Ch. 4

1.2K 38 0
                                    

A/N: Dahil tinamaan ako ng sakit ngayon hinang hina ako pero dahil wala akong magawa nag update na lang ako. Hahahaha osiya sana magustuhan niyo to buhay marino muna sa mga susunod na chapter makikilala niyo na ang babaeng hard to get. Vote-comment na lang kayo ha. Thanks.

-Jujupets.

--------------------------------

JAS





Dalawang buwan na kaming naglalayag kaya batong bato na kami. Pagdating namin sa Gibraltar kailangan lang namin mag unload ng mga kargamento namin tapos ang sunod na ruta namin ay sa Sakai, Japan.






"Dre mag ahit ka naman mukha ka ng ermitanyo e."





"Ang pogi ko namang ermitanyo. Hahaha."






"Baka magdalawang isip si Roxanne na pakasalan ka. Hahahaha."






"E kung sinasapak sapak kaya kita Josefa!"






"Hahaha binibiro ka lang masyado kang seryoso."






"Excited na nga ako umuwi tatlong buwan na lang misis ko na si honeypie."





"Nagtataka nga ako kay Roxanne bat ikaw pa pinili niya. E mas pogi naman ako sayo. Bwaaaahahaha."






"Gagu! E kung ihagis kaya kita sa dagat."






"Hahahaha okay lang sakin. Marunong ako lumangoy brad."






"Halika na punta na tayo sa gally. Nagugutom na ko."

(A/N: Gally is a nautical term for kitchen.)




"Ano bang niluto ni Chief cook?"







"Ewan ko dun. Kung anu-ano pinapakaen sa atin."






Dumiresto na kami sa gally at nakasalubong pa namin si kapitan sa amidship. Nag gagala na naman si kapitan.




"Kaen tayo Captain."






"Sige lang Sec. una na kayo ni third."





Tumango lang kami ni Daniel. At nag-uusap pa rin kami ng mga bagay bagay.







"Dan may mga chix ba kayong bisita sa kasal niyo?"






"Ahh....oo yung bestfriend niyang si Zephy hanep sa ganda yun pero....."




Bigla naman siyang tumigil dahil kumuha na siya ng pagkain niya at dumiretso na sa mesa. Kumuha na din ako ng pagkain ko at sumunod sakanya.






"Pero ano Dan?"









"Pero napaka suplada nun. Tsaka sabi ni honeypie apo yun ni Maria Clarang pinong pino. Hahahaha."






"Bakit?!"








"Alam mo kasi dre si Zephy daig pa nila lola Finang at lola Tonyang mo sa pagiging konserbatibo. Tsaka mahihirapan ka dun Jas mas hard pa yun sa bato hindi yun bumibigay."








"Talaga? Hmmm......challenging basta ipakilala mo ko dyan ha. Ilakad niyo ko ni Roxanne."






"Pag-iisipan ko."








"Daniel naman. Magkaibigan naman tayo diba? Sige na sige na please."







"Magtigil ka nga Josefa itatarak ko sayo tong tinidor na hawak ko."







"Tsk. Sige na kasi Dan! Hindi mo naman ako matitiis diba?"







"Jas kahit kaibigan kita hindi kita susuportahan dyan sa kalokohan mo.....at isa pa mas mahal pa ni honeypie yun si Zephy kesa sakin ayaw nun masaktan yun."





"Sige na nga di na kita kukulitin ako na lang gagawa ng paraan."





Nagkibit balikat na lang siya sa akin. Akala niya siguro hindi ako seryoso sa sinabi ko. Interesado kasi ako dun sa Zephy na yun gusto ko yung mga ganung tipo alam ko naman sa umpisa lang magiging ganun yun pero makukuha ko din yun. At excited na kong makadaupang palad siya. Sigurado akong hindi niya mareresist ang charm ko ang pogi ko kaya. Pag nagkita kami baka maging modernang Maria Clarang pinong pino na siya (handsome laugh).

Ang Babaeng Hard To GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon