#1

191 12 4
                                    


Debbie's POV

Nasa school canteen ako ngayon kasama ang bestfriend ko na si Max. Siya lang ang kaibigan ko at siya lang din ang may ganang lumapit sa akin, mag kababata kasi kami. Yung daddy namin magkumpare at sa likod lang ng bahay namin ang bahay nila. Grabe napaka kulit nitong bestfriend ko, siya lang ang nakakapag patawa sakin at dahil sa kanya hindi ako tuluyang naging loner.

Kumakain kami ngayon ng burger, paborito niya kasi yun kaya ayun narin ang inorder ko, choosy pa ba ako e libre lang niya to.

" Debz magkaklase nanaman tayo di ka ba masaya?" Tanong niya sakin.

" Hindi " Matipid na sagot ko, kumakain kaya ako istorbo to.

" Ha!!? Grabe ka Debz bakit naman?" Naka kunot noo niyang tanong.

" Nakaka irita ka kaya ang ingay mo, at pls. lang wag mo ako tawaging Debz? jejemon lang?" Tanong ko. Pano ba naman kasi ang ganda ganda ng pangalan ko.

"Sorry na tatahimik na Debborah"

Nang gigigil na ako sa galit dito kaya yumuko nalang ako. Buti nalang mahaba ang buhok ko at natatakpan ng maganda kong bangs ang mukha ko.

" Debborah? " Ulit niya.

What the? Inulit pa? Leche langgg!!! Tumayo nalang ako at nag walk out. di ko nalang siya pinatulan.

Naglakad lakad nalang ako at nag hanap ng tahimik na tatambayan. Mahaba pa naman yung free time 1 hour kasi yung lunch break namin.

Napad pad ako dito sa gym ng school, sakto walang tao at maaliwalas. Makakapag relax na rin sa wakas.

Ako nga palab si Debbie Ramirez, 15 turning 16 . Grade 9 student sa Cardinal High Academy.

Nag iisang anak lang ako. Tatlo lang kami ni mama't papa sa bahay kaya di ako magaling makisama sa iba. Pero kahit ganun di naging malungkot ang buhay ko, masaya na akong si mama at papa lang ang nakakasama ko. Di nila ako pinag hihigpitan, at wala naman silang dapat na ika-higipit dahil wala naman akong ginagawa na ikakapahamak ko. Lagi akong nasa bahay at wala naman din ako masyadong kaibigan kaya wala silang dapat ipag alala.

Si Max para samin kasapi na siya ng pamilya, para ko na siyang kuya. Lagi kaming magkaklase dahil mag kasing edad kami at halos parehas ng IQ level.

Pero nung last year nung grade 8 kami, di kami naging mag kaklase dahil nag sikap siyang mag aral ng mabuti.

Naalala ko noon sinabi niya sa akin yung motivation niya. Nasa park kami , bakasyon noon at pinilit niya akong sumama. May pagka loner kasi si Max noon.

*Flashback *

Nasa tabi kami ng sapa , nag babasa ako ng pocket book. Bigla siyang tumayo at nagsalita.

"Bie.. Gusto kong maging sikat! Gusto ko ng maraming kaibigan. Gusto kong makilala ako!".

Nagulat ako sa sinabi niya pero di ko pinahalata. Di ko siya sinasagot at nag kunwaring walang naririnig, naka earphones ako pero di nakasaksak sa mp3.

"Bie, magsisikap ako. Gagawin ko ang lahat mapansin lang nila ako"

Nakikita ko yung reflection niya sa relo. Naka hawak pa siya sa dibdib niya at mukhang seryosong seryoso. Natatawa na ako pero pinipigilan ko lang .

"Bie wala ka bang sasabihin? Grabe ka inaasahan ko pa naman na i e-encourage mo ako"

Pagtapos niya sabihin yun umupo na siya. Wahaha mukha siyang down na down.

"Salita ako ng salita di mo pala naririnig.... Bie, pag sumikat ako at grumaduate na tayo pakakasalan kita"
.
.
.

"Ano!! Ulitin mo nga! Ano bang pinag sasabi mo? Seryoso ka? Stop joking. Tch!!" Di ko na napigilang mag react sa huling sinabi niya. Ano daw papakasalan niya ako? Nakaka bigla . Tumayo na ako at mag lalakad na sana palayo.

"Hoy joke lang ano ka ba? Ikaw? At ako? Hahahaha! Sineryoso mo talaga? Wahahaha!!"

Tawa siya ng tawa . Nakahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako dun!

"Ang hina ng pag kasabi ko tapos narinig mo? E kanina ngang sinisigaw ko na yung pangarap ko parang wala kang naririnig?" Sabi niya habang may tinitingnan siya bandang ibaba ko na curious naman ako.

Nakatingin siya sa plug ng earphones ko na naka laylay.

"Ahh... Hehe" Speechless ako kaya I faked a lough at him.

*End of flashback *

Ginagawa na talaga ni Max ang best niya he even act cool, gentleman, smart guy at ngayon naman nag papa ka delinquent siya... Hayyy basta ako sumusuporta nalang. Halos lahat na ng appearance ginawa niya.

•••••••••••••••••

A/N: Sana pagpatuloy niyo pag babasa :) feel free to Vote and comment.
Annyeong~~

Jin , Princess Kook

Dear Lover , Why So Naughty?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon