Day 2

12.8K 606 801
                                    

"O, where's Ava?" I asked when Iryn and Mandy showed up.

Ako na lang naman mag-isa rito sa faculty room dahil nagkayayaan ang ibang professors na mag-lunch out. They invited me too but I refused dahil nauna ng magyaya si Iryn kaninang umaga.

Iryn's face turned sour before sitting in front of my desk. "Hayyy ayon at saktong dumating si Tam-Tam no'ng sinundo namin sa office niya and you know what happened next. Jusko talaga. Until now hindi ko pa rin ma-imagine na ang isang Ava Calista Andrade ay baliw na baliw sa asawa."

"That's the charm of every Alcantara. They can drive you crazy." Sagot ni Mandy kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

"Ay. Relate much lang, Mandy? May Alcantara ka rin?" That was Iryn.

"I‐-"

Naputol ang sasabihin ni Mandy nang biglang bumukas ulit ang pintuan at iniluwa si Chantel.

"Hi, girls! Did I miss something?" Ngiting-ngiti pang tanong nito dahil nalipat ang tingin naming lahat sa kanya.

"Pinagchichismisan lang namin kayo ni Ava kung gaano kayo ka-patay na patay sa magkapatid na Alcantara." Ani Iryn.

Chantel laughed. Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi ko pa pala nasasabi sa kanila na isang Alcantara rin ang ka-date ko last night. Should I tell them?

"So Loraine, I heard may ka-date ka raw last night. How was it and who's the unfortunate human?"

Inirapan ko si Chantel dahil sa sinabi nito. Alam ko rin namang tatanongin talaga ako nila about it pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

"It was--" Naputol ako sa pagsasalita when my phone suddenly vibrated. Hawak ko lang kasi ito.

I received a text message from an unregistered number and due to curiosity, I opened it right away.

+63949********

Hi, pretty! Have you eaten your lunch already? Please wait for your dumplings. On their way na. 😉
- CJ

Napakurap ako nang ilang beses to make sure na totoo ba 'tong nabasa ko. How did she know about it? Kaka-tweet ko lang few minutes ago na I'm craving for dumplings--don't tell me...

"Hoy, Loraine! Ano na? Gutom na kami. Tara na!"

Mabilis kong ibinaba ang phone ko when I heard Iryn.

"Y-Yeah. Let's go."

Kinuha ko lang ang bag ko at palabas na kami ng faculty room nang may kumatok sa pintuan. Chantel opened the door since siya ang pinakamalapit.

"Good afternoon po, ma'am. May food truck po sa labas para raw po kay Ma'am Loraine Tan." Manong guard said.

"Ay grabe ka naman, Loraine! Mahal na mahal mo talaga kami, ano? Ang taray may pa-food truck ang mayora! Tara na dali!" Si Iryn na nangunguna agad lumabas pagkarinig sa sinabi ni manong guard habang hila si Mandy.

"Akala ko lunch out tayo?" Chantel curiously asked.

Kaming dalawa na lang ang naiwan dahil nagmamadali talaga si Iryn at nagpasama na rin sila sa guard.

"Hindi sa 'kin galing 'yong food truck." Seryosong sagot ko.

"Really? E kanino? May manliligaw ka na?" She excitedly asked.

Napa-massage ako sa temple ko dahil hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. "Can we talk about this later? This is stressing me out so much."

Chantel just raised her both hands. Sumunod na rin kami kina Iryn hanggang sa makarating kami sa quadrangle kung saan naka-park ang food truck.

How To Lose Her In 7 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon