A/N : Ginanahan akong gumawa ng story na 'to promise. Mabuti nalang at bakasyon ngayon. Natatawa ako habang gumagawa ako nitong story. Iniimagine ko na sila talaga. Kaibigan ko e. Guys! Pwede bang pahingi ng 10 votes? Pleaseeeee!?
~~~~~~~~~~~
Louela's POV
Nakakapagod ngayong araw na 'to. Kanina pa kami lakad ng lakad para kausapin yung mga bisita namin tapos nakakapagod ngumiti. Grabe! Tty niyong ngumiti ng matagal, diba nakakapagod? Gusto ko ng matulog.
Excited pa rin ako para mamaya sa kung ano ang gagawin namin ni Bill. Syempre! HAHAHAHAHA
Paano kaya kapag maghohoneymoon kami? Masaya ba? Masakit? Enjoy ba?
"Honey!"
First time ko lang gawin 'to yung maghoneymoon. Mahilig kasi ako sa mga pocket book tapos may nababasa ako na medyo bastos tapos di ko alam kung masaya ba talaga yun o ewan ko! Basta!
"Honey!!"
Sa totoo lang hindi ko alam yung mangyayari mamaya. Baka nga nakakahiya yung mga gagawin namin e kasi naman di ko alam kung ano yung nga gagawin ko.
20 years old na ako at pwede naman na siguro akong magganun diba? Tsaka magasawa naman na kami.
"HONEYYY!"
"Ayy honeymoon"
Nagulat naman ako sa pagbulong sa akin ni Bill para makiliti ako at mabalik sa wisyo.
"Anong honeymoon? Excited ka siguro noh? Mamaya honey kapag nakauwi na tayo"
Nagpipigil naman ng tawa yung mga bisita sa harapan namin at ako naman ay napahiya.
Nakakainis! Nagiisip pa kasi ako tungkol sa honeymoon honeymoon na yan. Ayan tuloy nasabi ko kung ano nasa isip ko.
Okay. Balik naman sa dati. Balik ulit sa pagngiti ngiti.
"Anak, saan naman kayo pupunta pagkatapos nitong kasal?" Tanong naman ni Mommy Mika, nanay ni Bill
Sa hotel alangan.
"Magbabakasyon po muna kami sa La Union, ma"
"Ay! Sige anak. Mabuti naman" -Mommy Mika
Nagsama sama kami ng mga magulang namin ni Bill sa iisang lamesa at dun kami nagusap usap.
Kumakain na rin kami dahil gutom na ako at pagod. Yehey! May pagkain. Masasarap yung pagkain e. Eto din yung inaantay ko sa kasal namin e, yung kumain. Matakaw ako e. Pake niyo?
Mataray ako sa totoo lang. Nagiging mataray lang naman ako kapag may dahilan.
Kung ano ugali mo sa akin, yun din ang ugali ko sayo.
Magtataray ako kapag badtrip na ako.
"Magpakarami kayo ha!" Sabi naman ni Daddy Billy, tatay ni Bill
Kanina pa 'yang "Magpakarami kayo ha" nakakasawa na.
Syempre raramihan namin mga tatlong anak lang xD anyare sa marami?
"Opo pa, masipag yata kami ni Louela"
Taas baba ang kilay ni Bill nung tumingin siya sa akin at inakbayan naman ako. Tila ba nangaasar sa akin.
Bigla ko naman binelatan si Bill.
Tumawa nalang sila mama dahil sa mga nakikita nila sa kung ano ang ginagawa namin ni Bill.
Nung hindi pa kami ni Bill mahilig kaming magasaran niyan. Parang aso't pusa kami niyan noon.
Flashback
"Hi babe! Ang dami kong kasamang chixx oh. Sorry ha! Huwag kang magseselos okay?"
Wow ha. Hindi nga tayo e. Wala akong pake sayo.
"Nasaan?"
Tinignan ko yung kabilaan niyang gilid at wala namang babae
"Ayun oh. Ayun. Ayun. Ayun. Ayun"
Itinuro niya yung mga iba naming kaklase.
"Hoy mister, walang magkakagusto sayo. Paano ba naman ang payat payat mo tapos tignan mo nga yang ayos mo, ang baduy!"
Tinignan naman niya yung suot niya.
"Hindi naman ah. Ayos kaya! Pogi nga e"
Napa"tss" nalang ako sa sinabi niya
"Tsaka huwag mo nga akong tatawaging babe. Hindi nga tayo bagay tsaka never na magiging tayo. Umalis ka dyan! Pweee"
Bigla nalang niya akong inakbayan at sinagaw niya sa classroom na "Guys, girlfriend ko nga pala"
Nagtawanan yung mga kaklase namin sa school. Wala ngang nagkakagusto kay Bill e.
Tinignan ko naman yung mga kaibigan ko na nakikisali sa tawanan. Ay hayop! Ang galing din nila ha!
End of flashback...
Hindi ko aakalain na magiging kami pala ni Bill pagkatapos na asaran na nangyari sa amin noon.
Ngayon, habulin na rin siya ng mga chixx. Hindi na siya yung Bill na nakilala ko dati. Pero hindi pa rin nagbabago yung pagiging feeling pogi niya. Sus! Feeling pogi.
Okay!! Sige na! Pogi na siya.
Hindi ko aakalain na mafafall ako sakanya nung college na kami. Ibang iba na siya nung highschool kami. Medyo tumaba siya ng konti.
Yung kapogian niya parang Daniel Padilla na. Syempre joke lang yun!
Yung kapogian niya parang Empoy. Ang pogi noh? Kaya nga nainlove ako sakanya e xD
"Honey, pagod kana? Gusto mo ng umuwi?"
Tanong naman nung asawa ko na si Bill. Siya lang naman yung asawa ko e. Okay! Proud na ako.
"Buti natanong mo yan. Kanina pa ako inaantok"
Bigla nalang niyang hinalikan ang labi ko at pagkatapos nun nakipagholdinh hands siya sa akin.
Yieee! Kinikilig pekpek ko. Pumapalakpak. HAHAHAHAHA!
Tapos na rin yung punyetang party na yan at pwede na kaming magpahinga.
~~~~~~~~~~~
Sorry kung medyo korni yung story. Gagandahan ko sa susunod. Yung mat thrill siguro. Try ko! :) pahingi ng 10 votes. Maguupdate ako!

BINABASA MO ANG
Just Got Married
Fiksi RemajaKahit ba ikinasal na sina Bill Garcia at Louela Peña ay forever na silang magsasama? Hindi maiiwasan sa magasawa ang mag-away. Kahit na mahirap ang pagdaanan nila gumagawa pa rin sila ng paraan para masolusyunan ito. Kung tumagal ang kanilang pagsas...