.

"Why not try it? Malay mo naman 'yan na pala ang right person para sa 'yo? We're not getting any younger, Loraine. Ito ngang si Ava kasal na. Napag-iiwanan na tayo." Mandy said and then took a bite on the slice of pizza that she's holding.

Mandy has a point. Hanggang ngayon nga ay single pa rin ako pero sila ay may mga dine-date na.

"When will be your first date?" Ava asked.

"Tonight at 6pm." Problemadong sagot ko.

"It's already five." She reminded me.

Kaya nga ako nandito dahil ayaw ko sanang sumipot sa date na 'yon e.

"I have a newly bought dress in my closet. Wear it bilis! Tulungan ka na rin naming mag-ayos." Excited na sabi ni Mandy at kahit hindi pa man ako sumasagot ay nagtatakbo na ito patungo sa kwarto niya.

Pinagtulungan ako no'ng tatlo na mag-ayos. Si Ava ang nag-make up sa 'kin and I requested to put light make up. Si Iryn naman ang nag-curl ng buhok ko at si Mandy sa suot ko.

Now, I'm in front of the best and most luxurious fine dining restaurant in town. Ngayon lang sumagi sa isip ko na hindi pala basta basta itong taong makaka-date ko kaya mabuti na lang ay tinulungan ako nina Mandy pero ang problema lang ay isang oras akong late.

"Good evening, madame." Bati sa akin ng waiter na nag-aabang pagpasok ko. "This way please."

Tahimik akong sumunod sa kanya at agad din akong nagtaka dahil walang katao-tao sa loob bukod sa aming dalawa.

Don't tell me pina-reserve pa ang buong restaurant na 'to just for this night? Oh gosh!

"Please make yourself comfortable. Nasa restroom lang po ang kasama niyo." Sabi ulit ng waiter pagkatapos ako nitong ihatid sa table namin.

Iniwan niya na rin ako mag-isa at unti-unti ko na ring nararamdaman ang matinding kaba.

Bakit ba kasi ako pinasok ni dad sa sitwasyong 'to? Argh!

Nagpaka-busy ako sa phone habang naghihintay to divert my attention and nervousness. Naiinis din ako dahil hindi man lang sinabi ni dad kung sino ba ang makaka-date ko at itong restaurant lang ang sinabi niyang puntahan ko.

Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng tunog ng heels. Palakas nang palakas ang lagutok kaya tuluyan na akong napa-angat ng tingin but then muntik ko ng mabitawan ang hawak kong phone dahil sa nakita.

There's this familiar woman who is smiling from ear to ear while walking towards me. Para rin siyang kumikinang because of her dazzling cream bodycon dress, hips are swaying beautifully as if she's on a fashion show and modeling the dress that she's wearing.

My heart is now pounding like crazy and I'm starting to get confused.

Anong ginagawa ng Alcantara'ng 'to rito?

Don't tell me--OH GOSH!

How To Lose Her In 7 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon