"Hindi kita kadugo at kaano ano..pero ang puso ko..yun ang nag uugnay sa atin.."
-Aren Micchaelle M.A.A-
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Bagong umaga ang sumalubong sa magkakaibigan..kahit na may nararamdaman na kalungkutan hindi naiwasan ng magkakaibigan ang mapangiti lalo ng makita ang kanilang kaibigan na masaya.
Tulad ng hiling ni Aren..walang bumabanggit sa sakit nito. Sinimulan nila ang umaga na parang normal, walang maysakit at walang mawawala.
Ang tatlong prinsesa at reyna ng bansa ay lubos na nagpasalamat sa lahat ng taong nagmamahal sa kanilang tinuring na anak. Tinanggap na din nila si Yuwe bilang bahagi ng pamilya..tulad ng pagtanggap ni Aren dito.
Kahit na malamig ang temperatura ng lugar hindi napigilan si Aren a pumunta sa may hardin, hindi naman umuulangng nyebe sadya lang talagang malamig ang klima ng bansa. Nakaupo ito sa wheelchair at nagbabasa ng libro. Abala naman ang kaniyang mga kaibigan sa loob, ang asawa nito au nagpaalam saglit na may kukunin sa loob.
Maya maya pa ay naglalakad palapit sa kaniya ang kaniyang kapatid, may dala itong pagkain para sa kaniya Kuya. Isang magandang ngiti ang nakasilay sa labi nito.
"Kuya.." ang pagtawag pansin niya dito. Agad naman tinigil ni Aren ang pagbabasa at humarap dito.,tumingin ito sa dalang pagkain ng kapatid at alanganing ngumiti.
"Kuya nag luto ako ng Green Pasta sabi ni Lady Dayana paborito mo ito dito sa Denmark..wag ka mag alala Kuya.. Maayos ito dahil tinuruan akong maigi ng mga prinsesa.." ang masiglang sabi dito ni Yuwe., agad lumapit ito sa kaniyang kuya at inabot ang plato ng pasta. Dahan dahan kumuha si Aren at kinain.. Kinakabahan naman si Yuwe habang inaantay ang reaksyon ng kapatid..Unti unting lumiwanag ang mukha ni Aren at binigyan ng isang ngiti ang kapatid.
"Ahm..Kuya kung hindi mo nagustuhan ok lang sakin.. Hindi ako magtatampo.."
Linunok muna ni Aren ang kinakain nito bago magsalita sa kapatid.
"Yuwe.. Its perfect.. Masarap at nagustuhan ko siya..." unti unti ngumiti si Yuwe dito.
"Talaga Kuya? Hindi ka nagbibiro?"
"Kailan ba ako nagbiro?" ang tanong ni Aren na agad inilingan ng isa. Umupo naman si Yuwe sa katabing upuan ng wheelchair ni Aren at masayang pinagmamasdan ang kapatid habang kumakain. Nagoatawag na din siya ng taga silbi para magpa timpla ng mainit na tsokolate. Inantay lang ni Yuwe matapos kumain ang kaniyang Kuya bago niya ito yakapin..Napangiti naman si Aren sa inaasal ng kapatid.
"May hihingiin ka ba? At ganyan ka ngayon?" ang birong tanong ni Aren dito. Sinapak naman ng mahina sa braso ni Yuwe ang kaniyang Kuya, tumawa lang ng mahina si Aren at Mas lalong hinigpitan ni Yuwe ang yakap sa kaniyang Kuya Aren.
Sandaling nanaig ang katahimikan sa dalawa., walang nagsasalita at tila linalasap lamang ang sandali. Dahan dahan umaagos ang luha sa mata ni Yuwe.. ilang linggo na lang magiging isang alaala na lamang ang pagyakap niya sa kaniyang Kuya.
"Yuwe..." ang pagtawag dito ni Aren. Pinunasan muna ni Yuwe ang kaniyang luha bago humiwalay sa yakap at harapin ang kaniyang Kuya.
"Bakit?" tanong niya dito.
"Kailan ko makikita pamangkin ko sayo?" ang nakangiting tanong ni Aren dito. Bigla naman namula si Yuwe at tila bata na ngumuso.
"Kuya naman eh.. alam mong walang mabubuo sa akin.. Kahit dalawa pa sila..." ang sagot nito.. Hindi ito sinagot ni Aren kaya humarap dito si Yuwe. Dahan dahan hinaplos ni Aren ang mukha ng kapatid..
"Ma mimiss kita Yohan, mamimiss kita.." ang mahina pero totoong salita ni Aren. Pinigil ni Yuwe muli ang pagluha lumuhod siya sa harap ni Aren at hinawakan ang kamay nito.
"Ako din..Kuya. bakit kasi sa dinami dami..ikaw pa?" ang tanong dito ni Yuwe.
"Mabuti na ako..kesa ikaw.." ang sagot dito ni Aren.
"Ang selfish mo Kuya.." ang sagot ni Yuwe..
"Yuwe..mas mabuting ako na.. Kesa ikaw.. Dahil.. Marami pang masasayang bagay ang dapat mong maranasan. Sa dami ng pasakit at pagdurusang naranasan mo.. Kailangan mong mabuhay ng mahaba para malimutan iyon..at handa akong ialay ang buhay ko.. Para sayo..dahil kahit hindi tayo magkadugo.. Ang puso nating dalawa ang nag ugnay sa atin.. Tandaan mo yan" ang mahabang paliwanag ni Aren kay Yuwe.
"Kuya...hindi ko kayang mawala ka.." ang sagot naman ni Yuwe dito.
"Yuwe..makinig ka.. Kayanin mo tulad ng pagkaya mo sa mga pinagdaan mo. Ayoko kong makita na umiiyak ka.. Ayokong makitang may luha sa mga mata mo.. Dahil hindi yan nababagay sa maganda mong mukha.. Naintindihan mo ba?"
Tango lang ang sinagot dito ni Yuwe.
"Mahal na mahal na mahal kita Yuwe..lagi mo yan tatandaan.." ang sagot dito ni Aren.
Nakatanaw naman mula sa beranda ng palasyo ang asawa ni Yuwe at Aren. Pinagmamasdan ang tagpo.ng magkapatid. Tinapik ni Patrick ang balikat ni Al..at isang tango lang ang sinagot ng isa. Kakayanin nila ang pagsubok na ito. Pero si Al..humihiling pa rin ng isang himala..na sana sana.. Hindi mawala sa kaniya ang kaniyang asawa..
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
"Mamu Yohan is crying. Why?" ang tanong ng batang Niniro sa kaniya amang si Kenn habang kalong ito. Pinagmamasdan din nila kasi ang tagpo ng dalawa.
"Because Mamu Yohan.. Love so much your Tito Aren.." ang sagot naman ni Charmer dito na tinatawag na Mamiya ng bata.
"Me too I love so Much Tito Aren!!!" ang sagot nito na ikinangiti ng lahat.
"Ofcourse you are.. We all here..Love Your Tito Aren.." ang sagot naman ni Rheigne sa bata. At isa isa silang umalis...
Maaring may aalis..ngunit may bagong darating.....
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Belated HAPPY NATIONAL SIBLINGS DAY!!!!
yay..araw ng magkakapatid..kaya ayan moment nila..heheSo guys!!!
Only two more left....bye Aren.." ://