Ch. 6

1K 32 41
                                    

JAS

Nasa kasarapan ako ng tulog nang malakas akong humampas sa kabilang side ng kama ko at muntik na kong mahulog sa kama. Malamang malakas na naman ang alon. Binabayo kasi ng bagyo ang Japan ngayon. Kung kelan naman dalawang linggo na lang at nasa Sakai na kami tsaka naman bumagyo ng malakas.


Mabuti na lang na check ko yung hatch cover namin pati na rin yung mga cargo holds at hold bilges. Kailangan kasing i-test at i-inspect ng maayos yung system para malaman kung nasa good order lahat. Kung hindi kasi malaman na may depekto maaaring maapektuhan ang system at hindi na magamit pa. Na secure ko na din kahapon ang mga kargamento namin. Kapag hindi kasi naisaayos yung stowing at securing of cargoes dadanak ng dugo hahahaha jklang. Kapag hindi kasi naisaayos yun maaring magkaroon ng damage ang mga kargamento dahil papaling ito kung saan saan.


(A/N: When the ship puts to sea it is subjected to external forces wich result in six modes of motion: heave, pitch, roll, yaw, surge, and sway).


Lumabas ako ng kabina ko at tinignan ang kalagayan ng barko namin. Sa sobrang lakas ng alon natatangay na kami. Masyadong malakas ang paling ng current kaya nawawala kami sa linya.

Si Daniel ang naka duty ngayon at malamang sa lakas ng alon nagising din si kapitan. Hindi naman ako pwedeng umakyat ng bridge dahil hindi ako ang naka duty ngayon kaya minabuti ko na lang na maglakad lakad sa gangway.

"Asuncion. Ferrer bakit nandito kayo?"

Nakita ko yung dalawang kadete namin na halatang kinakabahan sa nangyayari sa barko namin. Mga nerbyosa naman ang mga to.


"Maam ang laki po kasi ng alon hindi po kami makatulog."

"Mas malaki pa dyan ang alon kapag gale #5 na ang naranasan natin. Pero yan wala pa yan. Mas matataas pa sa building ang mga alon kaya dapat masanay na kayo."


"Maam nung kadete po ba kayo naranasan niyo na rin po ang ganto?"


Si Ferrer naman ang nagtanong. Magagandang bata ang mga ito kung hindi nga lang 18years old ang mga ito pinatos ko na limang taon lang naman ang pagitan namin. Pero dahil mga bagets pa nga to dedma na lang ako sa beauty nila.

"Oo unang sampa ko pa nga lang bagyo na agad. Kaya puspusan ang pagtawag ko sa mga santo. Syempre hindi ako nagpadaig sa takot at kaba dahil wala namang lugar yun dito sa barko........lakasan lang ng loob girls."


"Thank you maam kahit papano nawala po yung takot namin ni Ferrer."


"Basta go lang ng go parang globe hahahaha. Sige na magpahinga na kayo si sec at si kapitan naman ang nasa bridge sila na bahala dun."


"Sige po maam goodnight po maraming salamat."


Nginitian ko lang sila pareho at nagbalik na din ako sa kabina ko. Dahil wala namang internet connection dahil sa bagyo mag-iinom na lang ako pampaantok.


Tatlong buwan ko na rin hindi nakakausap yung mama ko at yung dalawang lola ko. Malamang nagtatampo na yung mga yun pero di bale isusurprise ko na lang sila pagbalik ko. Mahirap kasi talaga makakuha ng timing para maka skype ko sila. Umaga dito syempre duty ako sa Pilipinas naman gabi tulog na sila kaya wala talagang pagkakataon para makausap ko man lang ang pamilya ko.


Sa susunod talaga na kontrata ko yung pang three months lang ang kukunin ko para hindi ko masyadong mamiss ang buhay sa Pilipinas. Aba mahirap ang buhay sa dagat hindi namin alam kung makakauwi pa kami ng ligtas sa Pilipinas at isa pa naniniwala din ako na kapag oras mo na ORAS MO NA TALAGA.


Minsan nga naiisip ko na magseryoso na sa buhay ko at maghanap na ng taong mamahalin ko pero wala pa rin naiisip ko lang siya hanggang duon lang hahahaha. Wala pa kasi talaga akong balak makipag commit masyado pa kong nag eenjoy at isa pa bata pa naman ako para sa mga ganyang bagay. Pero kung darating man yun bahala na hahahaha.


-----------------------------------

A/N: Pasensya na kayo dun sa mga maritime terms kailangan ko kasi ilagay para ma visualize niyo yung chapter na to. Oh di ba big word?! Hahahaha. Pag may mga tanong kayo kahit suliranin pa yan ng bansa susubukan kong sagutin hahaha. Sana magustuhan niyo vote-comment lang kayo salamat.


-Jujupets.

Ang Babaeng Hard To GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon