Chapter 2

10 2 0
                                    

Chapter 2 

After nung eksena namin sa admins office ay halos kasing bilis ng oras kung lumipas ang mga araw.

Naging busy si Samantha. Lalo pa't sya na ang halos pinapahawak ng mga dapat i-organize para sa upcoming shcool foundation. Maging yung pag file nya ng request para sa main objective nya ay malapit na din.

Kaya naman halos wala na kaming oras pa para sa isa't isa. Well, hindi naman sa nagagalit ako or nag seselos dahil wala na syang time. As her boyfriend, nauunawa ako naman yun. Dapat kong maunawaan lahat ng yun.

Pero hindi ko naman lolokohin ang sarili ko na hindi ko aaminin na kahit pano ay nalulungkot ako dahil nawawalan na kami ng time na makapag usap man lang.

Kahit nga sa pag punta sa bahay tuwing umaga, pag hatid o pag sabay sa amin sa lunch ay onte-onte ng nababawasan.

Pero ano pa nga bang magagawa ko. My girlfriend is the school president. I should be proud.

****

School foundation na sa wakas.

Ako excited? Na-ah!

Bakit?

Dahil kahit tapos na ang pagiging busy ni Samantha sa pag oorganize for school foundation, ay busy pa din sya para siguraduhing nasa ayos ang mga event sa (lintek na) foundation na to.

At sa buong duration ay ang kasama ko ay walang iba kundi si Rico.

Tsssk! Daig ko pang walang girlfriend nito e.

Namimiss ko na si Samantha ko!! (-___-)

"Ano ka ba naman Migz. Ayusin mo nga yang mukha mo. Daig mo pang pinag sakluban ng langit at lupa e."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Rico. Pinag patuloy ko nalang ang pag kain ng french fries na nabili namin kanina sa isa sa mga booth dito ngayon sa school.

You and Me: Against All OddsWhere stories live. Discover now