Ch. 12

1K 40 27
                                    

JAS


Gabi na pero hanggang ngayon sumasagi pa rin sa isipan ko ang babaeng hard to get sa salon. Hindi umubra sakanya yung mga galawan at pormahan ko nakakaasar lang mga tol!

Tapos na akong mag-ayos ng sarili ko at inaantay ko na lang si Daniel. Ang usapan kasi namin ay susunduin niya ako dahil tinatamad akong mag drive. At isa pa gusto ko bukas naka kundisyon si baby Yosh pag pumunta ako ng probinsya.

"Hey chocholoid bat ang pangit mo ngayon? Wala kang nabingwit na chix nuh?!"

"Magtigil ka nga Daniel tadyakan kita dyan e."

"Ang init ng ulo mo Jas. May nangyari ba?"

"Naku wala. Tigilan mo na lang ako kung ayaw mong mag-isang pumunta sa mga biyenan mo."


Hindi ko sasabihin sakanya yung nangyari sakin ngayong araw na ito dahil panigurado akong hahagalpak ng tawa ang bakulaw na to. Kilala ko na yan e.

"Oo na chocholoid tara na....sabi ni honeypie kasama rin sa dinner yung bestfriend niyang si Zephy kaya mag behave ka ha."

"Oo na basta wag mo na kong kulitin pa."

"Tara na magpaalam na tayo kay tita."


Ayun nauna na siya sa kitchen namin kawawa naman yung mama ko wala siyang kasama mag dinner pero sabi niya ayos lang naman daw dahil bibisita naman dito si tita Beth yung bestfriend niya.

"Tita mauna na po kami ni Jas....sigurado pa kayo ayaw niyo sumama samin?"


"Naku Daniel hindi na..pupunta din naman dito sila tita Beth niyo kaya okay lang....basta dito kayo matutulog ni Jas."


"Opo naman tita. Sige po dito na po kami."

"Mag-iingat kayo ha."

"Bye ma. I love you see you later."


"I love you too anak. Sige na bye bye."

Sumakay na kami sa kotse ni Daniel at binagtas na namin ang daan papunta sa tahanan ng kanyang magiging esposa. Wala pa rin ako sa mood dahil na rin sa nangyaring pang snob sa kapogian ko.

"Chocholoid ilang araw ka pala sa probinsya niyo? Tandaan mo limang araw na lang kasal ko na kaya wag mo ko indyanin."

"Dalawang araw lang ako dun chocholoid kaya wag kang mag-alala sisipot ako sa kasal mo."

"Buti na yung nagkakaintindihan tayo dahil malilintikan ka sakin pag wala ka sa kasal ko. Alam mo naman ikaw lang kaibigang tunay ko."


"Oo na alam ko na yun...wag ka na nga mag drama pa dyan yung stag party mo tuloy ba yun?"


"Oo tuloy na tuloy pupunta ka ba dun o sa bridal shower ni honeypie ka pupunta?"


"Gagu! Ano naman gagawin ko sa bridal shower ni Roxanne pakialam ko dun...syempre dun ako sa may chix na gigiling giling."

"Hahahaha sabi ko nga e...andito na tayo chocholoid. Wag ka mag-inaso ha."


"Langya! Ako na naman baka ikaw!"

Nagkukulitan pa rin kami ni Daniel hanggang sa makapasok na kami sa bahay nila Roxanne. Hindi sobrang yaman sila Roxanne sakto lang hindi mahirap hindi mayaman. May ipagmamalaki din naman ang pamilya nila.


"Goodevening po mama papa."


Nagmano naman si Daniel sa parents ni Roxanne at nginitian lang siya ng mga ito. Naalala ko pa nuong umaakayat pa lang ng ligaw si Daniel halos hagupitin kami ng latigo nuon ng papa ni Roxanne.

"Magandang gabi po tito tita."

Syempre nagmano din ako sakanila.


"Halina kayo at ng makapag hapunan na tayo..kanina pa namin kayo hinihintay."


Sabi ng papa ni Roxanne at sabay sabay na kaming dumulog sa hapag kainan. Si Roxanne naman ay nasa kwarto pa daw nito at pababa na kasama ang bestfriend nito.


"Hi honeypie. Hi Jas."

Salubong agad ni Roxanne sa amin nung makababa na siya. Nagyakapan naman sila ni Daniel. So walang humpay na yakapan lang ang tema nilang dalawa ganun?

"Ahh by the way Jas si Zephy bestfriend ko.. Zephaline Mari Molina...bes si Jas bestfriend ni honeypie."

Nawindang ako kung sino ang ipinakilalang bestfriend ni Roxanne. Yung babaeng kanina pa kumukulit sa isip ko. Yung babaeng nangbasag sa akin. Yung babaeng hindi tinamaan sa kamandag ko. SIYA YUNG BABAENG HARD TO GET. Akalain mo nga naman magtatagpo ang landas namin ng babaeng ito.

Nakipag kamay lang ako sakanya at nginitian ko siya at tinanggap naman niya ang pakikipag kamay ko pero waepek pa rin talaga sakanya. Invisible ata ako sa babaeng ito e. Masaya naman ang naging takbo ng usapan dahil ang daming kwento namin ni Daniel kaya tuwang tuwa ang mga magulang ni Roxanne. Ang hindi lang natutuwa ay yung si Zephaline.

NAPAKAILAP NIYA. NAPAKA SUPLADA. PAG KINAKAUSAP KO TUNATARAYAN LANG AKO. NAPAKA SUNGIT PA NIYA. Lahat na lang ata ng NAPAKA ay nasa kanya na. Paano ko kaya siya mapapaamo?

Ang Babaeng Hard To GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon