"I died with..harmony and peace.."
-Aren Micchaelle Montevistamayor-Aurelio Atentar-
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Maaga pa lamang naging abala na ang lahat ng taga silbi sa buong Manor. Lahat ng dapat itagong gamit ng pamilya ay itinagong mabuti. Ang mga muebles,mga pinta at ilang kasangkapan ay binalot sa puting tela. Dalawangpung taga silbi ang sabay sabay na kumikilos.
Pilit nilang itinatago ang nararamdaman na kalungkutan, dahil ito na ang huling araw ni Aren sa Manor. Masakit sa kanila na makita na aalis na ang kanilang Young Master.. saksi sila sa bawat pagsubok na dumating sa buhay nito. Nasa tabi sila ni Aren sa paglugmok nito at pagbangon.
Isa isa na din nagdatingan ang mga kaibigan ni Aren, kasama sila sa pagbabalik ni Aren sa bansang kinagisnan ng Ina.
Alas tres ng hapon natapos ang lahat, handa na ang mga ito at tanging si Aren na lamang ang iniintay. Hindi din nagtagal pababa na ito ng hagdan, nasa kaliwa nito si Yuwe at mahigpit na hinahawakan ang kamay ng kaniyang Kuya. Sa kanan naman nito ang asawa na inaalayan sa paghakbang si Aren. Naka mask ito..at tanging puting longsleeve ang suot. Malayong malayo sa itsura noon. Pagkababa sa hagdan naka abang si Tiffanie at isang wheelchair. Inalalayan nila na makaupo dito si Aren.
Pinatong ni Al ang kamay nito sa balikat ng asawa.. Tiningnan naman siya ni Aren at bumulong ng salamat. Hindi din umaalis sa tabi ng Kuya niya Si Yuwe..mahigpit nitong hinahawakan ang kamay ng Kuya.
"Tara na..mahuhuli na tayo.." ang pag anyaya ni Charmer sa lahat. Sabay sabay naman lumbas ng Manor ang lahat.,nag pahuli si Aren,Yuwe at Al..muling inikot ng paningin ni Aren ang buong Manor..
"Balang Araw..may babalik dito..at sisigla ito tulad ng dati.." ang bulong ni Aren. Sabay na silang lumabas ng manor..lahat ng taga silbi ang umiiyak dahil ito na marahil ang huling beses na makikita nila ang kanilang master.
Bago sumakay sa kaniyang sasakyan, isa isang yinakap si Aren ng buong taga silbi..hindi naiwasan ng lahat ang umiyak.. Pero si Aren nanatiling matatag., Ayaw niyang makita siya ng mga taong umiiyak..nangako siya na puro saya at ngiti ang iiwan niya sa mga ito.
"Maraming salamat sa inyong lahat.. Hindi ko malilimutan ang inyong ginawang tungkulin sa akin. Buong puso akong nagpapasalamat sa inyo." ang sabi ni Aren sa mga ito.
"Paalam Young Master Aren" ang sabay na sabi ng buong taga silbi at sa huling pagkakataon yumuko sila dito tanda ng paggalang.
Limang sasakyan ang ginamit nila patungo sa isang pribadong paliparan. Sa unang sasakyan ay ang pamilya ni Kennedy kasama na din dito si Charmer sumunod ang sasakyan ng mag asawang sina Yuwe,Yuya At Koibito, sumunod ang sasakyan ng mag asawa..sumunod sa kanila ang sasakyan nila Alyuna at Chill,at sa huli ang kina Charmer at Keeper.
Matapos ang isang oras nakarating na din sila sa paliparan, muli nilang inalalayan sa pag akyat si Aren. Labing dalawang Oras ang byahe patungong Denmark kaya hinayaan muna nilang matulog si Aren.
Katabi nito sa upuan ang asawa at hawak ang kamay..mahimbing naman natutulog ang asawa nito. Nagulat na lang si Al ng nasa harap niya na ang pitong taong gulang na anak nina Rheigne at Kenn..si Niniro nakangiti ito ng malapad sa kaniya..
"Hi Tito Al..!" ang bati sa kaniya ng bata. Napataas naman ng kilay si Al dahil sa bata.. Para kasing may kakaiba dito.
"H-hi Niro.." ang alinlangan na bati niya dito.. Saglit na tumingin ang bata sa natutulog na si Aren bago ibalik ang tingin kay Al.
"Ahm.. Tito Al.. If Tito Aren died.. Magiging angel ba siya?" ang tanong ng bata kay Al. Kinuha ito ni Al at pinaupo sa kandungan.
"Bakit mo natanong yan?" tanong niya sa bata.
"Because I want Tito Aren to be my guardian angel.." ang nakangiting sagot ng bata kay Al.
"Bakit si Tito Aren mo ang gusto mo maging guardian angel?" ang tanong naman ni Al dito.
"Oh.. Hmm.. Because Tito Aren is The Best Tito to the whole world" ang sagot nito na may kasabay pang pag bilog ng mga kamay.
"And Dada Rheigne told me.. Tito Aren is brave person.,kind,lovable, and with a good heart" bumaba ito sa kandungan ni Al at lumapit sa natutulog na Tito niya..
"But...Im sad..kasi kukunin na siya ni Papa God.. " ang malungkot na sabi nito. Bumalik ito kay Al.. Hindi makapagsalita si Al dahil sa gulat..hindi siya makapaniwala sa sinabi ng bata sa kaniya.
"But Tito Al..always remember Tito Aren will be here" at tinuro ang kaliwang dibdib ni Al.. Yinakap siya ng bata ng mahigpit.
"And by the way Tito Al.. Tito Aren have gift for you.." ang sabi nito at hinalikan siya sa pisngi, bago bumalik sa mga magulang nito.
Halos mag uumaga ng makalapag ang sinasakyang eroplano nina Aren. Agad sumalubong sa magkakaibigan ang malamig klima ng bansa., dumiretso agad ang magkakaibigan sa mga sasakyan na naka abang sa kanila. Sa sasakyan ni Aren sumakay si Yuwe at mga asawa nito.. Halos tumagal pa ng kalahating oras ang byahe nila..bago sumalubong sa kanila ang isang magarang modernong palasyo.
Nasa labas ang tatlong Prinsesa ng bansa na kapatid ng namayapang ina ni Aren..maging ang bagong upong reyna ng bansa naroon din. Malungkot na ngiti ang naka silay sa mga labi nila.
Naunang bumaba ang mga kaibigan ni Aren.. Muli naman itong inalalayan sa pag upo sa wheelchair nito. Dahan dahan silang lumapit sa mga dugong bughaw ng bansa.
Tatayo pa lamang si Aren para lapitan ang mga ito..pero agad itong nawalan ng malay..mabuti na lamang nasalo agad ito ni Al. Agad itong dinala sa silid nito.
Isang tango ang binigay ni Tiffanie sa mga ito..
"kailangan niya lang ng pahinga.." ang sabi ni Tiffanie sa mga kasama nito. Lumabas ang lahat ng kasamahan at naiwan ang asawa nito maging si Yuwe.
Dahan dahan lumapit si Yuwe kay Aren at hinawakan ang mga kamay nito.. Pilit na nagpakatatag si Yuwe para kaniyang Kuya..gusto niya maging malakas para dito. Hinaplos niya ang mukha nito..
"Yuwe magpahinga ka na muna..ako na dito sa kuya mo" ang utos ni Al dito pero agad itong inilingan ni Yuwe.
"Ayoko..dito lang ako.. " ang madiin nitong sagot. Wala ng nasabi si Al..alam niya naman kung gaano katigas ang ulo ni Yuwe. Iniwan niya na lamang ito.
Pagkalabas ni Al ng silid ay siya naman paggising ni Aren.. Napangiti ito ng makita ang kapatid.
"Yuwe..magpahinga ka muna.." ang sabi niya dito. Pero iling lang ang sagot nito.
"Halika tabi tayo.." ang anyaya ni Aren dito. Tumabi ito kay Aren at yinakap.
"Yuwe...ipangako mo na aalagaan mo ang sarili mo.. At lalayo na sa kapahamakan.. Ipangako mo na magiging matatag ka kahit anong problema ang dumating.." ang sabi ni Aren dito. Pero hindi ito sumagot..humikbi lang ito at lalong yinakap ang Kuya..
"Salamat at dumating ka sa buhay ko Yohan.. Salamat ata naranasan kong maging isang Kuya sayo..salamat..."
Hindi na muling nagsalita si Yohan..si Aren naman ay tumingin sa bintana., Ilang linggo na lang..kaya naisipan niyang sa mga natitirang araw niya.. Magiging masaya sila...
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
![](https://img.wattpad.com/cover/36910165-288-k560421.jpg)