Chapter 1

17 2 0
                                    

**now playing: Soldier - Before you Exit (acoustic)**

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

**now playing: Soldier - Before you Exit (acoustic)**


Chapter 1

It's been three months since Samantha and I started dating.

Tatlong buwan na para bang kahapon lang, dahil tandang tanda ko pa lahat.

Kung pano ko unang nakilala si Samantha na sa sobrang ganda at maamo ang mukha ay hindi mo aakalaing na saksakan sya ng suplada, matapang at daig pa si Jakie Chan sa galing kapag may mga loko-lokong nag hahamon sa kanya ng away.

Daig pa nyang isang amazona once na nakikipag bugbugan sa mga kalaban nya. Maging ako ay napapa-nganga nalang sa tuwing masasaksihan ko yun.

At ang isa pa sa mga hindi ko inakala ay ang magiging kami.

Maganda, maprinsipyo, matalino at magaling sa lahat ng bagay; Yan si Samanta Villegas.

Ako? Ako si Miguel Garcia, kilalang bilang pinaka gwapo sa campus at maging sa gulo ay tanyag din ako. Kaya naman madami ang hindi makapaniwala na kami ni Samantha ay magkasintahan.

Well, maganda sya at gwapo ako kaya bagay kami. Pero kapag sa ibang bagay na ay dun na sila napapailing.

Pero gaya nga ng sabi ni Samantha ay wala syang pake sa isipin ng iba. Basta daw mahal nya ako ay tapos na ang usapan. Saya diba? Kikiligin na sana ako, kaso di ko pa din mapigilan mag alangan lalo pa at tumatakbo bilang President ng Student Council si Samantha dahil gusto nyang ipag patuloy ng school namin ang pag sponsor at pag bibigay ng mga scholarships sa mga estudyanteng kapos sa pera. At magagawa nya lamang yun once na nanalo sya sa Student Council.

Kaya naman bilang boyfriend nya ay todo suporta ako sa kanya. Maging ang mga kaibigan ko ay pilit na tumitino at tumutulong sa kanya para walang maging problema sa pangangampanya nya. Indipendent candidate kasi sya, dahil kakatransfer nya lang this year sa school namin. Fouth year high ako, samantalang nasa thrid year sya.

"Miguel..." tanda ko pang tawag nya sakin nung araw na sinagot nya ako; "ipangako mo sa akin na dito ka lang palagi sa tabi ko." Habang sinasabi nya yun ay kitang kita sa mga mata nya ang lungkot at takot na para bang pag nawala ako ay malaking kawalan sa kanya yun.

Hinawakan ko sya sa pisngi habang hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa mata nya. "Oo naman," sabi ko na ngumiti para pagaanin ang luob nya. "pero sigurado ka ba na talagang gugustuhin mo ang gaya ko? I mean -"

Naputol ang dapat kong sasabihin dahil sa unang araw namin maging mag-kasintahan ay dun din naganap ang first kiss namin pareho.


*****

"Migz!! Gising na. Migz!"

Sabay ng pag sabi nun ay nakapikit pa man ako ay nasilaw na ako ng hawiin ni Samantha ang kurtina sa kwarto ko. Kaya naman bumaling ako sa kabilang side ng kama ko at talukbong ng kumot para bumalik ulit sa tulog.

You and Me: Against All OddsWhere stories live. Discover now