iii: Hilamos (Horror)

5 0 0
                                    

*Paalala* this is not a true story.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

HILAMOS


"Anak, bago ka matulog maghilamos ka muna. Kaya ang dami-dami mong pimples eh, ang tamad-tamad mo." sabi sa akin ni mama habang naglalaptop ako sa kwarto. Nakadungaw siya sa pinto namin nakabukas ng kaunti.

"Oo na ma. Maghihilamos na po." sabi ko. Naglalaro pa ako ng isang Virtual Game sa ngayon kaya hindi ko na binalingan ng tingin si mama.


Narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto which means umalis na si mama. Narinig ko rin ang pag-click sa switch ng ilaw sa labas kaya madilim na.


Nawili na yata ako sa kakalaro ng Virtual Game na ito kaya hindi ko na namalayang madaling araw na pala. 3am na. Napagpasyahan ko ng i-off ang laptop ko at matulog na pero naalala ko yung bilin ni mama na maghilamos daw muna ako kaya tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko.


Bumungad sa akin ang dilim ng paligid kaya kinapa-kapa ko pa yung switch ng ilaw namin. Hindi naman ako natatakot sa dilim. Kaya pumasok na ako sa banyo namin at humarap sa lababo. May salamin sa harap doon.


Nagsimula na akong magbanlaw ng mukha ko gamit ang tubig, malamang. Dalawang buhos yun sa mukha ko pagkatapos ay kinuha ko na ang facial cleanser. Matapos kong maglinis ng mukha ko, pinatagal ko muna yun ng tatlong minuto hanggang sa napagpasyahan ko ng banlawan ang mukha ko.


Medyo mahirap tanggalin yung sabon na natitira sa mukha ko kasi may pagka-lappt yung facial cleanser. Medyo masakit din sa mata kaya nakapikit lang ako.


Nang bigla na lang umihip ng malakas yung hangin tapos ay may naramdaman akong malamig na dumampi sa likod ko. Agad akong napabalikwas pero naging dahilan naman yun para humapdi yung mata ko.

Nakahawak pa rin yung malamig na bagay na dumampi sa likod ko. Para siyang... Kamay. Naramdaman ko ng nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan ko. Binuhusan ko muna ng malamig na tubig yung mukha ko ng maraming beses at maya-maya din ay nawala ang parang kamay na nakahawak sa likod ko. Nang binuksan ko na yung mata ko, nakita ko ang repleksyon ko sa salamin.

Nanlaki ang mata ko nang makitang wala namang tao sa likod ko. Pero nang tignan ko pang lalo ang salamin, laking gulat ko nang may makita akong isang pigura ng puting babae. Naka-tagilid ito at nakatakip sa mukha nito ang mahabang buhok nito!


Agad akong nagtatakbo palabas ng banyo. Pero bago pa man ako makalabas, naaninag ko pa sa salamin na habang nakatagilid siya, ay nakatingin ang puro itim niyang mga mata!


Natulog ako sa tabi ng mama at papa ko ng gabing iyon. Nagtataka man sila, sinabi ko na lang na hayaan na nila ako at bukas ko ipapaliwanag ang karanasan ko ng maghilamos ako sa banyo.

Book of Shots (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon