Ch. 11

988 41 0
                                    

A/N: Etooo naaaa makikilala niyo na ANG BABAENG HARD TO GET. SINO SA INYO ANG KATULAD NIYA? Vote-comment lang kayo sana magustuhan niyo. Maraming salamat. Lovelots!

-Ju.

---------------------------------

JAS

Maaga akong nagising dahil bawing bawi na ako sa tulog. Pwede na ulit akong makipag laban sa mga hot chic. Pagbaba ko nagtipon tipon na ang pamilya ko. Mamayang tanghali pa daw uuwi si lola Antonia ganun din si lola Josefa. Si mama naman inaaya ako mag date sino ba naman ako para tanggihan ang aking reyna? Kaya pumayag na din ako mamayang gabi pa naman kami pupunta sa bahay nila Roxanne. Kailangan din naman magkasarilinan yung magkasintahan dahil alam kong namiss nila ang isa't-isa kaya makikipag date na lang muna ako kay mama.

Nung natapos kaming magbreakfast walang humpay na kwentuhan pa rin kami. Si Daniel naman hinatid na muna si Roxanne sa bahay nila.


"Jas bukas pumunta ka sa bahay nang makita mong muli ang kababata mo duon. Si Piyang sobrang miss ka na ng batang iyon."


Sabi saakin ni lola Antonia. Si Piyang siya yung madalas kong makalaro sa burol nung bata pa lang ako. Madalas kasi akong magbakasyon sa probinsya para magtanim ng palat at sumakay sa kalabaw. Alam ko ang mga gawaing bukid dahil nga may malawak na sakahan ang mga lola at lolo ko sa probinsya.


"Sige po lola bukas ng umaga ay andun na po ako."

"Aasahan kita bukas apo. Ako'y magtatampo sayo kapag hindi mo tinupad ang pangako mo kay lola."

"Makaasa po kayo lola pupunta po ako. Dahil namiss ko po ang sariwang hangin sa probinsya."

"Osya ako'y paparito na dahil may aasikasuhin pa ako. See you tomorrow apo."

Niyakap ako ni lola at pinaghahalikan sa mukha kaya punong puno ng lipstick ang mukha ko. Hayss si lola talaga. Ilang sandali lang ay si lola Josefa naman ang nagpaalam kagay ni lola Antinia pinupog din ako ng halik ni lola. Ang sweet talaga nila.

"Anak halika na mag date na tayo."

"Ano po bang gagawin natin ma?"

"Samahan mo ako sa salon at magpapaayos ako ng buhok ko..ikaw anak magpapagupit ka ba?"


"Ahh hindi na po muna ma. Kakapagupit ko lang po baka pagsampa ko kalbo na ko."


"Pogi ka naman anak kahit kalbo ka pa."


"I love you ma. Tara na po."

"I love you so much anak."


Inangkla na ni mama ang kamay niya sa braso ko. Yung ibang hindi nakakakilala sa aming mag-ina napagkakamalan kaming magjowa. At yung iba akala nila sugar mommy ko si mama. Aba! Hindi ba nila napapansin na kamukha ko si mama? Sabagay mahihirapan silang mapuna iyon kung hindi kami tititigan ng mabuti.


Nang makarating kami sa mall dumiretso na kami sa salon. Dahil regulat customer si mama iginiya na sita agad ng baklang si Maximo.


"Jas umupo ka muna dyan."

"Sige ma."

At nagbuklat buklat na lang ako ng magazine. Gusto ko sanang maglibot libot sa mall kaya lang ayaw ni mama ng iniiwan siya kaya kinakailangan kong hintayin na matapos siya.


Mag-iisang oras na din akong nag-aantay at naiinip na din ako. Pero may isang magandang dilag ang nakapukaw sa atensyon ko. Umupo siya sa tabi ko malamang magpapaayos din ito ng buhok. Simple lang siya magdala ng damit. Simpleng floral dress lang pero iba yung dating sakanya. Pinaka titigan ko talaga ang kanyang maamong mukha. Makinis ang kutis niya at hindi din maitatago ang hubog ng kanyang katawan. Nakakahalina din ang bawat galaw niya napakahinhin at kung susumahin ko konserbatibo ang isang ito. Base sa kanyang pananamit at mga galawan.


Hindi na ako nagdalawang isip pa pagkakataon ko na ito para pomorma sakanya.


"Hi Miss.......Nutella ka ba?"

Tinitigan niya lang ako at sa pagtitig niyang iyon bumilos ang kabog ng dibdib ko. Marami na akong tinitigan sa mata iba-ibang lahi na ang nakatitigan ko pero ang isang ito ay iba sakanila.

Pero hindi niya ako pinansin at lumipat siya ng ibang upuan. Pero dahil kasing kulit ako ng nanay ko sinundan ko siya at umupo ako sa tabi niya.

"Hi Miss Nutella ka ba?"

Ngiting ngiti ko pang sabi sakanya pero dedma pa rin siya sa charm ko. Napaka suplada naman nito. Isang sulyap lang ipinagdadamot pa. Pero hindi ako titigil.


"Kasi NUTELLA-LA AKO SA KAGANDAHAN MO E.".

Atlast lumingon din siya saakin pero wala akong mabasang ekspresyon sakanyang mata.

"So?"


Aww! B-A-S-A-G mga dre. Hindi ako makapaniwala ngayon lang may nangbasag sa mga galawan ko sa babae.


"Ahm....ako nga pala si Jas. Ikaw?"

"I don't talk to strangers!"


WASAK! Pangalawa na ito isa na lang bingo na ko.

"Pwede bang makipag kaibigan?"


Inilahad ko naman ang palad ko sakanya at ngumiti ako. Yung one million dollar smile ko dahil alam kong bibigay na rin to.


"Marami na akong kaibigan hindi ko na kailangan ng isa pa."

Sabi ko nga BINGO NA! At tumayo na siya dahil siya na ang sunod na aayusan. Hindi ko namalayan na tapos na pala si mama dahil nakatanga pa rin ako sa babaeng nang sopla sakin ng tatlong beses. Hanggang sa makauwi kami sa bahay ni mama yung babaeng HARD TO GET pa rin ang naiisip ko. Tch! Hindi ko matanggap na may babaeng tumanggi sakin. Mukhang inaamag na ang karisma ko.

Ang Babaeng Hard To GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon