"Pa, alam kong galit pa rin sa akin. Pero sana balang araw matanggap niyo ako. Ayaw kong maging ganito na lang tayo habang buhay," sambit ko habang nasa labas ng kwatro nila ni Mama.
Hindi ko mapigilang masaktan muli, dahil isang tao na lamang ang ayaw akong tanggapin.
"Sana... sana ma-realize mong anak mo rin ako." Tipid akong ngumiti at saka bumalik sa sala.
Naroon si Mama at Anisa. May mga ngiti sa kanilang labi. Isang buwan na lang ay manganganak na si Anisa.
"Hayaan mo muna ang papa mo. Nagtatampo pa rin iyan. Baka sa susunod na araw ay matatanggap ka na no'n."
Tumango ako at saka pumagitna sa kanilang dalawa.
"Huwag kang mag-alala, Kuya. Mas ikaw pa ata ang unang tatanggapin kaysa sa akin," ani Anisa.
"Baka kako ang anak mo ang unang tatanggapin kapag lumabas iyan at hindi ikaw," pang-aasar ko upang sumimangot siya. Ginulo ko ang buhok niya dahil nagiba na naman ang timpla ng mukha ng buntis.
"Pareho kayong lahat ang tatanggapin ng inyong ama, kaya ipagdasal niyo sana na hindi na tupakin ang inyong ama." Nagtawanan kami.
"Mamamasyal pa tayo!" sigaw ko.
"Magba-baguio rin tayo pagkalabas ni baby!"
Ang pakiramdam na tanggap ka ng inyong mga magulang ang sobrang bakakagaan sa pakiramdam, ngunit sabi nga nila. May mga bagay na dadating sa atin na hindi natin makakayang kalabanin, mas lalo na kapag malaking problema ito.
"Siya ba 'yon?" rinig ko habang naglalakad ako patungong sakayan.
"Oo nga. Siya nga."
"Sayang naman ang kagwapuhan ng batang ito kung magiging bakla lamang. Tsk. Tsk."
"Saan pa ba magmamana, edi sa tatay niya ring bakla! Naging lalaki lang naman iyon nang ikasal sila ni Rawra." Humalakhak sila dahilan para mainis ako.
Susugurin ko na sana ang mga marites na iyon nang may kamay na humawak sa akin at bumulong.
"Huwag mo na lang silang pansinin. Hindi sila worth it para bigyan mo sila ng pansin. Magsasayang ka lang ng oras," wika ni Said.
"Ang akala ko kapag tanggap na ako ng mga mahal ko sa buhay ay magiging maayos na ang lahat, ngunit pakiramdam ko ay mas lalong lumala pa. Ang hirap naman ng ganito."
Bumuntong-hininga siya at tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. Hinawakan niya pareho ang dalawa kong kamay at nagsalita.
"Akilo, hindi naman sa lahat ng bagay ay oras-oras at araw-araw tayo pwedeng maging masaya. May mga problema rin na dumadating sa buhay natin na kailangan din nating iresulba." Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang kamay ko.
"Marami rin akong kinatatakutan, Said. Alam mo iyon. Mahina ako sa gano'ng bagay."
"Alam ko. Kaya isipin mo na lang na iyong mga taong nandyan para sayo at mga naniniwala sayo ang pagkatiwalaan mo." Gumapang ang mga kamay niya patungo sa pisngi ko at hinaplos iyon. "Pakiramdam ko hindi mo naranasan maging lalaki, Akilo. Ang dami mong kinatatakutan." Tinawanan niya ako upang hampasin ko sa siya sa braso.
"Gago ka! Sapakin kita e." Pinandilatan ko siya at umirap.
Inunahan ko siyang maglakad. Sumunod naman sa akin ang gago habang walang humpay na humalakhak.
"Wait for me!"
"Che!"
Nagmadali pa akong tumakbo ngunit nahabol niya agad ako at sabay kaming nagtungo sa trabaho namin.
BINABASA MO ANG
His Tragedy Acceptance (COMPLETED)
Historia Corta"Inaamin ko. Takot ako sa kung ano ang sasabihin ng mga tao sa atin, pero mas takot akong mawala ka." -Akilo Akilo Dean Alfuente was a straight man until he gradually felt a change in his actions, and he knew his parents would not approve of it. Wh...