Chapter 7

326 15 0
                                    


"SO how's your work today?" kaupo pa lang ni Cindy ay iyon agad ang binungad na tanong niya sa akin.

Nasa isang simpleng restaurant lang kami. Nagplano kami na sa isang restaurant na lang kami kakain at magkikita bago umuwi.

"Ayos lang naman. Ikaw? Bakit pakiramdam ko ay mukhang pagod na pagod ka?"

Nag-order agad kami sa menu na inilagay ng isang waitress sa lamesa namin. Hinintay niya kami makapag-order bago siya umalis.

Umiling siya habang nakanguso upang ikinatawa ko. "Marami kasi nag-dayoff ngayon kaya kanda ugaga kami sa iba't ibang pwesto."

"Bakit ba kasi saleslady ang napili mong pansamantalang trabaho? Alam mo namang mahirap iyon kasi nakatayo lang kayo."

Nilagyan ko naman siya ng tubig sa baso niya bago ako.  Dumating ang order namin at nagsimulang kumain.

"Wala akong maisip na e." Buntong-hininga naman siyang inilagay sa baba niya ang kamay niya, animong nag-iisip. "Sa tingin mo kapag umalis ako sa pinagtatrabahuhan ko ngayon may tatangap pa ba sa akin kung sakaling maga-apply ako sa iba?" bumaling muli ang paninggin niya sa akin.

"I think so... bakit hindi mo i-try?"

Marami pa rin naman ata ang tatangap sa kanya. Matalino rin naman siya kaya alam na niya ang isasagot niya.

"Pag-iisipan ko."

Ngumiti ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain habang walang humpay kaming nagkukwentuhan sa mga kung anu-ano.

Habang nasa gano'n ay bigla kaming natigilan ni Cindy nang may biglang umupo sa tabi ko. Para naman akong kinapusan ng hininga nang maamoy ko ang mamahalin niyang pabango.

"Hindi man lang kayo nagsasabi na may date pa lang mangyayari," wika niya at saka niya kinuha ang baso ko na may lamang tubig at ininom iyon dahilan upang kumunot ang noo ko.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Cindy. "Date namin 'to kaya bakit ka pa namin pagsasabihan? Special ka ba?" umirap si Cindy.

"Well, special naman talaga ako more than you. 'Di ba, Akilo?" bumaling ang paninggin nila sa akin upang ngumiwi ako.

"Bakit nadamay pa ako riyan?"

"Matagal ka nang damay." Umayos ng upo si Said at nagtawag ng waitress para umorder.

Umiling ako at muntik nang mapatili dahil sa biglaan niyang hinawakan ang kamay ko habang nakatingin sa pinsan niyang hindi maipinta ang mukha.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Panay ang tanggal ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Hindi ako mapakali ngunit pinirme ko ang sarili ko dahil alam ko kapag konting galaw ko lang ay baka mahalata na kami.

"Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa kukuti mo, Said. Palagi ka na lang epal kapag may lakad kami. What's your problem?" iritangibleng tanong ni Cindy.

Sa mukha nito ay hindi na nagugustuhan ang pinaggagawa ni Said.

Sa totoo lang, ayaw kung gumawa ng aksiyon. Alam ko kasi kung bakit palaging gano'n si Said. Hindi ko na rin gusto ang ginagawa niya ngunit pinipilit kong huwag umimik dahil alam kong konting pagkakamali ko lang ay mabibisto kami.

Pinipilit kung lumayo ngunit ang puso ko ang kusang lumalapit pa rito. Pakiramdam ko ang tanga tanga ko sa part na pumayag akong makipag-date sa kanya, kahit ang totoo ay girlfriend ko ang pinsan niya.

May girlfriend din naman siya ay buntis pa kaya bakit nandito siya?!

Parang sa ginawa kung ito ay pinaglalaruan ko lang silang pareho. Ang dami kung kinatatakutan. Ang dami kung ayaw at gusto. Lahat ng bagay na gusto kung gawin at mapasaakin ay hindi ko magawa dahil sa takot.

His Tragedy Acceptance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon