Chapter 8

326 13 0
                                    


"HUWAG mong sisisihin ang anak mo kung bakit nag-iba ang kanyang kinikilos. Hindi kilos lalaki kundi babae!"

Pumikit ako ng mariin at naramdaman ko ang paghihigpit ng yakap sa akin ni Anisa.

"Tumahimik ka, Rawra. Ayokong pag-usapan ang bagay na iyan!" sigaw ni Papa nang nakabalik siya sa pagkatulala.

"Ang sabihin mo hanggang ngayon duwag ka pa rin."

Hindi iyon pinansin ni Papa bagkus ay tinalikuran niya lang kami at lumabas ng bahay.

Napabitaw sa akin si Anisa nang ginawaran ako ni Mama ng malakas na sampal.

"Ma!" sigaw ni Anisa.

May luha man sa mga mata ni Mama, ngunit ang walang emosyon niyang mukha ang makikita mo.

"Ngayon alam mo na ang mangyayari kapag pinagpatuloy mo pa ang kabaklaan mo." Pagkatapos niya iyon gawin ay tinalikuran niya rin kami at pumasok sa kwarto.

Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Pakiramdam ko wala akong kakampi sa ganitong sitwasyon. Pakiramdam ko rin ako pa ang may kasalanan.

Tama nga sila. Kahit anong kabutihan at pagtatanggol mo sa pamilya at kapwa mo, ikaw pa rin ang mali. Ikaw pa ang may kasalanan.

"GURL, malalampasan mo rin 'yan." Lumapit sa akin si Carlo sa umaga at Carla naman sa gabi habang nakatulala ako sa labas ng restaurant.

Gabi na at anong oras na rin ngunit pakiramdam ko wala pa akong balak na umalis. Baka pagdating ko sa bahay ay problema na naman maabutan ko.

"Ilang araw, months o years bago ka nila matanggap, Carla?" tanong ko habang nakatulala pa rin.

"Isang araw lang, Mare. Pa-choosy pa sila kung aabot pa ng ilang years." Hinawi niya naman ang wig niyang buhok na mahaba habang may kinakain.

"Buti ka pa," bulong ko.

"Mare, kung natatakot ka pa rin na baka ayawin ka ng lahat dahil sa kasarian mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin sa sarili mo na bakla ka talaga, kaysa naman pinipilit mo lang sa sarili mo na magpakalalaki."

"Hindi mo alam ang sitwasyon ko, Carla."

"Alam ko man o hindi. Malala man ang sitwasyon mo o hindi. Deserve mo pa rin na irespeto ka ng lahat. Tao ka pa rin naman, Akilo. Tao rin tayo. Kung hindi ka talaga nila kaya irespeto. Aba! Problema na nila iyon."

Ang salitang respeto ay binibigay lamang iyon sa mga taong kaya ka rin irespeto.

"AYOS ka lang ba, Akilo?"

Pilit na ngiti lamang ang sinukli ko kay Cindy habang nakatanaw sa mga ilaw ng syudad. Nasa taas kami ng mabundok na malaking bato at napagtripan naming tumambay dito.

Kakauwi lang namin galing trabaho at napagpasyahan naming tumambay muna rito at magpalipas ng hating gabi.

"Masasabi ko bang ayos lang ako sapagkat alam mo namang hindi." Tulala pa rin sa syudad.

Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko dahilan upang matuon ko ang paningin ko roon. Unti-unti ko rin inangat ang paningin ko sa kanya na may pilit sa kanyang mga labi.

Sa pagkakataong iyon pakiramdam ko iiyak na siya. Hindi ko lang mawari kung bakit.

"N-naiintindihan ko... alam kong mahirap, Akilo. Alam kong mahirap na itago ang nararamdaman mo."

Hindi ko naman mapigilang kabahan sa inaasta niya. Pakiramdam ko hindi ko kayang pakinggan ang susunod na sasabihin niya.

Pilit kong binibitawan ang kamay niya at tumayo. "Umuwi na tayo," walang emosyon kong saad at akmang tatalikuran ko na sana siya nang masalita muli siya.

His Tragedy Acceptance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon