"Wow brad. Tinuloy mo talaga?"
Nag iwas nalang ako ng tingin kay Rico.
After ng nagyare sa amin ni Samantha sa park ay dito na agad ako dumeretso. Ewan ko ba. Nung una naisip ko na mas gusto ko ang mag isa. Pero parang mababaliw naman ako kapag ganun. Dahil sa sobrang daming bulong sa isip ko ay baka matuluyan na talaga akong mabaliw.
"Tss. Akala ko pa naman talagang mag kakatuluyan kayo ni Mare. Yung tipong kayo na talaga." patuloy pa ni Rico.
"Ano ka ba naman brad, ikaw na mismo ang nag sabi na langit ang lupa kaming dalawa."
"Oo, nandun na tayo. Pero nakaya nyo naman diba? I mean you both manage to go this far. And if only pinaliwanag mo lang ang prino-problema mo sa kanya, I know for a fact na maiintindihan nya yun and for sure din na if ever dumating sa point na mamili sya... alam nating pareho na ikaw ang pipiliin nya kesa sa pagiging president ng S.C"
'I hate a time like this, na ano man ang lumabas sa bibig ni Rico ay tama. Tss'
'Naisip ko na din yun. Pero pag ganun man ang mag yare... hindi ba mas lalo akong magiging masama sa iba? Na para bang pinatunayan ko lang sa lahat na ako ang dahilan na hindi magawa ni Samantha ang mga gusto nyang gawin..?'
'At kung hinayaan ko man na dumating sa point na dapat nyang mamili between sa akin at ang pagiging president ng S.C. Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot na ito ako at siguradong ako ang pipiliin nya pero it turns out na hindi pala...'
Masakit.
Pero ano pa nga ba ang pinag kaiba nun sa nararamdaman ko ngayon?
Ito ako at nasasatan. Dahil din sa sarili kong kagagawan.
At ang masaklap pa ay kasama ko tong bestfriend ko na imbes na pinapagaan ang pakiramdam ko ay lalo pa akong dinidiin sa ginawa ko. Tss.
Mukha namang nakaramdam si Rico dahil bigla nalang ulit syang nag salita,
"Well, at least ngayong wala na kayo ni Mareng—- I mean ni Samantha. Pwede ka nang bumalik sa dating ikaw. Pwede na ulit nating gawin yung mga ginagawa natin bago pa maging kayo."
Tumingin lang ako sa kanya at pilit na ngumiti.
YOU ARE READING
You and Me: Against All Odds
Short StoryAll rights reserved. Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented or any information storage or retrieval system, is forbidden without the perm...