Day 3

21.2K 814 779
                                    

Wala ako sa mood buong araw dahil sa hangover kaya binigyan ko na lang ng seatwork ang mga students ko.

CJ took me home last night and until now I can't still believe na nagawa ko siyang sukahan at sa loob pa mismo ng kotse niya.

I tapped my forehead because of that gross memory but I can't undone it. I already embarrassed myself in front of her and I hope she won't like me anymore.

"Alright, pass your papers now and you can also go." I announced after kong i-check ang time. It's quarter to five and I wanna dismiss them early.

Hinintay ko lang na makapagpasa ang lahat bago ako tumayo at lumabas ng classroom. Wala talaga ako sa mood ngayon.

Inilagay ko lang ang mga papers sa table ko sa faculty room pagkatapos ay dumiretso na agad ako sa parking para umuwi.

I roamed my eyes to find my car but a thought suddenly hit me. Nagpahatid lang pala ako sa driver namin kanina at hindi ko rin siya natawagan para magpasundo.

"Miss Tan."

Inis akong lumingon dahil hindi ko na talaga kayang itago ang nararamdaman ko but I don't know why my annoyance lessen when I saw CJ inside a Rolls-Royce Black Badge Wraith.

Bigla akong nilamon ng hiya ng maalala kong sinukahan ko ang loob ng Audi R8 Spyder niya kagabi.

Agad akong nag-iwas ng tingin ng bumaba ito ng sasakyan. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko at hindi rin ako makapag-isip. My goodness. Hindi pa 'ko ready na harapin siya ngayon!

"Hi, ma'am. I heard from Sir Lawrence Tan that you didn't bring your car so I volunteered to be the your driver today."

I was looking at my feet while she's talking and I slowly shifted my eyes to her.

She's just wearing slippers but judging her formal attire, mukhang galing nga ito sa meeting.

"Let's go?"

I blinked twice and compose myself before walking towards her car. Napag-isip isip kong hindi muna siya sungitan dahil sa ginawa ko kagabi kahit na medyo malaki ang nabawas sa dignity ko.

Tahimik akong nagsuot ng seat belt when she started driving pero muntik na akong magulat nang magsalita ito ulit.

"Are you okay now?"

I looked at her from the rear view mirror but I immediately turned my eyes away 'cause she's looking back at me. Ugh. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit ako conscious na conscious ngayon.

"I'm fine." Tipid na sagot ko and I tried my best to sound calm kahit deep inside ay hindi na ako mapakali.

Mabuti na lang ay hindi niya na ako kinulit pa at binuksan niya na lang ang stereo kaya nabasan ang pagka-ilang ko.

I told her to drive me to my penthouse dahil napansin kong pauwi sa bahay namin ang tinatahak niya and she didn't complain kahit na malayo na ang na-drive niya at kasalanan ko ring hindi ko agad sinabi.

"Do you want to stop by for dinner?" Naiilang na tanong ko after she parked the car.

Halatang nagulat ito sa tanong ko and she even bit her lower lip before scratching her nape while nodding.

"S-Sure." Mahinang sagot niya na parang nahihiya pa.

May hiya rin pala sa katawan ang Alcantara na 'to.

Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad patungo sa elevator. Nakasunod lang din naman siya sa 'kin at habang paakyat kami ay bigla kong naalala ang plan ko.

I have decided to do everything that will turn her off and endure it kahit maubos ang kahihiyan ko 'cause I need to save this Alcantara. I know she's not for me at ayaw ko rin naman siyang pahirapan pa nang matagal.

How To Lose Her In 7 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon