i: Asar (Sad-Story, Romance)

15 1 1
                                    

*Paalala* Hindi po lahat ng nandito ay galing sa imahinasyon ko. Other stories ay nangyari na talaga sa experiences ng iba. Pero syempre hindi KO. XD

Dedicated sa magiging reader nito. MAGIGING. HAHAHA. Yun lang, enjoy reading. ^____^

PS: MAHABA AT SABAW 'TO. SAD STORY. HAHAHA. YOU CAN SKIP THIS. XD

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

ASAR

Ako si Franze. Franze Jane Ramirez, to make it long. 18 years old. Alam ko na ang panget ng simula ng storya ko dahil introduction ko agad. Pero wala e, ang mga magaganda dapat kilala agad.

Syempre joke lang. Masanay na kayo sakin, masyado akong mahangin. Alam kong di ako kagandahan, pero may mga nagkaka-crush naman sa akin. Oo, crush lang. Wala namang umaabot sa point na may nagtatanong kung pwede bang manligaw. Kaya nga kahit 18 na ako, single at NBSB pa rin ako.

Aminado ako na naiinggit ako sa mga friends ko dahil may mga boyfriend na sila. May nakakayakap sila, may kasama sila tuwing gagala, may mga date, samantalang ako wala. Nganga. As in walang-wala. Zero. None. Bagsak. Sapul. Sad life.

Pero okay lang sa akin. Alam ko naman na darating din ang taong para sa akin, yung tipong gagawin akong prinsesa niya at mamahalin ako ng buo.

"Hoy! Baklang Kevin Damiano!" tawag ko sa kapitbahay naming bestfriend ko na rin.

Napalingon siya sakin at pinaningkitan ako ng mata. "Anong tawag mo sakin? Bakla?!"

Hindi ako sumagot. Bigla atang umurong ang dila ko kaya nagtatakbo ako papasok sa loob ng bahay namin.

Okay, edi ako na weird. Maganda naman. Dejoke. Ang hangin ko talaga 'no? Pagbigyan niyo na. Never pa akong nasabihan ng maganda kaya ako na lang ang nagsasabi sa sarili ko. :(

"Uy ate, anong ginagawa mo dyan sa pinto? Para kang timang alam mo yun." napatinin ako sa nagsalita. Yung nakababata ko lang pala na kapatid. Si Steffie. Tsk, 16 years old na yan pero ubod ng taray at ang hard hard magsalita.

"FYI, hindi ako timang, Steffie. Tss, wag mo na nga lang akong pansinin!" sabi ko sa kanya with matching hawak sa dibdib ko dahil hinihingal ako.

"Whatever!" at nag-'W' sign pa siya.

Tss, dukutin ko daliri mo eh.

"Hoy! Panget na Franze Jane Ramirez!"

Hala! Nagulat naman daw ako dun. Franze Jane Ramirez? Ako yun diba? Sino namang tumatawag sa maganda kong pangalan? At bakit may 'Panget' sa unahan?!

Sumilip ako sa bintana namin para sumilip. Nanlaki agad yung mata ko nang makita ko kung sino yung tumatawag sakin.

Si Kevin!

Nagtatakbo ako papasok sa loob ng kwarto ko. Kyaah! Namumula yata ako! Kinikilig ba ako?! No! Landi ko! Yeah! Grrr. Ang gulo ko na.

Bakit ba kasi ako namumula?!

*Tok tok*

"Who's there?!" tanong ko doon sa kumakatok. Napa-english tuloy ako XD

"Kevin Damiano!"

"Kevin Damiano who?!"

*moment of silence*

"HUWAAAT?! KEVIN DAMIANO?!" bigla akong napabalikwas at naramdaman ko ang pagkahiya. Taena mo Franze! Nag-who-who ka pa d'yan!

"Buksan mo nga 'tong pintong panget ka! Kakausapin lang kita!"

Nagulat pa akong lalo sa paraan ng pagkakasigaw niya. Bakit parang... Galit siya?

Book of Shots (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon