End 4

57 5 5
                                    

"salamat sa pagmamahal na binigay mo..salamat sa panahon na linaan mo...
....lagi mong tandaan..mahal na mahal na mahal kita....
Bata ......."

-Aren Aurelio Atentar-

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Tulad ng napag usapan, walang bumanggit ng pwedeng magyari pag patak ng ika limang linggo. Ginawa nilang masaya ang pananatili sa bansa ..walang oras na hindi sila ngumiti dahil sa nakikitang saya sa mukha ni Aren.

Pero sumapit ang huling araw..muli nilang naramdaman ang sakit at kalungkutan. Pero si Aren..handa na sa pwedeng maganap sa pagpasok ng ika limang linggo buwan...

Kinaumagahan, nakaupo sa wheelchair si Aren habang inaantay ang isang tao na pinagtaguan niya ng sikreto.. Hindi naman nagtagal at dumating ito...

"So..its true..your dying?" ang agad nitong tanong kay Aren na nakatanaw sa kalangitan.

"Yes..I am.." ang sagot ni Aren dito.

"So..kailan ko sila dadalhin para makilala na nila siya.." ang tanong nito ulit

"Oras na mawala ako..dalhin mo na sila dito.." ang sagot lang ni Aren.

"Fine.. You know.. I will miss you.. " muling wika ng lalake kay Aren.

"salamat sa pag aaruga sa kanila.." ang pasasalamat ni Aren.. Hindi na sumagot ang lalake, tumalikod na ito at nag umpisa ng maglakad ngunit muli itong tinawag ni Aren...

"C!!" tawag niya dito..agad naman lumingon ang lalake..

"Tak så meget..til vi ves igen" ang sabi ni Aren dito.. At isang kaway lang ang sinagot ng lalake.. Sinundan lang ito ng tingin ni Aren hanggang mawala ito sa kaniyang paningin.

Sumapit ang ikatlong gabi ng huling linggo ni Aren.. Nakatayo ito sa bintana at yakap siya ng kaniyang asawa sa likod..Sabay na Pinagmamasdan ang nagliliwanag na kalangitan dahil sa mga bituin.

"Al.." tawag niya sa asawa..

"hmmm.." ang tanging sagot naman ng isa.

"jeg elsker dig" ang sabi ni Aren na agad kinanuot ng nuo ng asawa..

"Ano yun..?" tanong nito..

"I love you.. Sa wika namin dito.."

"I love you too.." ang sagot ni Al at pinaharap sa kaniya si Aren, isang halik ang binigay niya dito..agad naman linagay ni Aren ang kaniyang kamay sa batok ng asawa.

Puno ng ngiti ang kanilang labi matapos ang halik..hindi pa rin inaalis ni Aren ang kamay sa batok ng asawa. Hinaplos naman ni Al ang mukha ng kabiyak.. Tila minememorya ang bawat detalye nito..hanggang muling nagtama ang kanilang mga mata..

"Al..mahal po ba ako..?" tanong ni Aren dito..

"Oo naman.." ang mabilis at walang alinlangan na sagot naman ni Al.

"..ikaw lang at ikaw lang ang mamahalin ko..magpakailanman" dugtong pa nito.

"For the last time.. Al..can we make love?" ang nahihiyang tanong ni Aren..

"kaya mo ba?" ang tanong naman ni Al..na may kasamang ngiti..

"I want to feel you.. I want to spend my night with you.." ang malumanay na sagot ni Aren..

"Hindi kita bibiguin..paliligayahin kita.." at agad na hinalikan ni Al si Aren..binuhat niya ito at dinala sa kamang nag aantay.

Pinagsaluhan ang bawat sandali..

Binuhos ang buong pagmamahal..

Dahil ramdam ng bawat isa..na ito na ang huli...

Hindi na natulog ang dalawa hanggang madaling araw... kapwa parin hubad at tanging kumot ang nakabalot. Tahimik na lumuha si Al..habang yakap ang asawa. Alam niya at ramdam niya na anuman sandali mawawala na ito sa kaniyang tabi.

"Al...." ang tawag ni Aren dito.

"hmm.. Bebe A?" sagot niya.

"Pwede mo ba kong dalhin sa silangan.." ang hiling ng isa.

"Bakit?" tanong ni Al dito.

"Gusto ko masilayan ang pagsikat ng araw..kasama ka..kahit sa huling pagkakataon.." ang sagot nito.

"S-sige magbihis lang tayo.." inalalayan ni Al si Aren tumayo at magbihis. Pagkatapos non ay binuhat niya ito na parang bagong kasal. Pababa sa hagdan at papunta sa garahe.

Ilang sandali pa magkahawak na ang kanilang kamay habang binabaybay ang daan patungo sa silangan. Habang nasa byahe linabas ni Aren ang kaniyang kamay sa bintana.. Linasap ang masarap na hangin na dumadampi sa kaniyang balat. Malungkot naman na nakangiti si Al sa kaniya.

Ilang sandali pa ay buhat na ni Al si Aren patungo sa isang upuan kung saan sabay nilang panonoorin ang pagsikat ng Araw..

Nakasandal sa balikat ni Al si Aren at magkahawak ang kanilang kamay.

"Al..kung dumating ang pagkakataon na muli kang magmahal.. Wag kang mag alinlangan.. Mahalin mo ito.." ang bulong ni Aren dito.

"H-hindi..mahal kita..ikaw lang mamahalin ko.." ang sagot naman ni Al.. Agad naman umiling si Aren dahil sa sinagot ng asawa.

"Makinig ka Al... Mawawala ako..pero diyan sa puso mo.. Mananatili akong buhay. Pero hindi ko kaya na makita kitang malungkot, kaya kung tumibok muli ang puso mo.. Malaya ka na mahalin ito.." ang nakangiting wika ni Aren..

"B-bebe A.. wwag mo sabihin yan..." ang nag uumpisang pag luha ni Al, agad naman pinunasan ni Aren ang luha nito..

"Mahal na mahal kita Bata..mahal na mahal kita Aldrin Atentar..ikaw lang..wala ng iba.." at dahan dahan itong yinakap ni Aren.

"Maraming salamat dumating ka..maraming salamat minahal mo ako at binago.. Maraming salamat sa lahat.. Mahal na mahal kita.."

Dahan dahan naman ng sumisikat ang araw..isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Aren ng makitA ito..

"Paalam Aldrin..paalam bata ko.." ang huling salita ni Aren bago pumikit..

Hindi na napigilan ni Al ang umiyak..ramdam niya ang huling hinga ng asawa at pagkakaluwag ng yakap nito..

"Aren..Bebe A.. Mahal na mahal kita.." ang umiiyak na sagot nito. Muli niya itong binuhat at tumayo.. Tumingin sa malawak na kalangitan..

"Hanggang sa muli Bebe A.."

"Paalam.....


¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

The End Of Me (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon