ii: Baby neighbor (Horror)

10 0 0
                                    

*Paalala* hindi po ito based on a true story. At kung matatakutin ka, iwasan mo ng magbasa nito hahaha. First time kong gumawa ng horror story kaya pagpasensyahan niyo na po. Hahahaha.

*-*-*-*-*--**--*-*-*

BABY NEIGHBOR

"Oo na, William. Bye na. 12am na oh. Matutulig na 'ko. Okay? Yes. Bye. I love you." sabi ko sa boyfriend ko over the phone.

[Aw. Ayaw mo na ba 'kong kausap? Nakakatampo ka naman sweetiepie.]

"Ew, wag ka nga! Haha. Inaantok na talaga ako. Gusto ko ng magpahinga. Okay? Promise bukas, pagkagising na pagkagising ko, ikaw agad ang tatawagan ko."

[Hay, ano pa nga bang magagawa ko. Kahit gustuhin ko na kausapin ka buong araw, pagod ka na. Sige na baby, I love you. Bye.]


"I love you too."

I end the call.

Napasandal na lang ako sa pader at napatingin sa kawalan. Ang saya ko. Ang saya saya ko.

Ang swerte ko na nagkaroon ako ng boyfriend na katulad ni William.

Sweet, maalagain, mabait, lahat na.


Napaka-swerte ko sa kanya.

Hay, napabuntong-hininga na lang ako at inayos na ang kamang hihigaan ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may bigla akong marinig na ingay na nanggagaling sa kapitbahay.

Isang hagulgol ng sanggol.

Aish, nakakainis naman oh. Kakalipat ko lang kasi dito sa bahay na ito. Ako lang ngayon ang mag-isa kasi hindi pa nasunod sina mama at papa dito, may inaasikaso pa kasi silang business doon sa lugar namin.

Napailing na lang ako at tinakpan ng dalawang unan ang magkabilang tenga ko.


"Uwaaaaa!"


"Bullsht." Napasabi ko sa sarili ko.

Ang ingay! Ayoko talaga sa lahat ay ang mga maiingay. Nakakairita!

Wala ring silbi ang pagtatakip ko dahil ang lakas lakas humagulgol ng bata. My gosh. Wala bang nanay dyan? Wala bang magpapatahan dyan?


Sa inis ko ay bumangon ako at nag-dial ng number ng maid namin sa bahay.

"Mada'am, bakit po?" sabi ng maid namin sa likod ng pintuan ng kwarto ko.

"Pakisabi naman sa kapitbahay patahimikin nila yung baby nila. Ang ingay ingay!"

Biglang natahimik yung maid. Nagtaka ako. Pero baka naman sinunod niya na yung utos ko kaya tumahimik na siya.

"M-ma'am.."


Ay freak! Nagulat ako. Akala ko umalis na yung maid!

Naiirita kong binuksan ang pinto sa kwarto ko at bumulaga skin ang maid namin na takot na takot ang mukha. Anyare sa kanya? Para siyang nakakita ng multo.


"Anyare sa'yo?" tanong ko.

"M-ma'am, wala naman pong nakatira sa kabilang bahay. Matagal na pong walang tao d-doon..."

Biglang nanlamig ang katawan ko sa sinabi niya.

"A-anong wala? Eh sinong naririnig kong umiiyak dyan?"

"M-ma'am, ang balita ko po eh kaya wala ng tumitira dyan ay dahil maraming multo dyan. Haunted house nga daw po e. Wag niyo na lang pong pansinin..."

"Niloloko mo ba 'ko, yaya? Eh nakakaistorbo kaya ng pag tulog. At hindi na ako naniniwala... Uhm, pumunta ka sa kabilang bahay at sabihin mong patahanin nila yung sanggol dyan.."

Tumango na lang yung maid ko at bumaba na. Dalawang palapag kasi itong bahay namin. Sinarado ko na ang pintuan ng kwarto ko at tumalikod na ko paharap sa kama ko.

"AAAAAAHHHHHHHHHHHH!"


Isang nakakabinging tili ang pinakawalan ko bago mag-black out ang paningin ko.

Ang natatandaan ko lang, ay nakakita ako ng isang sanggol na nakakatakot ang mukha!


At ang mas nakakagulat pa, sinasabi nitong hiwalayan ko na daw ang ama niya!

--------

Okay, sabaw. XD

Book of Shots (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon