chapter 10 : past

532 13 2
                                    

Faye

Minsan talagang ayaw natin pag usapan ang PAST natin lalo na't hindi natin talagang alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit bigla bigla kana lang niya iiiwan .

Siguro may mali din ako kase bigla ako nagpabook agad agad ng flight . Dapat pala kinausap ko muna siya o kaya pumayag ako na kausapin niya . Hayyy nako kum pwede lang yun ibalik eh di sana ginawa ko na . Yun na ata ang pinaka-mali na nagawa ko hindi ko man lang siya binigyan ng chance na magpaliwanag .

Aaminin ko gulong gulo ang pag iisip ko nuon kaya hindi ko na siya naisipan na kausapin pa . Sobrang sakit kase try mo kaya ikaw malalaman mo na yung fiancé mo eh nagpakasal sa ex-girlfriend niya at hindi sayo ni hindi ka man lang niya pinaglaban pinakasalan niya yung ex niya kahit hindi naman talaga niya mahal .

Tapos pag uwi mo sa pilipinas at makikita mo siya na kasama niya yung asawa at anak niya . Ansakit lang oo man sobra pa sa sobra . Hindi naman ako bitter pero sadyang ayaw ko na lang yun pag usapan kase pare parehas naman naming hindi alam ang sagot eh tsaka yun at yun naman ang mga tanung nila papano akong di maiinis . Di ba sila nasasawa na pag usapan yun? My Ghad kung ako nga naka move-on na sila hindi padin ata .

Bakit ba kase di nila yun matanggap? Ako nga na ito pang naiwanan eh natanggap ko na eh sila? Hindi naman sila ang naiwanan pero di nila matanggap . Pero sabagay kami lang kase sa barkada ang di nagkatuluyan eh sila ayan mga kasal na si migz at juls ikakasal nadin bukas akalain niyo nga naman sila din pala ang magkakatuluyan hanggang sa huli .

Minsan naiisip ko din na bakit napaka mapaglaro ng tadhana pagdating saamin? I mean saakin pala pero sa looban ng 4years na nawala ako dito sa pilipinas ni hindi padin ulit ako nag kakaroon ng boyfriend kahit na may nanliligaw saken . Hindi naman kase ako yung tipo ng babae na basta nalang sumasagot sa mga manliligaw iba kase ako eh gusto ay yung tipo na lalaki na marunong mag antay yung hindi nagsasawa na manligaw at yung walang sawa ng pag antay saken .

* tok tok tok *

May ghad! Ano bayan ang epal naman neto . Nag eemote pa ako eh tapos bigla bigla may kakatok? Tsss panira to ah . Hahahaa .

" what? " tanung ko pag kabukas ko ng pinto di ko pa alam kung sinu itong kumatok .

" ahh ok kana ba? " tanung nung kumatok pag tingin ko si ian lang pala .

" oo naman " sagot ko

" ahh akala ko kase di ka ok eh " sabi pa niya

" sus nako akala mo lang yon " depensa ko

" bakit ka kase bigla nag walk out? " tanung niya . Tingnan mo to si ian pinapaalala pa talaga eh .

" ahh wala yun emote lang! Haha-haha " sabi ko , oo nag sinungaling ako ayaw ko kase ng may nag aalala saken eh . Made in china din yung tawa ko fake kumbaga .

" sus nako peya wag mo akong pagbulaanan halata ko sa mga mata mo na nagalit ka talaga kanina " puna niya . Hahahayyy obvious ba talaga?

" oy hindi kaya acting lang yun " tanggi ko

" sus nako wag kana ngang tumanggi halata ko naman eh " sabi pa niya

" hindi nga bakit ba pinagpipilitan mo? " inis kong sabi

" eh kase yun yung totoo " sumbat pa niya

" tsss whatever! " sabi ko sabay umalis duon sinundan niya naman ako pababa

" si peya tumatanggi , tumatanggi  , tumatanggi " pakanta niyang sabi habang bumaba kami ng hagdan

" tsss wala akong naririnig , wala akong naririnig " sabi ng parang bata sabay tinakpan ko yung tenga ko . Sinasabi at inaact ko yan hanggang sa makadating ako sa salas . Halata naman na inis na si iantot wahaha

" wahaha tingnan mo to ikaw ang nauna mang asar tapos ikaw din ang nauunang maasar " lait ko

" eh kase wala akong panama sayo eh , lakas mo kase saken " sabi niya

" ha-ha-ha-ha-ha-ha andami kong tawa mga anim " sabi ko ng may hand gesture na nagbilang ako ng anim

" uy yung dalwa! " sigaw ni desiree mula sa tass . See? Para siyang nakalunok ng megaphone abot dito sa baba yung sigaw niya . Tsktsk

" dalwa mo mukha mo! " sigaw ko

" ayieh! ayieh! " sigaw ni juls habang papalapit siya saamin . The eytch!

" oh andito nanaman kayong dalwa? " patanung kong sabi kala juls at migz

" bakit bawal ba kami dito ni migz? " sarkastikong tanung ni juls

" bakit may sinabi ba ako? " sarkastiko kong tanung "pero seryoso bakit andito kayo? Diba dapat nag peprepare kayo" dagdag ko pa

" sus nako ayos na ang lahat no' " sabi ni juls

" sus nako bawal dito ang may asawa na " pagtataboy ko sakanila

" sus wag ka ngang bitter " singit ni migs

" hindi ako bitter no! Inienjoy ko pa lang talaga ang buhay ko kaya wala pa akong balak mag asawa ni boyfriend nga wala ako asawa pa kaya " paliwanag  ko

" wala ka ngang boyfriend pero may fiancé ka " sarkastikong sabi ni migz . Arghhh! Anak ng teteng yan!

" eto nanaman tayo  ,  haysss! Wala din akong fiancé no' " sabi ko ng seryoso

" sus eh bakit sabi ni brad nick nasayo pa DAW yung singsing at itinabi mo DAW " sabi ni migs at inemphasize pa yung word na DAW!

" anong gusto niyong gawin ko dun sa singsing itapon ko nalang ng basta? Ansama ko naman ata nun kapag ginawa ko yun . Atleast kahit tinago ko hindi ko na naman sinusuot malay niyo kunin niya yun saken alanganamang di ko ibigay at ibalik sakanya? " paliwanag ko

" sabagay my point ka " singit ni juls

" remembrance nadin niya yun saken no' wahahaha siguro kung di ako umalis baka kinuha niya yun saken tapos nag propose pa siya dun sa lintek na tuko niyang asawa " sabi ko ng seryoso

" tsss di na niya yun kukunin madami yung pambili eh hahaha " sabi ni migz

" tsss baliw ka migz! " sabi ni juls sabay hinampas niya ng unan . Ang cute nila tingnan "muntanga lang migz diba nga sabi ni jeybee saatin special daw yung singsing nayun ibibigay niya yun ay sa taong mahal niya lang kase bigay yun sakanya ng mommy niya" dagdag pa ni juls

" eh di ibig sabihin si faye pala talaga yung mahal niya " dagdag pa ni migz napaisip naman ako , hindi kaya ako talaga yung mahal ni jervy? Sabi pa nila migz iba daw yun magmahal eh pangmatagalan daw nag exist kaya yung feelings niya para saken? Ako padin kaya? ...... hayyyy bakit ko ba yan iniisip! Erase Erase Erase 'ano kaba faye hindi na nga pwede diba? May anak at asawa na siya diba? Wala ka namang balak maging mistress diba?'

" siguro , malay natin " sabi ni juls . Napasilip ako kay ian ayun naman siya lugmok lang OP siya eh hahaha pero naikwento ko naman sakanya dati yung mga nangyari sa lovestory ko pero di ko sinabi ang pangalan nung lalaki syempre mahirap na siguro galit na galit siya pag nalaman niyang si 'jervy delos reyes' yun for sure .

Magpasalamat kayo kay 08ismyfavorite hahaa dahil sakanya nakapag UD ako ng wala sa oras . Lol haha tenks saiyo 08ismyfavorite :D you made my day!

Itutuloy ........

I'M INLOVE WITH A BASKETBALL PLAYER ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon