¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤The end of everything...
The start of new begining...
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Buong mundo ang nagulat sa balitang wala na ang nagiisang anak ng Pamilya Aurelio.. Tumunog ng malakas ang kampana ng buong Fredenborgs tanda ng kanilang pagluluksa.
Maging ang Pilipinas na naging tahanan ni Aren ay nagluksa..bilang tanda ibinaba nila sa kalahati ang kanilang watawat. Ang ilang dugong bughaw mula sa ibang bansa ay sabay sabay naman nagpalipad ng mga puting kalapati para sa kaluluwa ni Aren.
Ang ilang mamayan sa pilipinas naman ay nagpalipad ng asul na lobo tuwing sisikat ng Araw.. Simbolo daw ito ng kagitingan ng isang Aren.
Limang Araw ang itatagal ng burol. Lahat nag hinagpis lalo na ang dalawang taong malapit kay Aren...
Ang kapatid nito na si Yuwe..
At ang asawang si Al..
Halos hindi na binibitawan ni Yuwe ang isang picture frame kung saan nakalagay ang kanilang litrato ng kaniyang Kuya, hindi din ito tumitigil sa pag iyak .
Hindi din maayos ang pagkain ng asawa ni Aren.. Hindi ito tumitigil sa pag iyak sa harap ng kabaong ni Aren.
Dumating ang araw ng libing...
Tulad ng hiling ni Aren..sa tabing dagat gagawin ang pagsunog sa kaniyang katawan. Nakasuot ito ng asul na damit at napapalibutan ng rosas na asul ang kaniyang hinihigaan. Sa ibabaw ng kaniyang dibdib nakalagay ang simbolo ng kaniyang pamilya.
Tanging pamilya at ilang malapit na kaibigan lamang ang dadalo sa libing. Hindi maiwasan ang maiyak habang inilalagay ang katawan ni Aren sa higaan nito.. Hindi pa rin sila makapaniwala na wala na ang kasama nila.
Natapos ang maikling misa..dahan dahan lumakad si Yuwe palapit sa kaniyang Kuya..hinaplos niya ang mukha nito bago yakapin.. Iyak ito ng iyak at hinayaan lang ng iba dahil alam nila ang nararamdaman nito..
"K-kuya..s-salamat sa lahat..Salamat at kinupkop mo ko. Tinuring na kapatid at tunay na pamilya..Salamat dahil itinayo mo ko sa pagkakadapa ko.. Salamat at hinila mo ko papalayo sa kadiliman..Kuya miss na kita...Kuya yung ngiti mo at inis na mukha..mamimiss ko.. Wala na kong kuyang magagalit sa akin..wala na kong kuyang iinisin ko.. Wala na kong kuyang yayakapin..Kuya Aren...paalam... Mamimiss kita..sobra.." ang wika dito ni Yuwe..agad itong yinakap ni Yuya at ilinayo sa katawan ni Aren.
Sumunod naman na lumapit ay si Al..dahan dahan.. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng asawa, hinaplos at hinalikan niya ito sa noo..
"Bebe A.. Naalala mo ba yung una tayo nagkita? Diba naka pambabae ako noon..tapos nakilala kita. Masungit na matanda.. Hindi ko naman alam na yung matanda na yon.. Yun pala ang magmamahal sa akin ng sobra sobra..Salamat sa lahat ng pagmamahal na binigay mo sa akin.. Salamat at minahal mo ko ng buong puso.. Tanda ko..mahal ko..buhay ko.. Bebe A ko.. Mahal na mahal na mahal kita.. Paalam Bebe A.."
Binigay sa kanilang dalawa ang sulo na mag uumpisa ng apoy sa kinahihigaan ni Aren.,bago nila ito paapuyin isa isang lumapit ang mga kasamahan nito.. Mga nagpapasalamat sa lahat ng bagay na binigay ni Aren.
Kataka taka na wala pa ang kambal sa libing ni Aren..yun ang isa sa pinagtataka ni Al.
Dahan dahan lumapit ang dalawa at linagay ang sulo sa babang bahagi ng kinahihigaagn ni Aren.. Unti unting linalamon ng apoy ang katawan ni Aren..
Sa di kalayuan nakatayo ang isang lalake hawak ang isang death card.. Nakatanaw sa nasusunog na katawan ni Aren..
"Still..im the winner here.. See you again Aren.."
Ang nakangiti nitong wika...at dahan dahan naglakad paalis.
The End