Chapter 4

34 0 0
                                    

A/N: Guys, nasaan na yung hinihingi kong votes? :( gaganahan naman akong magupdate kapag may votes e. Comment kayo guys ng marami tapos babanggitin ko name niyo! :)

~~~~~~

Bill's POV

Napatigil ako sa ginagawa namin ng babaeng kasama ko ngayon.

Umalis nalang ako at lumabas sa bar at dala-dala ko ang dalawang beer na kinuha ko sa table namin kanina.

Ayoko sa babaeng yun. Masyadong maluwag yung kanyang pagkababae. Ayoko din kung paano siya humalik. Ayoko din yung amoy ng hininga niya parang di nagtoothbrush ng ilang buwan.

Flashback

"Ayoko na, Bill. Pagod na ako. Nasasawa na ako sa anong meron tayo ngayon. Palagi nalang tayong nagaaway. Pagod na ako. Hindi ko na kaya" Tumulo ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan.

Nasasaktan ako tuwing nasasaktan siya. Ako yung mas nasasaktan kapag nasasaktan siya. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang umiiyak.

"Ibinigay ko naman ang lahat sayo, Romela. Ano pa bang kulang? Wala naman diba? Pinakita ko sayo kung gaano kita kamahal. Kulang pa ba ha? Kulang pa ba? Hindi mo na ba ako mahal?"

Mahal na mahal ko 'tong babae na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala pa siya sa akin. Siya ang buhay ko. Siya yung nagpapasaya sa akin.

Masaya naman kami nung una ah? Hindi ko alam bigla nalang siya nagbago at palagi nalang niya akong inaaway. Lagi ko naman siyang iniintindi. Bakit ganito? Bakit ganito ang nangyayari sa amin?

"Mas maganda nalang siguro kung maghiwalay nalamg tayo. Sawang sawa na ako. Bye Bill!"

Kahit lalaki ako, umiiyak din ako noh! Umiyak ako ng umiyak at tinitignan ko ang likod niya palayo ng palayo hanggang sa di ko na siya makita.

Gusto ko man siyang habulan pero di ko magawa. Parang napako ang paa sa inaapakan ko ngayon.

Gusto ko man siyang yakapin pero hindi ko magawa.

Gusto ko man siya halikan pero hindi ko magawa.

End of flashback...

Ibinato ko nalang ang beer na iniinom ko kanina.

Bumalik sa alaala ko kung paano nakipaghiwalay sa akin si Romela noon.

Makalipas ng ilang linggo nung nakipaghiwalay sa akin si Romela. Nakita ko nalang siya sa Starbucks na may kasamang aso.. este lalaki na ang saya saya nila.

Parang wala lang sakanya nung nakipaghiwalay siya sa akin. Siya ba yung lalaking ipinalit niya sa akin? Eh mas gwapo pa nga ako dyan e. Mukha namang paa.

Gusto kong sugurin silang dalawa pero ayokong manggulo dito sa loob ng mall.

Gusto kong ilibing yung lalaking ipinalit niya sa akin.

Siya siguro ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Nagsasawa siguro si Romela sa akin kasi may iba siyang nahanap.

Ayun. Siguro yun nga!

"Pare, 110 isang bote niyan. Huwag mong kakalimutan babayaran mo yan. Di ka excuse sa pagbabayad niyan" Sabi naman ni Geeyco na parang nagaalala sa bote dahil binasag ko iyon.

Inilabas ko nalang yung wallet ko at ibinigay ko sakanya ang 500 pesos.

"Sige sayo na yan. Saksak mo sa baga mo! Keep the change na rin"

"Salamat pare. Sana araw araw mo nalang binabasag 'yang bote para naman may maibigay kang pera araw araw"

"Putangina mo!"

Tumawa nalang ng malakas si Geeyco. Mukhang pera!

"Oh! Mga pre, anong ginagawa niyo dyan?" Sabi naman ni Alvin na may kaakbay na babae.

"Inihahanda yung panlibing mo" -Geeyco

"Pare, yung pake ko parang palabok sa MCDO" -Alvin

"Tangina mo! Walang palabok sa MCDO" -Geeyco

Tumawa nalang sila ng malakas dahil sa asaran nilang dalawa.

Ngumiti nalang ako dahil sa mga pinaggagawa nila.

Masaya ako kahit papaano kasi may mga kaibigan akong nandyan para sa akin kapag may problema.

"Mabalik nga tayo, ano bang problema Bill?" Tanong ni Alvin sa akin habang nakikipaglandian sa babaeng kasama niya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko. Kailan ka ba titigil dyan sa pagiging malibog mo?"

"Ako ang nagpapatunay na may forever. Forever malibog" -Alvin

"Sa susunod pakamatay ka na! Para happy kami" -Geeyco

"Gago. Edi wala nang pogi dito sa Earth?" -Alvin

"Kailan ka pa naging pogi?" -Geeyco

"Araw araw. Ang hirap nga maging pogi araw araw e" -Alvin

Binatukan nalang ni Geeyco si Alvin dahil sa pagiging feelingero niya.

"Pero seryoso na. Ano bang problema mo?" Tanong sa akin ni Alvin na mukhang seryoso.

Pinaalis naman ni Alvin yung babaeng kasama niya dahil alam niyang seryoso ang paguusapan namin.

"Dun sa asa-asawahan niya siguro" -Geeyco

Alam nilang hindi ko mahal si Louela at alam nila kung ano ang mga nangyayari sa akin. Kaibigan ko e.

"Pre, pwede ba di ikaw kausap ko." -Alvin

"Pasalamat ka nga, isang gwapo ang sumagot sayo e" -Geeyco

"Kailan pa ako nagdonate ng kagwapuhan sayo?" -Alvin

"Punyeta" -Geeyco

Asar na siguro 'tong si Geeyco sa mga pinagsasabi ni Alvin. HAHAHAHAHAHA

"Bumabalik lang sa alaala ko si Romela. Kung paano siya nakipaghiwalay sa akin. Nakakainis! Kung di lang sana kami naghiwalay edi sana kami yung naikasal at hindi dyan sa Louela na yan. Nakakainis din kasi yang parents ko. Kung di sana nila ako pinakiusapan na ikasal dyan sa Louela na yan edi sana napaghiwalay ko pa yung mukhang paa na bagong boyfriend ni Romela at si Romela"

Alam din nila na nakiusap sa akin yung parents ko para maikasal dyan sa Louela na yan. Hindi naman kagandahan.

Nagbago ako simula nung pinush nila ako dyan sa Louela na yan. Napilitan lang ako ikasal sakanya. Nambababae ako dahil sa ipinakasal nila ako kay Louela at hiniwalayan ako ni Romela.

Ang saya saya pa namin noon tuwing magkasama kami ni Romela. Nirerespeto ko siya at itinuturi ko siyang prinsesa pero wala e. Nakipaghiwalay siya sa akin. Saya noh?

"Pare, paano kaya kung magmove on ka nalang dyan kay Romela?" -Geeyco

"Move on? Move on ba ha? Hindi ako makakapagmove on dahil 4 years na naging kami ni Romela. Paano ako makakamove on kung hindi siya mawala sa isip ko at paano ako makakamove on kung iniisip ko kung ano yung mga magagandang bagay na nangyari sa amin? Move on? Hindi ko kaya"

Biglang pumatak yung mga luha ko na nanggagaling sa mga mata ko. Alangan naman sa ilong?

"ANONG SABI MO?"

~~~~~~

Guys! Please magvote naman kayo :( nagmamakaawa ako. Pleassseee!


Just Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon