End 1

267 7 5
  • Dedicated kay Shamo Tomato
                                    

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Bago po ang lahat Hindi po ito kasali sa Im The Killer Series at kahit kailan hindi po siya mangyayari. This is just for fun.. (Fun po patayin si Aren..hahaha) 4 version siya... By tragic-kira , runesaito at icegener4tion
..abangan niyo po yun sa kanila.. Hahaha
So lets start

Thank You..

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Life begins with letter B and end with letter D..means Birth and Death...
Lahat ng nabuhay ay mamamatay.. May mauuna lang at may mahuhuli at sa sitwasyon ko...ako ang mauuna.

Masakit? Oo.. Dahil parang napakaikli ng panahon pa lamang ang makapiling sila at heto ngayon.. Iiwan ko na sila.

Nagtataka ako..bakit sa dinami dami ng tao sa mundo..bakit ako pa?
Bakit ako pa ang mawawala? Bakit hindi na lang yung mga taong puno ng kasalanan ang kunin..? Tsk.. At nasagot ko din ang tanong ko.

Well.. Isa nga pala akong taong makasalanan. I kill for many times.. Linagay ko sa kamay ko ang batas na sana hindi dapat. So ito siguro ang kapalit non. And I need to face it.

Kinuha ko ang isang envelope.. Dito nakalagay ang lahat ng gusto ko mangyari sa pagdating ng araw ng pag alis ko., sinulyapan ko din ang mga litrato naka lagay sa buong silid..

Ang kasal ko..kasal ni Yuwe, Binyag ng anak nila Kenn at Rheigne.. At ilan pang kasayahan na amin pinagsaluhan. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pagluha ko.. Pero bigo ako.. Malayang umagos ang luha sa aking mga mata.. Ang lahat ng alaalang ito ay babaunin ko sa paglisan ko.. Kahit sa maikling panahon naging masaya ako at ngumiti ng totoo.

Naramdaman ko ang isang kamay na pumatong sa aking balikat.. Ramdam ko ang kalungkutan na nararamdaman niya..

"Ilang linggo na lang ba..?" ang tanong ko sa kaniya..

"L-lima..l-limang linggo na lamang..." ang sagot nito. Pinunasan ko muna ang luha ko bago humarap sa kaniya at isang pilit na ngiti ang iginuhit ko sa aking labi.

"Limang linggo.. Marami pang oras.. Mahaba pa ang panahon.." ang pilit kong sinisiglahan na pagkakasabi sa kaniya.

"Pwede ba humingi ng pabor?" ang tanong ko sa kaniya..

"Ano yun Master Aren?" ang tanong din nito.. Tumalikod ako sa kaniya at kinuha sa lamesa ang sobre na nagmula sa bansang kinabibilangan ko.

"Maari ba nasa limang linggo na iyon.. Kalimutan natin ang mangyayari. Nasa limang linggong iyon..gumawa tayo ng mga alaalang masasaya.. Punuin natin ng ngiti at kasayahan ang ating sarili.. Kalimutan ang pwedeng mangyari.." ang nakangiti kong sabi sa kaniya.

Tumango lamang ito.. At sinuklian ako ng ngiti.. Bago lumabas ng silid ko. Buo ang desisyon kong bumalik sa bansa ko..kahit sa huling pagkakataon.

Doon ko gusto gumawa ng masasayang alaala.. Kapiling si Yuwe at asawa nito, ang mga kaibigan ko.. Si Tiffanie.. At ang taong minahal ko ng lubos si Al.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Lumabas ng silid si Tiffanie na pinapahid ang mga luha sa mata,tulad ng mga nag daang araw pilit nilang maging normal ang kilos.. Pero kahit anong gawin nila hindi na magiging normal ang kilos nila..lalo't alam nila na mawawala na sa piling nila si Aren.

Hindi nila kayang makitang nagbabago ang itsura nito.. Ang buhok nito ay unti unti ng nawawala.. Ang katawan nito na tila buto na lamang..at lalong hindi nila kaya nasa tuwing sisigaw ito dahil sa kaniyang sakit.

Ayaw nilang mawala si Aren.. Pero nahihirapan sila sa tuwing nakikita ito..kaya kahit masakit..sobrang sakit.. Tatanggapin nila ang pagkawala nito kapalit ang paglaya sa sakit nito.

Pababa siya ng hagdan ng masalubong niya ang asawa ni Aren..may dala itong ramen. Tiningnan siya nito sa mata at binigyang ng malungkot na ngiti. Hinawakan niya ito sa kamay para tumigil sa paglalakad.

"A-al.. Wag mong ipakita ang ganyang emosyon..lalo siya masasaktan.. Utang na loob..sundin natin ang gusto niya.." ang sabi ni Tiffanie kay Al..

"Asawa ako Tiffanie..paano ako ngingiti kung ang alam kong na asawa ko ay mawawala na.. Paano Tiffanie?" ang luhang sambit ni Al dito. Nang hindi sumagot si Tiffanie ay pinagpatuloy ni Al ang paglalakad sa silid ni Aren. Naabutan niya itong nakasandal sa ulunan ng kama..at nakatingin sa labas..

"Kain na.." ang alok niya dito. Humarap naman ito sa kaniya. Gusto.muling bumuhus ng luha ni Al nang makita ang kalagayan ng asawa..ibang iba sa dati nitong itsura. Alam niyang nasasaktan na ito. Pero pinipilit lang nitong magpakatatag para kanilang lahat na maiiwan.

Linagay niya sa katabing lamesa ang Ramen at umupo na din sa kama. Inabot niya ang kamay nito at hinalikan.

"Mahal na mahal kita Aren..mahal na mahal..."

"Mahal na mahal din kita Al..sobra.." at yinakap ni Aren si Al..

"Till eternity and beyond" ang sabay nilang sambit.


¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤


The End Of Me (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon