A/N : guys, please. Huwag madamot sa pagvote.
~~~~~~~
Bill's POV
"ANONG SABI MO?"
Nagulat nalang ako sa pagsigaw ng boses na babae na ang familiar sa akin.
Nanlaki ang mata ko nung nakita ko kung sino ang nagsalita.
Hindi ako makapaniwala na nandito siya. Nandito siya at nakikinig habang naguusap kami ng mga kaibigan ko. Hindi ako makapaniwala dahil sa nalaman ko at nakikinig siya sa usapan namin.
~~~~
Louela's POV
"Move on? Move on na ba ha? Hindi ako makakapagmove dahil 4 yearsna naging kami ni Romela. Paano ako makakamove on kung hindi siya mawala sa isip ko at paano ako makakamove on kung iniisip ko kung ano yung mga magagandang bagay na nangyari sa amin? Move on? Hindi ko kaya"
Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil sa mga narinig ko. Hindi ko kaya ang mga nakikita ko ngayon na ang asawa ko kausap niya ang mga kaibigan dahil kay Ella? Elaine? Nene? Inday? Yani? Pedro? Juan? Dodong? Duduy? Inggo? Badung! Romela?
Romela! Ayun. Romela nga! Wait. Parang familiar yung pangalan na yun sa akin.
Habang nakikinig ako sa usapan nila. Tahimik akong nakikinig sa tabi ng basura kung saan ako nakikinig sa usapan nilang magkakaibigan.
Basura? So? Okay ng mabaho at mahawaan ako ng baho basta maganda pa rin ako!
Hindi ko napigilan umalis sa pwesto ko dahil sa narinig ko mula sa bibig mismo ng asawa ko.
"Anong ibig mong sabihin, Bill? Ilang years na tayo magkasama pero niloloko mo lang ako? Sinong Romela yan ha? Kakakasal lang natin tapos ganyan na maririnig ko galing sayo? Anong klase kang tao? Niloko mo lang ako. Walangya ka. Masaya ako dahil kinasal na tayo pero yun pala niloloko mo lang ako. Grabe ka!" Gusto ko ng magwala dahil sa narinig ko. Sumisigaw ako sa harapan niya dahil sa inis at galit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano nangyari 'to
Sa lahat ng 'to panay panloloko lang pala ang ginagawa niya. Akala ko mahal na niya ako, hindi pa pala.
"Ang galing mo umarte grabe. Ang galing mo!" Sigaw ko pa rin sakanya.
Natahimik siya dahil sa mga pinagsasabi ko at yung mga kaibigan niya natahimik na rin.
"Kayo! Kayo! Kasabwat din pala kayo dito. Mga manloloko kayo!" Sigaw ko sa mga kaibigan niya.
Unti - unting nagsisilabasan ang mga tao sa loob ng bar at nagsimula na silang magbulungan.
Wala akong pake kung magbulungan sila. Mga hayop sila!
"Walangya ka! Manloloko! Sinungaling! Babaero! Lahat na nasa sayo! Bwisit!"
"Pati kagwapuhan?" Sabi naman nung kaibigan niyang si Alvin.
Natawa naman ng patago si Geeyco pero napansin ko naman yun.
"Bwisit! Magsama sama kayong mga manloloko. Pare - parehas kayong magsama sa empyerno!"
Tumakbo ako ng mabilis at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na akong pake kung saan ako pupunta basta magpakalayo layo muna ako at makapagisip.
"Mga manloloko! Sinungaling!"
May bigla akong naalala sa mga sinabi ni Bill.
Nakakainis din kasi yang parents ko. Kung di sana nila ako pinakiusapan na ikasal dyan sa Louela na yan.....

BINABASA MO ANG
Just Got Married
Teen FictionKahit ba ikinasal na sina Bill Garcia at Louela Peña ay forever na silang magsasama? Hindi maiiwasan sa magasawa ang mag-away. Kahit na mahirap ang pagdaanan nila gumagawa pa rin sila ng paraan para masolusyunan ito. Kung tumagal ang kanilang pagsas...