Chapter 4

4 2 0
                                    

'Alam mo ba talaga kung anong klaseng tao yang tinuturing mong girlfriend? At kung ano ka?'

Napailing na lang ako ng bigla ko nanaman maalala yung mga salitang yun.

Actually, hindi lang biglaan. Kundi madalas ko talagang naiisip yun. Kaya naman sumasakit na ang ulo ko dahil dun.

Ilang araw na din ang nakalipas pero, parang kahapon lang yun. Tss. Bwisit talagang four-eyed yun. Sa susunod na magkaharap kami at may panibago nanamang syang sasabihin sa akin. I swear, baka di ko na mapigilan ang sarili ko.

Dahil sa mga salitang yun, ay muntik na akong masiraan ng bait.

Buti nalang talaga at nandyan si Rico para sya ang mag absorb ng kabaliwan na nararanasan ko. Haha.

*~Ding Dong ~ Ding Dong ~*

Napatigil ako sa pag sesemyento ng tumunog ang bell. Agad akong napatingin sa orasan ko. Tss. Alas-quatro na ng hapon. Ambilis talaga ng oras kapag wala kang hinihintay.

Oh, didn't I mention na halos tatlong araw na din ang lumipas since ng huli naming pag kikita ni Samantha? Yeah. Three days straight.

E di sya na talaga ang busy.

Pero sa three days na yun ay naging busy din ako.

Thinking.... sumakit nga yung ulo ko e. Pero at least may napala naman ako.... Sana....

"Brad? Okay ka lang ba?"

Napalingon ako kay Rico. Tapos na nanaman ang klase.

Tumango lang ako kay Rico bilang tugon.

"Nakausap mo na ba si Mareng Sam?"

 

 

"Hindi pa."

"Kahit sa tawag o text?"

 

 

"Nag tetext sya pero hindi na ako ng abala pang mag reply."

You and Me: Against All OddsWhere stories live. Discover now